Chapter 30

8.9K 390 45
                                    

    "Zayl?"

    Nag-angat ako ng tingin at inilibot ang paningin sa loob kung nasaan ako. Napatakip ako ng mga mata dahil maling kuwarto pala ang napasok ko.

    "S-sorry.." tumalikod ako at akmang hahawakan ang doorknob nang pigilan niya ako.

    "Wait, wag ka munang lumabas."

    "Bakit?" Tanong ko pero, nakatalikod pa rin ako. Nahihiya akong humarap sa kanya.

    Narinig ko ang pigil na pagtawa niya. "Zayl, bakit hindi ka humarap sa'kin? Nag-uusap tayo at nakakabastos naman kung patalikod mo 'kong kakausapin."

    "S-sige. Pero magbihis ka muna."

    Parehas kaming natahimik at ilang segundo lang ay narinig ko ang nakakaasar na tawa niya.

    "Zayl, hindi ka pa ba sanay na nakikita mo 'kong ganito?"

    "Hindi naman sa ganon, pero di ba nag-uusap tayo? Kaya dapat presentable ka muna."

    "Okay...okay" Pagsuko niya pero, nandon pa rin ang pagkaaliw niya sa nangyayari.

    Ang dami niya talagang kalokohan. Undergarments lang kasi ang suot niya at nakaka-distract ang tanawin na nakikita ko.

    "Tapos na po."

    Doon lang ako humarap sa kanya. Nakangiti siya at tinapik ang gilid ng higaan kung saan siya nakaupo. Lumapit na rin ako at umupo sa tabi niya.

    "Bakit ka nga pala namumutla kanina?"

    "H-ha?" Bumalik ulit ang kabang naramdaman ko kanina. "Uhm... mainit kasi.."

    Tiningnan niya ako ng sigurado-ka-ba ? "Zayl, kanina pa lumubog ang araw." Ginulo niya ang buhok ko habang pigil ang tawa niya. "So? Ano nga ba talaga?"

     Nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong sabihin ang dahilan kung bakit.

    "Hulaan ko, namutla ka sa takot dahil sa mukha ni Reigan."

    "Hindi ah!" Nabigla siya sa pagtaas ng boses ko at kahit naman ako ay ganon din. "A-ang ibig kong sabihin ay... hindi nakakatakot ang kagandahan niya."

    "Kung ganon mas maganda at mas sexy pa siya kaysa sa'kin? Ganon ba?"

    Umiling-iling ako. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin."

    "Para kasing ganon eh." Malungkot niya kong tiningnan kaya para naman akong nakonsensya.

    "Louise, maganda at sexy ka rin naman."

    "Talaga?"

    Tumango ako at sa tuwa niya ata ay niyakap niya ako ng mahigpit. Isang minuto ata ang itinagal kaya tinapik-tapik ko ang kaliwang braso niya.

    "Sorry, masaya lang." Ang lawak ng ngiti niya and it's good to see her like this.

    Napapansin ko kasi na lagi na siyang nakasimangot. Hindi ko na madalas nakikita ang ngiti niya katulad noon.

    "Saan ka nga pala pumunta? Hinahanap kita kanina pero wala ka sa loob at labas ng bahay."

    Naalala ko naman ang lugar na pinuntahan namin ni Reigan. Parang gusto ko pang bumalik doon kasama siya.

    "May pinuntahan lang kasama si Reigan."

    Nawala ang ngiti niya. "I see, iba kasi ang ngiti mo kanina lang."  Tumingin siya sa floor at parang may malalim na iniisip.

    Hindi ko napansin na nakangiti pala ako habang inaalala ang nangyari kanina at sa kagustuhan na maulit iyon.

    "May gusto ka ba kay Reigan?"

    Napatitig ako kay Louise na ngayon ay naghihintay ng sagot ko. May kakaiba sa mga mata niya. Parang may inaasahan na siya?

    Wala naman masama kung sasabihin ko sa kanya. Isa siya sa mga kaibigan ko na.

    Ngumiti ako at tumango. "Pero sa tingin ko hindi lang pagkagusto itong nararamdaman ko. Mahal ko na ata siya?"

    Napuno ng katahimikan ang buong kuwarto. Nakatitig lang siya sa akin at ilang sandaling ay ngumiti na siya. Isang pilit na ngiti? Base sa nakikita ko.

     "M-masaya ako for you.." napatayo siya at tumalikod sa akin na ipinagtaka ko. "Maiwan na muna kita rito. May pupuntahan nga pala ako." Walang lingon na lumabas siya ng silid.

    Tumayo na ako para lumabas ng room nila nang bumukas ulit ang pinto. Si Sarah na hawak ang doorknob. Tumingin siya sa kaliwang direksyon ng hallway bago ibinalik sa akin.

    "Anong nangyari kay ate Louise? Nagmamadali kasi siya nung makasalubong ko."

    Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko rin alam ang sagot. "Bigla na lang siya nagpaalam na may pupuntahan."

    Humilig pakaliwa ang ulo niya bago isinara ang pinto at lumapit sa akin. "Ano bang pinag-usapan niyo?"

    Napakamot ako sa likod ng tenga ko at ikinuwento ang pinag-usapan namin bago siya nagpaalam na may pupuntahan lang.

    Napa-face palm si Sarah at umiling-iling din siya. "Hindi ko alam kung bato ka ba o halaman."

    "Huh?"

    Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinagkatitigan ako.

    "Two years ang age gap natin dalawa. Mas sexy ako sayo at mas maganda" nginuso niya pa ang katawan niya kaya napasunod naman ako. Oo maganda at sexy talaga si Sarah. Napatitig ako sa maputi at makinis na hita niya. "...eyes up" nahihiyang bumalik ang tingin ko sa mata niya. Nakangisi dahil nahuli niya akong titig na titig sa hita niya. "pero hindi ako bato katulad mo."

    "Hindi ka naman talaga bato." Sagot ko. Napabuntong hininga siya at parang sukong-suko na tinapik ang balikat ko.

    "Malalaman mo rin ang ibig kong sabihin." Naguguluhan ako sa sinabi niya. "Tara kakain na pala tayo ng dinner!" Excited na sabi.

    Ang bilis mag-switch ng mood niya. Hinatak niya ako palabas ng room nilang dalawa ni Louise. Bago pa kami makababa ng hagdan ay nahinto ako. Bumalik ang kaba sa dibdib ko at nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba ako. Nagtataka namang nakatingin sa akin si Sarah.

    "M-mauna na kayong kumain. Busog pa pala ako." Dahilan ko at nagpaalam na mag-e-stay muna ako sa kuwarto.

    Kinakabahan ako lalo na't ano mang oras ay malalaman nila kung sino talaga ako.

    Gusto kong magkaroon ng normal na buhay. Sabi ni Dad normal lang naman daw ang buhay namin.

    Normal ba yun?

    Yung hindi ko maramdaman na isa kaming pamilya. Lumaki akong mag-isa lang kumakain sa hapag kainan dahil busy ang both parents ko. Minsan lang kami nagkakasabay. Lumaki rin akong puro business ang ipinapasok ni Dad sa utak ko. He never played with me kahit inaaya ko siya, puro business lang siya. Kaya nga lagi akong sumusunod sa gusto niya dahil gusto ko maging good girl. Ganon naman talaga kapag bata.

    Pero, nung ma-experince ko ang buhay kasama sila. Ang limang babaeng hindi ko naman ganon kakilala. Sobrang saya ko. Unang beses ko lang kasi naranasan na may kasabay sa hapag kainan. Tapos masayang nag-uusap.

    Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng pagkatok rito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama para buksan ang ito.

    "Lily?"

    May kakaiba sa kanya. Ang tamlay ng mga mata niya at namumutla rin siya. Kaya naman hinawakan ko ang makabilang pisngi niya.

    "Lily, may sakit ka."

    Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Pinapasok ko muna siya sa loob ng kuwarto namin ni Reigan at pinahiga sa kama.

    Teka, paano ba mag-alaga ng may sakit?



----

Living With The Five Gorgeous GirlsWhere stories live. Discover now