C h a p t e r 1 7 ∵

41 4 1
                                    

Sachi's Pov

Halata namang kaya nagustuhan nila yung babae dahil sa mukha palang ay simple na sya. Iniimagine ko nga, kahit wala syang make up ay maganda parin sya eh.

Lalo na si JB na kaya nagustuhan nya talaga yung babae.



"*Omg.. Christiaaaaan!!!"

Nakita nya tuloy kami dahil sa titig ni Christian. Hindi nya talaga inaalis hangga't sa makita nung babae.

Pumunta sya saamin na excite na excite at biglang niyakap si Christian.

"I miss you much" -Yoana

Hindi ko alam kung titignan ko pa sila o ano pero habang tinitignan ko sila, tumingin saakin si Christian at nag weird face sya hhahahaha habang yakap pa sya nito.


Nang bitawan na ni girl, bigla nya ako napansin. Napalaki nalang mata ko dahil napaseryoso sya ng tingin na di ko alam kung ano iniisip nya.

"Sya ba yung new girlfriend mo? Ang cute nya tsaka... Mukhang bata pa saakin" -Yoana

"Ah.. Hindi po ako girlfriend nya. Kaibigan lang po nya ako. Actually, apat nga po kami dito, ang dalawa nag oorder" -Me

"Aww.. " -Yoana

Bakit feeling ko, may pagka mataray sya? Naging seryoso talaga itsura nya e tas yung pangingiti nya nung kunti, parang plastic lang.




Nang tignan ko na pala yung dalawa, papunta na pala sila dito at napansin din nung babae.

"*Omg.. Si Jb ba yun?" -Yoana

Nagkatinginan lang kami ni Christian at umiling sya ng kunti. Ibig sabihin ba ay wag na din ako mag salita?



Hanggang nasa harap na namin sila ay nag react na naman dito yung babae dahil mas lalo nya pang namukhaan si JB. Niyakap nung babae si JB pero di sya niyayakap ni JB. Parang wala lang sakanya.

"Sobra kitang namiss" -Yoana

Nang sinabi ng babae yun ay tinignan ako ni JB at di ko alam.. Bigla ako napaiwas ng tingin sakanya.



Nang bitawan na nung babae..

"Grabeeee lalo kang gumwapo😍" -Yoana

"Anong ginagawa mo dito?" -JB

"Wala lang. Bigla ko kasi nakita si Christian kaya ayun, napalapit tuloy ako😊" -Yoana

"Yun lang ba? Kakain na kasi kami eh" -JB. Bat nagiging cold sya?

"Well, if you don't mind na mag join ako sainyo dito?😊" -Yoana

Nagkatinginan muna kami at si Christian na sumagot na pwede syang maki join saamin.

Kaya kumuha ng isang seat si Christian at itinabi kay JB.

So ganito ang arrangement:


Christian¦Yoana¦JB
Me¦Sean


Kumbaga, kaleft ko si Christian at ang ka right ko naman ay si Sean, so ang ka right ni Sean ay si JB



"So kamusta kayo? And btw, who are you? Ngayon lang din kita nakita?" -Yoana


"Ka childhood na bestfriend ni Sachi yan at kaibigan din namin sya na si Sean" -Christian

When Miss Wattpader Met Mister Wattpader [ONGOING]Where stories live. Discover now