Chapter 21

12K 529 85
                                    


Napatingala ako sa asul na kalangitan habang nakaupo sa bench. Pinagmasdan ang mga ulap na humuhulma ng iba't ibang korte. Napapikit ako at napagtantong mahigit dalawang buwan na ako rito. Ang bilis ng mga araw at parang kahapon lang ako umalis sa amin. Napamulat ako nang may maamoy ako. Nagulat pa nga ako na may nakatapat na hot choco sa akin at nakangiti si Louise sa harapan ko.

"Hot choco para sa malamig na umaga."

Nakangiti kong kinuha ang mug. "Thank you.." Isang ngiti lang ang isinagot niya bago umupo sa tabi ko.

"Ang aga mo naman ata nagising?"

Mahina akong natawa at humigop muna sa mug bago nagsalita. "Lagi naman talaga akong maaga na nagigising."

"Weekend kasi ngayon at required naman na tanghaliin ka ng gising." Humigop din siya sa mug niya at umisod ng kaunti palapit sa akin hanggang sa magdikit ang mga braso namin.

Ang kinis at lambot ng balat ni Louise. May init din na nagmumula rito na magpapapawi sa lamig ng umaga.

"Hindi matatawag na summer kung ganito pa rin kalamig." Sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

Ngumiti ako dahil may point siya. Summer na pero malamig pa rin ang sumasalubong sa amin tuwing umaga.

"Louise..."

"Hmm?" She hummed habang umiinom sa mug.

"Two months ago may nasabi ka sa akin.."

Naalala ko ang sinabi niya noon. Akala ko biro lang pero since na mapagtanto ko kung ano ang nararamdaman ko para sa isang tao at sa babae pa. Hindi ko mapigilang mapaisip din na may possibility bang totoo ang sinabi ni Louise dati? Pero hindi naman halatang magkakagusto siya sa katulad ko.

"Yung tungkol sa..." Napalunok ako at parang may humarang sa lalamunan ko. Bigla rin ako nakaramdam ng hiya sa itatanong ko.

"Zayl? Ano yun? Wag kang mahiya."

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi nakatulong na masyadong malapit ang mukha niya. Dapat ko pa bang itanong yon?

"Uhm..." Parang hindi ko ata kaya.

"Good morning!"

Nakahinga naman ako ng maluwag and save by the bell. Masiglang lumapit sa aming dalawa si Sarah at sumiksik sa gitna namin ni Louise.

"Ano ba naman yan, sa gitna pa talaga umupo."

Inilabas ni Sarah ang dila niya. "Bleh! Akin lang si Zayl!" Sabi nito at yumakap sa braso ko.

Napangiti na lang ako nang mapansin ang pagsimangot ni Louise. Ang cute niya kasi.

"Ang aga-aga nag-iingay ka na."

"Zayl, maingay ba ako?" Naka-pout na tanong ni Sarah. Umiling lang ako. "Oh hindi raw siya naiingayan sa akin."

"Tinatakot mo kasi. Mukha mo pa lang nakakatakot na eh."

Pinigilan kong h'wag matawa lalo pa kasing humaba ang nguso ni Sarah.

"Zayl, di ba magkamukha tayo? Edi hindi ako panget!"

"Uhm.. y-yeah."

Sinulyapan ko si Louise na nakangisi lang. Ang hilig niya talagang asarin si Sarah.

"Oh! Hindi ako panget kasi magkamukha kaming dalawa ni Zayl." Taas noo na sabi niya.

"Tayo kaya ang magkamukha."

Living With The Five Gorgeous GirlsWhere stories live. Discover now