39th Chapter

1.4K 50 10
                                    

39th Chapter

"Let's stay like this for a minute, Freon. Cause I still miss you even you're just here by my side."sabi nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Hinayaan ko nalang din siya at hindi ko maiwasang kiligin dahil sa ginagawa niya.

Maya't maya pa ay kumalas din siya sa pagkakayakap sakin. Umikot ako paharap sa kanya at nakita kong ang laki ng ngiti niya at nakita ko rin ang sugat sa gilid ng kanyang labi.

"Masakit ba?"tanong ko sa kanya at bahagyang hinaplos ang kanyang sugat. Umiling naman siya sa sinabi ko.

"Hindi naman masyado."sabi nito sakin. Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang mga kamay at isa isang hinalikan.

"Ano ang ibig mong sabihin? Bakit na mimiss mo parin ako kahit nasa tabi mo ako?"tanong ko sa kanya.

"Kasi minsan hindi kita nakikita kahit nasa iisang bahay lang tayo kasi palagi kaming umaalis ni Bryzel para maghanap ng informations tas minsan mga isang oras lang tayo nagkikita tapos wala na."sabi nito sakin at bumuntong hininga. "Isa rin sa mga rason kung bakit ayaw kung maging "on" na tayo. Dahil kapag nangyari 'yun ay hindi na ako makakapag focus sa pagbabantay sa'yo at sa pamilya mo kapag landian nalang ang pumapasok sa isipan ko."deretsong sabi niya. Hindi ko maiwasang matawa sa term na sinabi niya.

"Grabe landian talaga?"tanong ko sa kanya at inakbayan siya.

"Bakit ano bang maganda? Harutan?"tanong niya na naging dahilan para mas matawa ako.

"Grabe ang wild mong mag isip!"sabi ko at hinaplos ang kanyang buhok. Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanyang ngunit pinigilan niya ang mukha.

"Magtigil kang lalaki ka, may sugat ako sa labi. Mas masakit kapag hinalikan mo ako. Hintay hintay muna hanggang sa mawala ang sugat ko."sabi niya at kinindatan ako. Grabe napakamaasarin pala ni Sweet. Now I know.

Napagpasyahan naming bumaba na muna. Sabi niya ay mananatili nalang muna daw ako dito sa bahay kasi aalis nanaman daw siyang muli kasama si Bryzel. Wala akong ibang nagawa kundi sumang-ayon, alangan naman pigilan ko siya eh trabaho niya 'yan. Baka magalit pa sakin 'yan lagot pa ako.

※ ※ ※

3rd Person's Pov

※ ※ ※

"W---we lost them, Madam."nakayukong sabi ng isang lalaki sa babaeng nagngangalang Deniselle. Agad na kinuyom niya ang kamay at galit na napatingin sa kanya.

"Why did you let that happened? Huh?!"Sa sobrang galit niya ay hinawi niya ang lahat ng mga gamit niyang nakapatong sa kanyang lamesa sa loob ng kanyang office. "AAAAAAAGGGRRRRHHHHH!"sigaw nito na halata mong galit na galit sa nangyari.

"I'm sorry, Madam."

Napatingin si Deniselle sa kanyang bodyguard at matunog na ngumisi, "Sorry? Do you think you can bring them back if you will say sorry?!"sigaw nito sa bodyguard.

Hindi na ulit umimik ang kanyang bodyguard. Napahawak siya sa beywang niya at pati narin sa noo nito.

Bumuntong hininga siya, "Go out!"sabi nito sa bodyguard nito. At agad naman yumuko ang lalaki at umalis sa kwarto ni Deniselle.

She tapped her fingers in her desk while biting her lips, "No... no. They shouldn't escape."

Biglang uminit ang kanyang mga mata at kaagad siyang umiyak. Tinakpan niya ang kanyang mukha at humikbi.

"I need to kill them."sabi niya ng paulit ulit.

"But before that, I need to set a new plan."

※ ※ ※

Freon's Pov

※ ※ ※

Nung umalis na silang dalawa ni Bryzel ay pumunta ako ng salas. Manunuod ako ng pelikula ni Jackie Chan, ngunit bago 'yun ay pumunta muna ako ng kusina at dumeretso sa refrigerator. Halos malula yung mga mata ko ng makita ko ang mga curls, ice cream, bread, cake, beers, softdrinks, at mga pagkaing pwedeng pang meryende ay makikita mo dito. Paano ba naman kasi, mukhang cabinet sa laki ang kanilang ref.

Kinuha ko 'yung Tempura at pati narin 'yung Softdrinks na coke, dinala ko iyon sa salas. Inistart ko ang palabas at hindi ko maiwasang mapasuntok rin sa hangin dahil sa mga karate moves ni Jackie Chan.

Habang nasa kalagitnaan na ang palabas ay narinig ko ang mga yapak galing sa itaas. Pinause ko muna ang player at tumingin doon. Nakita ko si Faith na pulang pula ang ilong at namumula rin ang kanyang mga mata.

Dumeretso siya sakin at niyakap ako. Hindi ko man alam ang dahilan ay niyakap ko rin siya pabalik.

"What happened, Faith?"tanong ko habang hinihimas ang likod niyang basang basa ng pawis.

"Kuya..."Tanging nasabi niya.

Narinig ko rin ang mga yapak ng mga gwardiya at tumayo sila sa gilid namin.

"Is there any problem, Sir?"tanong nito.

"Stay right there."sabi ko at agad naman siyang tumango. Ano ba kasi ang nangyari?

Hinintay ko munang tumahan si Faith at nung masigurado ko ng pwede na siyang makapagsalita ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at deretsong tinignan siya sa mata nito.

"Tell me, what happened?"pagkasabi na pagkasabi ko nun ay unti-unti ulit na mumula ang mga mata niya.

"Kuya Yhel and Kuya Kelvin...."sabi nito at humikbi ulit.

"What? Anong nagyari sa kanila?!"kinakabahang tanong ko ngunit hindi parin siya sumasagot "Faith! Tell me!"sigaw ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa sinabi

"They are in danger!"


~



AeeyJeey's Note:

Hello guys! May nagbabasa paba nito? Napansin kong maraming silent reader eh. Hahaha. Huwag kayon mahiyang magcomment dahil ang author ng story na ito ay numero unong walang hiya. Charot! Mabait kaya ako. Lol.

Add me on FB: Arianne Justado

Ps. Gusto ko lang talagang makapag Author's Note. Hahahaha!

Koroshi-ya Organization: Assassins and MurderersWhere stories live. Discover now