Chapter 13-Luxus and Cath

14 0 0
                                    

Chapter 13-Luxus and Cath

Cathlynne's POV

Maaga akong pumasok sa school. Maaga kasi talaga akong nagising kanina kaya napaaga yung punta ko dito sa school.

Konti pa lang yung mga students. Yung 'konti' na yun ay puro mga couples. Jusko naman. Ang aga-aga pa, landi na agad.

Tinitignan ko lang sila habang kinukuha yung books ko sa locker ko. Nang makuha ko na, nagsimula na akong maglakad papuntang classroom habang naiiling. Mga kabataan talaga ngayon oh!

"Hey."

"AY ZXINK ETHAN!" Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig ko.

Narinig kong tumawa si Luxus. Naku namaaaaaan! Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin ko, Zxink Ethan pa talaga! At si Luxus pa talaga nakarinig! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

Sinuntok ko ng mahina yung balikat ni Luxus. "Hoy, gago. Kasalanan mo yun. Nanggugulat ka," pagmamaldita ko.

Para hindi halata na sobra akong napahiya sa sinigaw ko. AAAAAAHHHH! HUHUHUHUHU.

Natawa ulit siya. "Anyway, let's talk." Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya.

"Kausapin mo mukha mo. Ano na namang plano niyo ni Ethan, huh?" Tanong ko.

Umiling siya. "Wala. And actually, ako pa lang yung nandito. Hindi pa dumadating si Ethan," sagot niya.

Siningkitan ko siya ng mata at napataas ulit yung isa kong kilay. "Are you sure? I can't trust you guys. Mga manloloko kayo," sabi ko at inirapan siya.

Nagsimula na akong maglakad paalis nang magsalita ulit siya. "Manloloko ka rin naman ah," sabi niya. Napatigil ako sa paglalakad ko at napaisip. Oo nga nuh? Haaaays.

Lumingon ako at sinamaan siya ng tingin. "What do you want, really?" Tanong ko.

"I want to talk to you," sagot niya.

Napakamot ako ng ulo ko. Naman e! Ang malas ko na! HUHUHU.

~*

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko kay Luxus.

Dinala niya ako sa soccer field. Wala pang naglalaro kasi nga masyado pang maaga. SUBUKAN LANG NG MGA COUPLES NA MAGLANDIAN DITO, SISIRAIN KO MGA MUKHA NILA! Hays. Bitter much izz meh.

"About Ethan," nanigas ako sa kinauupuan ko sa sinagot niya.

"Ano namang gusto mong pag-usapan about Zxin—este Ethan?" Kinakabahan kong tanong. Omg. I don't know but I'm so nervous! Waeyoooo?!

"But before that, okay na ba yung paa mo?" Tanong niya.

"Eh?" Napatingin ako sa paa kong nakabenda pa rin. "Okay na siya pero masakit pa rin kapag pinipilit kong maglakad."

"Sa tingin mo kaya, masakit pa rin kay Ethan yung nangyari dati?" Napatingin ako ng wala sa oras sa kanya. What the hell? Kanina lang, paa ko yung sinabi kong masakit tapos ngayon? Wow. Just wow, Luxus.

I shrugged. "Don't ask me about that. Why don't you ask Ethan?"

Nakita kong lumungkot yung mukha niya at tumingin sa langit. Luh? May... mali ba akong sinabi? EH HINDI KO NGA ALAM KUNG MASAKIT PA SA PART NI ETHAN YUNG NANGYARI SAMIN DATI EH!

"Sa tingin mo, mahal ka pa niya?" Tanong niya.

Sumimangot ako sabay iling. Tumingin rin ako sa langit. Bakit ba? Gusto kong gumaya e. "Halata namang hindi na. Sa mga ginagawa niya sakin ngayon, siguradong hindi na," sagot ko at natawa na parang tanga.

Tumawa pa ako, halata namang peke. Kahit anong gawin ko, kapag si Ethan yung pinag-uusapan, nalulungkot ako. Nasasaktan ako.

"Sigurado ka ba sa sagot mo na 'yan?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman. Tanggap ko naman na wala na kaming pag-asa e. Sana hindi ko na lang siya sinaktan dati edi sana, masaya pa rin kami ngayon."

"Bakit wala kang ginawa nung nalaman ni Ethan na niloloko mo lang siya?" Tanong niya.

Naging Q and A na 'to, pramis. Mababatukan ko na talaga 'tong si Luxus pero sige, sasagutin ko na lang mga tanong niya kahit iritang-irita na ako.

I sighed. "Pinangunahan ako ng takot. Ramdam at kitang-kita ko sa kanya yung galit niya nang malaman niya," sagot ko.

Lumunok ako. Ito na naman. Iiyak na naman ako. Naman! Ang aga pa oh, ayokong umiyak! Lecheng Luxus kasi 'to e!

"Mahal mo ba talaga siya?"

"Oo naman," mabilis kong sagot at ngumiti ng malungkot. "Pero mas mahal ko si Zxink kesa kay Ethan. Mas mahal ko yung palangiti at mabait na Zxink kesa sa Ethan na makasarili."

"Lahat naman tayo, mahal talaga si Zxink. Pero binago siya ng oras. Let's just wish na sana bumalik na si Ethan na mabait at palangiti," sabi ni Luxus at tumayo.

Huminga siya ng malalim sabay sigaw ng, "PARA KAY ZXINK ETHAN DELA ROSA, KUNG NAKIKINIG KA MAN, BUMALIK KA NA SA DATI!" Malakas na sigaw ni Luxus.

Napamangha ako. Wow. First time kong narinig na sumigaw si Luxus at first time niya rin akong kinausap ng maayos.

"I need to go. Don't worry, siguradong narinig ni Zxink yung sinigaw ko." Sabi niya at tumawa.

Tumakbo na siya paalis at naiwan akong nagtataka. Wait nga. Anong 'siguradong narinig ni Ethan' yung sigaw niya e, wala naman dito si Ethan? Luh? Para siyang tanga e.

Zxink's POV

Nakasandal ako sa pader na hindi kalayuan kung nasaan sina Luxus at Cathlynne.

Kanina pa ako nakikinig sa pag-uusap nila. Hindi ko naman sinasadya na makinig nuh. Nakita ko kasi sila na papunta dito sa soccer field kaya sinundan ko sila. 'WAG NIYO NANG TANUNGIN KUNG BAKIT kasi malamang I'm curious!

Mahal mo pa pala ako, Cathlynne. I grinned. What a joke. Well played, Jessiah Cathlynne. You can't fool someone like me again.

"PARA KAY ZXINK ETHAN DELA ROSA, KUNG NAKIKINIG KA MAN, BUMALIK KA NA SA DATI!"

Nagulat ako nang sumigaw si Luxus. Minsan lang sumigaw itong si Luxus kaya nakakagulat pero yung sinigaw niya...

Nanigas ako nang makita si Luxus na tumatakbo paalis ng soccer field pero mas nagulat ako nang tumingin siya sa direksyon ko sabay kindat at tawa.

Curse that guy! Kanina niya pa alam na nakikinig ako sa pinag-uusapan nila?! Shit. Ang tanga ko. What do I expect kay Luxus? DAMN IT!

Akmang aalis na ako pero narinig kong nagsalita si Cathlynne. "Hoy, Zxink..." Oh, God. Alam niya bang nandito ako? Sana hindi, shit! "Kung nandito ka man at nakikinig... gusto kong humingi ng pasensya sa ginawa ko sayo dati. Tsaka uyy, miss na miss na miss na kita... Balik ka na sa dati, please."

Napakagat ako ng labi ko sabay iling. No... Tumakbo ako ng mabilis paalis. Siguradong hindi niya yun mapapansin.

My Nerd Boyfriend (on-hold )Where stories live. Discover now