6

3 0 0
                                    

Sa tuwing kinakausap mo ako bumabalik nanaman ako sa dating ako.
Yung ako na tanga pag dating sayo.
Hay nako. Bakit kasi ang lakas ng tama ko sayo?
Kinakausap mo lang naman ako kapag magkalayo kayo ng bestfriend ko.
O kaya kapag wala kang ibang makausap bukod sakin.
Masakit man sakin di ko nalang iintindihin.
Ang mahalaga kausap kita at kasama kita.

Pero sa isip isip ko masaya kaba?
Nakakaramdam ka rin ba ng saya kapag ako yung kausap mo at hindi siya?

Sana napapasaya rin kita gaya ng ginagawa niya.
Andito rin naman ako kayang gawin yun para sayo bukod sakanya.

Alam kong pampalipas oras mo lang naman ako.
Hindi mo man sabibin pero nararamdaman ko.

Minsan nasasaktan ako kapag siya yung pinag uusapan natin.
Lagi nalang siya! Paano naman ako?
Oo nga pala siya yung babaeng mahal mo.
Syempre siya lagi yung bukang bibig mo.
Puro positibong bagay yung sinasabi mo sakin na nagustuhan mo sakanya.

Inaamin ko minsan naiinis na ako sakanya.
Kasi hindi niya man lang maramdaman na mahal siya at umaasa ka sakanya.

Pero hindi ko magawang magalit dahil bestfriend ko siya.

Hays, Napakaswerte niya dahil gusto mo siya.

**

Kaibigan Lang? Where stories live. Discover now