SPECIAL CHAPTER(Edited)

1.3K 66 5
                                    

The day when JG met Berry

A/n: hindi ko mapagdesisyunan kung kaninong point of view ang gagamitin ko. Kaya naman third pov nalang.


Pumunta si Cranberry kasama ang mga staff niya sa isang orphanage. Ang utos kasi sa kanya ay magperform sa harap ng mga ulilang bata roon. Dahil nga sikat siya, siya ang kinuha para doon. Ayaw man niyang gawin iyon ay hindi siya makatanggi. Una, may contract siya sa management na nag-settle ng program. Pangalawa, kailangan siyang ma-built up para lalo siyang sumikat, at pangatlo bayad na siya, bawal nang tumanggi. Sinsisi niya ang manager niya dahil kinuha agad ang talent fee niya. Mukhang pera talaga ito at hindi man lang inalala ang feelings niya.

Matapos siyang mag-perform ay naglahad ang mga bata ng mga kanya-kanyang experience, umiyak pa siya sa harap ng camera dahil hindi na niya makayanan ang paghihirap ng mga bata bago pa sila makuha ng social welfare.

Pero siya si Cranberry Hopkins. Isa siyang...

Artista.

At plastic siya makitungo sa mga tao sa paligid niya. She doesn't want to bond with other people but she needs to. Kung hindi masisira ang career niya. Ang career niya na mukha at talent nya ang pinuhunan.

"Nakakalungkot naman," sabi nya pa habang nagpupunas ng luha. Niyakap niya ang batang babae. "Sana mabait at mapagmahal ang susunod na mag-aampon sa iyo."

Nag-iyakan ang lahat.

One.two. five seconds. Five seconds niyang niyakap ang bata na parang hindi naman naliligo. Maraming press ang nakapaligid sa kanila at kinukunan siya ng picture.

"Aw. Ang bait talaga si Ms. Berry. Ika-caption ko ang luha nya. The empress' tears. " komento ng isang photographer as he took photos of Berry crying.

Napangiti si Berry. Kung minsan ang dali lang utuin ng press.

"Huh, sigurado ka ba talaga sa sinabi mo? Baka nga kahit pagbihisin lang siya ng isang bata mag-inarte na 'yan." komento ng isa pang media na babae.

Narinig niya iyon at kahit gusto niyang irapan ito ay hindi niya magawa. Hay nako ang hirap maging mabait sa mata ng ibang tao. Matapos niyang yumakap ay tinakpan niya ang kanyang mga mata. Ito na ang tamang panahon para umarte ng todo.

Nagtanong ang mga media kung okay lang siya. Pagkatanggal niya ng kamay sa mukha ay sinadya niyang pinatulo ang luha niya. "Di ko na kaya." Tuluy-tuloy siyang lumabas ng orphanage hanggang sa malayo na sa mga tao. Hindi na sumunod pa ang mga press dahil hinarang na ito ng manager at staff niya.

Ngumisi siya bigla habang pinapahid gamit ng daliri ang tumulong luha sa pisngi niya. Hinawi niya rin ang kanyang long blonde hair.

" The empress's tears? Not bad."

She was grinning all her way to the park. Mahal ang luha niya pero para siyang si Santa Claus na ibinigay lang iyon sa kanila. Ang swerte nila.

Before she enter the van, she first called her manager who was left inside the orphanage.

"Mauuna na ako sa van." sabi niya agad rito. Alam ng manager niya na may kagaspangan ang ugali niya pero pinagpapasensyahan na lang ito ni Miss Belinda dahil kumikita ito sa kanya at sikat pa ang malditang ito sa mga teenagers. Bashers and supporters parehas lang iyon sa kanila sikat parin sila kahit saan man doon. Remember, good and bad publicity is still publicity.

"Bago ka pumasok. Can you go to the church near the park and take the fruit basket to the representative of that church? Nakalimutan ko kasing ibigay eh." sabi ni manager sa kabilang linya. Hindi alam ni Berry na itinitirik na ni manager ang mga mata sa sobrang inis sa kanya. Akma pang susuntukin ang telepono upang maibsan ang inis.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Where stories live. Discover now