Thirty-five : Suspicious Nelorie

1K 54 13
                                    

Chapter 35: Suspicious Nelorie

Flare's POV

Nasa kasarapan ako ng panaginip ko nang alugin ako ng sobrang bilis. Akala ko may lindol kaya napatayo ako.

"HOY MUSANG GUMISING KA NA!" she shouted.

Kinalikot ko ang tenga ko. Ang lakas kasi ng pagkakasigaw nya. "Ano ba,wag ka namang sumigaw."

"They are all searching for us."

"Bakit daw?"

"If you didn't know, tumakas lang naman tayo sa pagluluto."

Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Oo nga pala! Magluluto daw kami. "Ano'ng oras na?"

Berry pointed at the wall clock. 7:30 pm na!

Pinalayas ko sya sa mini stairs para makababa ako. Patay na ,hindi pa kami nakapagluto!

"What did you do?" tanong ko sa kanya. Well,kung tulog ako dapat sya ang gumawa non hindi ba?

She shrugged her shoulders and smirked. "I lock the door. Nagkulong lang ako rito."

"Walang naghanap sa atin?"

"Actually,hinahanap na nila tayo pero hindi sila makapasok rito." itinaas nya ang dahilan kung bakit hindi sila makapasok. "I have the key." parehas nyang tinaas baba ang mga kilay nya.

I snobbed her and went out of the room. Sumunod sya sa akin.

"Don't leave me,hey!"

Mabilis ang mga hakbang ko na pumunta sa dining place namin. Hinigit ni Berry ang kamay ko.

"Ano ka ba,wag mo kong iwan." maarte nyang sabi.

I rolled my eyes then walk again. Alam ko naman na ako ang ipapambala nya kung sakaling pagalitan kami.

Pagpasok namin,nasa harap na sila ng table at...

May mga pagkain na sa harap.

Napanganga ako nakita ko. I look at them one by one. Sino ang gumawa nito?

"Oh nandito na pala ang magagaling nating cook." Clinton said then they gave us a round of applause.

Nagsalita si Mark. "Kahit pagod sila nagawa parin nilang magluto." tapos palakpak na naman.

Hindi.

Hindi ako ang nagluto para sa kanila. Hindi ko rin alam kung sino.

Baka naman si??

"Maliit na bagay."ngiting-ngiti na sagot ni Berry sabay kurot sa akin. Paano nya naatim na makinabang sa pinaghirapan ng iba?

"Hindi katulad ng iba dyan,na nagoorder lang sa restaurant."pagpaparinig ni Mrs. Arlando sa class A. Napatingin silang lahat pati na si Sir Amerson.

"Umupo ka na." pinaupo ako ni Berry sa tabi nya habang hawak ang kamay ko. Kating-kati na kong magsabi ng totoo pero kada ibubuka ko ang bibig ko,kinukurot nya ako.

Pumasok bigla si Vice pres. Sinundan ko sya ng tingin. Low energy ang aura nya. Naawa tuloy ako sa kanya. Panigurado nagprepare sya para sa amin kaya napagod sya.

"Oh,vice pres. You look so tired." Nelorie greeted him. Vice Pres didn't answer and sat on the chair. Napatingin sya sa weirdo naming president na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.

"Who is he?" tanong nya habang nakaturo kay pres. Pres snobbed him.

Bumulong si Vince sa kanya. Nakita ko ang gulat na reaksyon sa mukha nya sabay balik ng tingin kay Pres. Hindi nya nilulubayan si Kean na parang maiiyak na sa kalandian ng student council president. Sinusubuan pa si Kean kahit tumatanggi na ang lalaki. Nanghingi pa sya ng tulong kay vice pres but vice pres can't do anything. Masyado syang malayo sa mga ito.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Where stories live. Discover now