Chapter 26.4.4

112K 1.2K 17
                                    

Jordan

Hindi naman din nagtagal ay lumabas na si Ty na nakatapis na lang ng tuwalya at may paunti-unting tumutulong tubig sa abs niya pababa. Hindi ko naiwasang mapatitig sa bahaging iyon at napalunok. Natigilan lang ako sa pagkatulala nang marinig ko siyang humalakhak at agad na nag-init ang aking pisngi. For sure, nahuli niya ako. Malandi kang babae ka!

"If you want to make love to me, Mahal ko, just say so," nakakaloko pa niyang sabi.

"Ang manyak mo talaga!" Kunwari ay umirap ako, pero alam na alam kong mapula pa ako sa kamatis ngayon. Humalakhak lang ulit siya sa sinabi ko at nagkibit-balikat. "Asa ka pa!"

"I'll be waiting here in case you change your mind," nakangisi pa niyang sabi sabay kagat sa anyang labi. Hindi man ako nakatingin ay alam kong sinusundan niya ako nang tingin habang papasok sa banyo.

Mababaliw na talaga ako sa kanya!

Matapos kong mag-shower ay noon ko na lang napansin ang bagong pares ng bra at panty na nakasampay doon. Mukha ngang pinaghandaan ako ng gago. Hindi man lang marunong mahiya sa parents niya. Haist... Isinuot ko na rin ang t-shirt ni Ty na nagmukhang bestida na sa akin. At amoy pa lang ng t-shirt ay parang nalalasing na ako hindi pa man. Amoy nang minamahal kong fiancé. Paglabas ko ng banyo ay nabungaran ko siyang nakaupo at nakasandal sa headboard ng bed. Abala siyang nanonood ng t.v., pero napabaling din naman nang tingin sa akin. Naka white sando lang siya at boxers. Hitsura pa lang, ang bango na.

"I love my clothes on you, Mahal ko..." nakangising sabi niya sabay senyas na maupo sa kanyang tabi.

Kahit pa may nangyayari na sa aming dalawa ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-excite at kabahan sa tuwing magtatabi kami nang ganitong kalapit.

Agad niyang iniikot ang kanyang kamay sa aking katawan at manipis akong hinalikan sa gilid ng mata.

"I am really sorry about Tiffany. She almost ruined everything. I am really sorry," bulong pa niya habang panay ang maninipis na halik sa aking pisngi.

Hindi ko nakuhang sumagot sa sinabi niya. Alam kong hindi magiging madali ang lahat lalo na nga't kitang-kita ko ang galit sa mga mata ng Lolo ni Tiffany.

"Please, don't ever walk away again. I don't think I'll be able to survive a day without you this time."

"Paano kung ipilit nila ang kasal mo kay Tiffany?"

Umismid lang siya at mapaklang ngumiti habang nakatitig pa rin sa t.v.

"It's not going to happen. I'll never allow it to happen," confident na sabi niya sabay kabig palapit sa akin. Itinaas niya ang aking mukha para diretso akong titigan sa mga mata.

"I'll only marry you, Mahal ko. Just you." Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa at agad niyang sinakop ang labi ko. Bahagya pa niyang itinagilid ang kanyang mukha at pinalalim ang halikan naming dalawa. Halos mapaungol ako sa sobrang sarap nang ginagawa niyang paghalik. Naramdaman ko ang bahagyang pagngisi niya sa labi ko at gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko talaga magawang pigilan ang mapaungol. "It's so turning me on when you moan like that..."

"Ang sama mo!" Hinampas ko siya sa dibdib at napahalakhak naman siya nang malakas.

"Do you want to scream? I can make you scream right now," aniya habang nakangisi nang kuntodo sa akin.

"Heh!" Mariin kong kinagat ang aking labi dahil pakiramdam ko ay ang pula-pula ko na. Ang harot talaga!

"Hmm..." Mas hinapit niya ako sa baywang at kulang na lang ay pumatong ako sa kanya. Habang ang isang kamay niya ay nadadaganan ko na at mahigpit na nakaalalay sa aking balakang, ang isang kamay naman niya ay nasa hita ko at marahang hinahaplus-haplos ang exposed na bahagi kong iyon. Tangna. Naka-panty nga lang pala ako!

CBTG Private PartsWhere stories live. Discover now