Chapter 6

19 13 9
                                    

The Audition

Napag alaman ko na si Drake pala at si Monica ang magkapartner sa project namin sa Music Class ni Ms. Sanchez. At sa kamaang palad, Oo! Magkaklase kami sadyang tila palitaw lang 'tong si Drake kung pumasok. Lulubog, lilitaw. Kung minamalas din naman tong si Monica, grabe niya kung iwasan yong tao tapos biglang makakapareha pa pala niya sa project niya. Nagpalipat kasi si Monica sa class ni Ms. Sanchez para magkasama kami sa subject na yon, sakto namang pumasok si Drake sila tuloy ang magkasama since pareho silang wala pang kapareha. 2:30 pa lang ng hapon pero dinismiss na kami, may faculty meeting daw kasi ang mga teacher namin. 

"So, saan mo balak pumunta ngayon?" tanong sakin ni Monica habang nag aayos ng mga gamit namin.

"Kinansel ni Stephen yong meeting namin ngayon kaya siguro maghahanap muna ako ng pwede kong part time job." sagot ko sa kaniya. Ewan pero di ko alam biglang kuminang yong mga mata niya at ngumiti siya na para bang nababaliw.

"What's with the smile, bakla?" tanong ko sa kaniya nang makalabas na kami ng room.

"Eh kasi ako din eh naghahanap. Tapos na kasi yong seasonal account nong part time job ko tsaka parang ayaw ko na muna sa BPO, grabe ubos na ubos yong pagkatao ko don. Pero di na natin kailangan magpakahirap sa paghahanap. Here oh." sabay abot niya sakin ng isang news paper. Sa section ng classified ads ito nakalagay.

"Eh anong gagawin ko dito sa news paper?" I'm still puzzled. What is she talking about?

"Like duh! Mika. Diyan mo mahahanap ang trabaho. Tss. Now, I'm really doubting you for being not a poor. Well, so much for that, ito oh yan basahin mo." makahulugan nanaman niyang sabi. Binasa ko din yong tinuro niya.

Hindi pa nga pala niya alam kung ano ba talaga ako. Tsaka na siguro, hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya. Siguro di pa ako confident na ikwento sa kaniya yong side na yon ng buhay ko. Sobrang dami kasing mauungkat once na ikwento ko na yon sa kaniya. And knowing her? For sure maraming magiging follow up questions.

Tiningnan ko yong section ng news paper na pinakita sakin ni Monica and "What?!"

"Two lead vocalists for 6 months?!" I read it loud then tiningnan ko siya. She just nodded.

"Bakit? Kumakanta kaba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman! Aalokin ba kita diyan kung hindi diba? Tsaka it's exclusively for girls only. Why don't we try it right?" sabi niya nang di ko namamalayan na nasa sakayan na kami ng jeep.

"Oh, saan naman tayo pupunta?" tanong ko na lang sa kaniya. Langya tong babaeng to. Napaka impulsive hindi muna sinisigurado, malay ba namin kung modus lang yan. Lalo pa't exclusively for girls lang.

"Edi pupunta don. Like hello?! Last screening na nila ngayong araw. Kaya dapat makapag audition muna tayo bago sila makapili diba? Diba? Kaya halika na." hinila niya ako pasakay sa jeep na pinara niya.

"Safe ba yan?" yon na lang natanong ko sa kaniya.

"Oo naman, ako ang bahala sayo mahal na prinsesa." she said with a playful tone.

Aning-aning talaga to. Well, why not give it a try? Wala namang mawawala eh.


Monica's POV

"So, what's your name miss?"

Mag-o-audition kami ngayon, magbabaka-sakaling matanggap bilang part timer sa isang banda. Sana lang matanggap kami. Syempre bago kami pumasok dito may ginawa muna kami ni Mika. At yon ang dahilan kung bakit tila nilamukos na papel ang mukha niya sa kaba.

Tinanong na siya ng mismong nagpapa-audition.

Tama nga ang hinala ko puro sila mga babae at magaganda. Yong iba pa nga may mga lahi pa ata. So, as what I've said may dahilan kung bakit nauna at ganoon na lang ang mukha ni Mika. Parang constipated. Pfft. Ganto kasi yon...

Love StringDonde viven las historias. Descúbrelo ahora