Chapter 39

25.7K 395 111
                                    

Warning: Typos everywhere..

[Ashley POV]

Nandito ako ngayon sa kwarto. Kasama ko ngayon si Ate Grace at Celine. Kasalukuyan kasi nila akong inaayusan dahil mamaya na ang prom namin. Actually dapat talaga ang prom namin ay nung 4th year kami kaso nga dahil K-12 na ngayon ay binago ito ng admins ng school namin kaya ngayong last year nalang namin sa Senior High ito mangyayari.

"Ayan perfect!" Hyper na sabi ni Celine nang matapos niya na ang make up ko.

Nang tumingin ako sa salamin ay napahang talaga ako sa make up skills ni Celine. Hindi ito over do, parang natural lang ang dating pero nadefine lahat ng features ng mukha ko lalo na ang mga mata ko.

"Thank you, Celine.." Nakangiti kong sabi sakanya.

Ngiting ngiti naman ito sa akin bago muling nagsalita.

"You're always welcome! O siya hintayin lang natin si Ate Grace. Mukhang nag CR nawala bigla eh.." Sabi ni Celine habang kinukuhanan ako ng litrato.

"Kailangan talaga may picture?" Natatawa at medyo nahihiya kong sabi.

"Syempre! You're my masterpiece!" Proud na sabi nito pagkatapos ay muli akong kinuhanan ng picture.

"Celine tigilan mo nga yan.."

Napatingin ako sa may pintuan. Naglakad palapit sa amin si Ate Grace.

"Ate Grace naman eh.. nag eenjoy pa ako sa masterpiece ko eh.." Yamot na sabi ni Celine.

"Magtigil ka nga, kung ako sayo bumaba ka muna nandoon si Leo. Aayusin ko lang ng buhok tong si Ashley.." Pagpapaliwanag ni Ate Grace.

Kitang kita ko mula sa salamin kung paanong nanlalaki ang mga mata ni Celine sa narinig.

"O.M.G Ate Grace huwag mo akong paasahin.. Nasa baba ba talaga siya? As in?" Paninigurado ni Celine habang nakayapos na sa braso ni Ate Grace.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Sabi naman ni Ate Grace habang sinusuklay na ang mahaba kong buhok.

"Ahm oo?" Nakangiwing sabi ni Celine.

"Ay ewan ko talaga sayong bata ka.. bumaba ka na nga at kunin mo na kay Leo yung isusuot ni Ashley.." Sabi ni Ate Grace.

"O.M.G!" Sabi nito saka tumili. "Oh God wait so nandiyan talaga siya?" Pangungulit pa nito kay Ate Grace.

"Ashley pigilan mo ko paplantsahin ko dila nito.." Pagbibirong sabi ni Ate Grace.

"Ate Grace naman eh! Wait lang nga mag aayos muna ako.." Excited nitong sabi.

Gusto ko sanang mailing habang pinagmamasdan itong maglipstick, mag ayos ng buhok at halos magpaligo na ng pabango. Gusto ko sanang sabihin na kahit huwag na siyang mag ayos ay okay lang dahil maganda naman na siya eh. Kahit nakasuot lang ito ng v-neck shirt na puti, maikling maong shorts at naka puting sneakers ay talaga naman kapansinpansin ang ganda nito.

"Okay gora na ako mga bes!" Excited nitong sabi habang inaayos ang naka messy bun nitong buhok.

"Layas na nga, bumalik agad ha?" Sabi ni Ate Grace rito.

"Pag iisipan ko Ate Grace.." Nakangising sabi nito.

"Ewan ko sayo.. magpapacute ka nanaman sa kapatid ko.." Naiiling na sabi ni Ate Grace pero may ngiti ito sa labi.

"O.M.G Ate.. paano mo nahulaan yun?" Painosenteng sabi nito. Natawa tuloy ako sa inakto nito.

"Umalis ka na nga at hindi ko masimulan tong buhok ni Ashley.." Pagpapaalis dito ni Ate Grace pagkatapos ay muli nang sinuklay ang buhok ko.

Pambayad UtangWhere stories live. Discover now