Chapter 12-Hiking (Part Two)

35 0 2
                                    

Chapter 12-Hiking (Part Two)

Cathlynne's POV

Kanina pa nagsimula ang hiking at kanina pa rin kami naglalakad. Kanina pa ako pagod at pawis na pawis. Hindi ko na kaya 'to! That's why I hate hiking most!

"Kaya mo pa?" Natatawang tanong ni Ethan sakin.

Tinignan ko siya ng masama. "Kakayanin ko at kung hindi ko na man kaya, hindi ko kailangan ang tulong mo. Hindi porket pair tayo sa activity na 'to, may pakialamanan na."

"Woah. Chill lang, Cathlynne. Masyadong mainit ang ulo mo. Okay, I won't help you."

Cathlynne. Gusto kong sabihin sa kanya na tawagin akong 'Jessiah' tulad ng dati pero pinipigilan ko ang sarili ko. He's not Zxink anymore.

Nagpatuloy kami sa paglalakad pero maya-maya lang ay natapilok ko dahil hindi ko napansin na may bato pala sa harap ng daanan ko. Lecheng bato na 'to! Sarap mong batukan e!

"HAHAHA. Are you okay, Cathlynne?" Tawang-tawang tanong ni Ethan sakin.

"Damn you, Zxink Ethan." Sabi ko sa kanya at pinilit na tumayo pero naramdaman ko ang pananakit ng paa ko. Oh, shit. Nice! Very nice! Ngayon pa ako nagka-sprain! Tangna naman oh!

"Let me help you," sabi niya at inabot sakin yung kamay niya.

Akmang aabutin ko na yung kamay niya pero agad niya itong binawi. "Oops. I'm sorry, naalala ko yung sinabi mo na walang pakialamanan." Nakangisi niyang sabi.

"Fuck you," galit kong sabi sa kanya. Wagas na yung trashtalk ko sa kanya. Gaguhan lang e. Sarap siyang imurder tapos iwan na lang yung katawan dito sa bundok. Hays!

Natawa siya. "Tayo na dyan, Ms. Campus Princess. You're wasting my time," sabi niya pa at nagsimula nang maglakad.

Tinignan ko siya ng masama pero wala pa rin akong nakuhang tulong sa gagong si Ethan. Deym! Ba't ngayon pa kasi e!

Pinilit ko talagang tumayo ng mag-isa kahit na super sakit ng paa ko. Shit! Ayoko na talagang mag-hiking!!

Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatayo at pagod na rin ako. Pero nagulat ako nang biglang may nag-squat sa harap ko.

"Problema ka talaga kahit kailan," rinig kong sabi ni Ethan at tumalikod. Piggyback?

"Bilis na. Ang bagal," nagulat ako sa inakto niya. Akala ko ba gusto niya akong mahirapan? Then... Why? Tumingin siya sakin nang naiirita. "Ano? Talagang iiwan kita!"

Agad akong gumalaw at sumakay sa likod niya. Agad kong naamoy yung mabango niyang amoy. Same scent. Hindi nagbago yung bango niya noon. Hindi nga lahat ang nagbago sa kanya. I'm glad.

Zxink's POV

Habang tinitignan ko si Cathlynne na nahihirapang itayo ang sarili dahil sa sakit ng paa niya, naawa ako bigla sa kanya.

She can't stand. Do I need to help her? Ibababa ko ba ang pride ko to help her? Damn it. Bakit naman kasi ngayon pa siya nagka-sprain?! Pwede namang mamaya na lang kapag nasa tuktok na kami ng bundok!

Hindi ko alam kung anong pumasok sakin at lumapit ako sa kanya. Kinarga ko siya at super gaan pa rin ng babaeng 'to. Hindi ba 'to kumakain? Tss. Hilig kasing magpabaya.

Kinarga ko siya hanggang sa tuktok ng bundok at pagdating namin dun ay hingal na hingal na ako at pawis na pawis.

"Cath!"

Sinalubong kami ng mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Cathlynne.

"Naku, bro. Ito yung tubig, parang mamamatay ka na ah," sabi ni Grey. Kinuha ko kaagad yung tubig at ininom. Yung natira ay binuhos ko sa ulo ko. Woooh! Napagod ako dun ah.

"Bro, anyare sa plano mo? Akala ko ba, gusto mong makitang nahihirapan si Cathlynne. Ba't pagdating dito, ikaw yung hirap na hirap?" Bulong na tanong ni Luxus sakin.

"Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa sarili ko. Pero sa susunod, I won't lose. Babawi ako," sabi ko.

Minsan, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Plano ko ang lahat ng 'to, right? Gusto ko siyang makita na nahihirapan pero bakit kapag nakikita ko na siyang nahihirapan, nahihirapan din ako? Damn it! What on earth is happening to me?! I need to make my plan a success so that I can go back to States!

Cathlynne's POV

"Mabuti naman at naawa sayo yung Ethan na yun at kinarga ka," sabi ni Shayne.

"Oo nga. Ang weird," sabi ni Icelle.

"Ewan ko ba sa lalakeng yun. Hindi ko rin talaga maintindihan si Ethan minsan," sabi ko.

Sana ganun na lang parati si Ethan. Walang galit at poot ang nararamdaman kapag nasa paligid ako. Yung kapag nakita akong nahihirapan, tutulungan ako. Sana bumalik na ang dating Zxink. Sobrang miss ko na siya e.

Luxus's POV

Now, one thing is for sure.

May nararamdaman pa rin 'tong si Ethan para kay Cathlynne. Maybe dahil sa galit niya, hindi niya 'yon napapansin pero alam kong mare-realize niya rin yun sa tamang panahon.

Sana dumating na yung right time na 'yon. I can't wait na bumalik ang Ethan na masayahin at napakapalangiti. Yung Ethan na parating nandyan at parating tumutulong sa tao kahit sobrang nahihirapan na. Yung Ethan na ngiti pa rin ng ngiti kahit na may problema.

Sana bumalik na siya. Namiss ko na yung kaibigan kong 'yon.

-----

A/N: Hmm. Kailan kaya babalik ang dating Zxink? Babalik pa ba siya?

Vote and comment. ❤️

jhelachan

My Nerd Boyfriend (on-hold )Where stories live. Discover now