Chapter 5

19 14 8
                                    

They meet

Pagkahatid sa'kin ni Stephen dito sa bahay naligo, nagbihis at kumain ako agad. May pasok pa kasi ako. Aish! Ang hirap talaga mag over night sa ibang bahay lalo na kung wala kang dalang damit at may pasok pa pagkakinabukasan.

Lumapit si lola sa'kin sabay abot niya ng isang libong piso.

"Apo, allowance mo oh."

"Ay naku la! Sa inyo na yan. Pandagdag dito sa bahay. Alam ko pong di sapat yong kinikita niyo sa pagtitinda ng mga kakanin diyan sa harap ng bahay. Mayron pa naman po akong pera dito. Hayaan niyo makakahanap din po ako ng part time job." sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

"Salamat, apo. Pasensya na kung ganitong uri ng pamumuhay lang ang kaya kong ibigay sayo." kababakasan ng lungkot ang boses ni lola. Parang napunit ang puso ko nong marinig ko yon sa kaniya.

"Ano ka ba lola? Okay lang po. Tsaka ang saya nga eh, simple lang pero masaya. Salamat, lola." Sabay yakap ko sa kaniya.

Narinig ko naman siyang sumisinghot singhot. Hays. Napakaiyakin talaga ng lola ko. So vulnerable yet the most caring person I know. That's why I don't think a day I can survive without her.

"Naku kang bata ka, pinapaiyak mo talaga ang lola. Hala sige humayo ka na at baka mahuli ka pa sa klase niyo." at nang dahil doon naalala ko ulit na may pasok pala ako.

Kinuha ko na yong mga gamit ko at panibagong jacket sa aparador ko, ibinigay ko nga pala yong isang jacket ko nong nakaraan don sa babaeng namolestya, kamusta na kaya siya? Nagsuot na ako ng sapatos at bumaba.

I'm wearing white spaghetti strap na sando na pinatungan ko ng black checked na long sleeves, a simple faded ripped mom jeans sakto lang para makita yong tuhod ko at sa side ng hita ko. Simple lang ang porma ko. Sa buhok naman messy bun and I wear my eye glasses to conceal my eye bags. Di kasi ako nakatulog ng maayos dahil di ako komportable sa higaan ko, idagdag mo pa yong epic first kiss—err.

Yes, nakacivilian ako tsaka I think they will allow the students to wear whatever they want starting next week. Syempre sino paba ang may pakana non? Edi yong President na sinuportahan naman ng iba pang officers para lang masunod yong fashion nila. Wala din namang nagawa yong faculty, maimpluwensya yong mga magulang ng karamihan sa SSG Officers eh.

Tsk. Still hiding to their parents' shadows.

"Oh wag magpapakapagod masiyado ha. Tsaka wag magpapalipas ng gutom. Ingat apo." pahabol na habilin ni lola habang pumapara ako ng tricycle. Mas mura kasi kung hindi sa pilahan ng tricycle sasakay. Kumbaga hindi special kasi may kasabay ka.

"Opo lola, kayo din!"

---

"Manong bayad po."

Pagkaabot ko ng bayad don sa manong patakbo akong pumasok ng University.

"Good morning, manong." bati ko kay mamang guard sabay nginitian ko, as usual nakasimangot siya pero ngumiti din naman kalaunan. Ayaw niya kasi ng tinatawag na manong dahil nasa early 30s palang naman daw siya.

Dumaan ako sa malawak na field, syempre gumagawa ako ng sarili kong daan shortcut kumbaga. Kasi kung susundin ko yong daan baka abutin ako ng siyam-siyam bago ako makarating sa room ko sa sobrang lawak ba naman ng University na ito.

Sa di kalayuan may narinig ako.

"pre, chicks oh."

"oo nga pre, ang lakas ng dating."

"lapitan niyo, dalhin niyo dito."

"ay naku. Kayo na lang feeling ko mataray yan."

Love StringМесто, где живут истории. Откройте их для себя