Chapter 1

102 5 0
                                    


"Anong oras na, bakit nandito ka pa rin?" Napatingin ako sa nagsalita. Nagfofloating kasi ako sa swimming pool ngayon. Nginitian ko sya.

"Nagpractice lang." Gumalaw ako at nag-swim papunta sa gilid ng pool.

"Magsasara na yung school. Kanina pa uwian mo ah. Kanina ka pa nagpapractice?" Umahon ako at kinuha yung tuwalya na nasa sun lunger. Tinanggal ko yung cap sa ulo ko at pinunasan ang mukha ko at braso.

Tumango ako sa kanya, "Yup, kanina pa. Kailangan na kasi, dalawang linggo na lang tournament na."

"You are good enough naman na e."

"That was before my injury happened. I have and need to practice my skills again, coach." She smiled again.

"Alright alright. Sabi ko nga e," tumawa kami, "osiya, magbanlaw ka na at magbihis. Sabay na tayo lumabas."

"Sige po, coach." Tinapik nya yung balikat ko bago tumalikod at may tinawagan sa phone. Pumunta ako sa shower area at nagbanlaw pagkatapos ay nagbihis. Nilagay ko sa locker ko yung mga gamit ko pang-swimming bago lumabas.

Naabutan ko si Coach Serra na kausap yung guard. Siguro kasi maglalock na sila.

"Coach." Sabay nila akong nilingon.

"Oh eto na pala. Pasensya na naku. Mauuna na kami. Salamat." Tumango lang yung guard na kausap nya. Lumabas na kami.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at tinignan yung oras. Alas-nuebe na pala.

"Gabing gabi na. Paano ka uuwi?" Tanong sakin ni Coach.

"Magtataxi na lang po siguro ako." Kumunot agad yung noo nya.

"Ano? Taxi? Alam mo naman kung gaano kadelikado yun ngayon. Mabuti pa at--" natigil sa pagsasalita si Coach noong may narinig kaming ingay. Sabay kaming napalingon at para bang napako agad yung paa ko sa nakita.

May pitong lalaki na pawang mga nakabasketball shorts, t-shirts at kapwa may dalang gym bag ang isa ay may hawak ng bola ng basketball, halatang kakagaling lang sa training.

Maingay silang nag-uusap (typical boys) at napatigil lang din noong napansin nila kami na nakatayo sa labasan ng university.

Para bang tumigil ang mundo ko nung nagkatinginan kami nung lalaking may hawak ng bola.

His intense hazel brown eyes, long thick eyelashes and perfectly trimmed eyebrows, pointed nose and pink plump lips is enough to make my knees go weak.

Jaycee Isaac Montenegro.

Natigil lang iyong titigan namin nung nagsalita si Coach.

"Oh boys, andito pa pala kayo."

"Yes, Coach. Katatapos lang kasi ng training namin e. May laban kasi sa susunod na araw." Sagot nung lalaking color brown yung buhok at may maamong mukha. Gwapo din sya.

"Ganoon ba. Naku. Goodluck, boys." Sabay sabay na nagpasalamat yung mga lalaki. Yumuko ako noong nahagip ng mata ko yung tingin nya, "uuwi naman na kayo, hindi ba?" Kahit hindi ako nakatingin, alam kong tumango silang lahat.

Muntik na kong mapatalon nung tinapik ni Coach yung balikat ko. Napatingin ako sa kanya.

"Kasi itong alaga ko, wala ng masasakyan pauwi. Gusto magtaxi e ayokong pumayag kaya kung okay lang sa inyo na ihatid itong si Claire sa kanila?" Nanlaki yung mata ko. Tinignan ako ni Coach.

"Nako pasensya na, Coach lahat kami iba yung daan pauwi." Napatingin ako sa nagsalita. Si Hebrew. Kaibigan ko sya. Malungkot nya kong nginitian at nagmouth word sya ng 'sorry', ngumiti lang ako.

Lahat sila alam ko na hindi pwede.

Except sa isa.

Nagpanic ako sa loob ko nung narealize ko yun kaya humarap ako kay Coach.

"Okay lang, Coach. Magu-uber na lang ako. Promise mas safe yun." Tinignan nya ako.

Please please, pumayag ka na, Coach.

"Sigurado ka ba?" Mag halong pag-aalala sa boses ni Coach. Tumango ako.

"Yes, Coach. I'll send you the plate number and--" I was cut off when someone spoke.

"Pwede ko syang isabay, Coach." That baritone voice. I froze on the spot. Yung mabilis na pagtibok ng puso ko lalong bumilis.

"Ahh oo nga pala, Coach. Etong si Jaycee magkalapit lang sila ng subdivision ni Claire." Si Hebrew ulit yung nagsalita.

Oh no.

Feeling ko namumula yung mukha ko. Mabuti na lang at gabi na. Medyo natatakpan ng dilim yung mukha ko.

"H-ha? Ay nako huwag na. Kaya ko naman umu--"

"Oh! Yun pala e. Claire, sumabay ka na kay Jaycee."

"Pero, Coach-" narinig ko na nagpapaalam na yung mga basketball boys sa isa't isa.

"Huwag ng matigas ang ulo. Mas mapapanatag yung loob ko ng alam ko na safe kang makakauwi." Binigyan nya ako ng makahulugang tingin.

"Coach." I quietly whined.

"Ay sige na. Uuwi na ko. Jaycee," tinignan nya yung lalaki sa harap namin, "Ingatan mo itong alaga ko ha. Ingat kayo." Nagpaalam yung mga boys sa kanya.

"Of course, Coach."

Jusko.

Kumaway si Coach sa amin bago pumunta sa left side kung saan nagpapark ang mga professors.

"Sige, pare. See you bukas." At nagsipuntahan sila sa iba't ibang direksyon. Yung iba lumabas ng gate, baka doon nakapark yung cars nila. Yung iba sa may likod sa right side naman pumunta. Ang naiwan lang ay ako, si Jaycee at Hebrew.

"Let's go." Yaya ni Hebrew at nauna syang maglakad. Susunod na dapat si Jaycee nung pinigilan ko sya.

"Ah teka, Jaycee," tumigil sya at nilingon ako. Napalunok ako at tumingin sa ibaba, "a-ano... magu-uber na lang talaga ako. Nakakahiya naman na sumabay ako sayo e kaya ko naman umuwi mag-isa." Phew! Buti hindi ako nautal masyado.

"Okay lang. Ako naman nagpresenta na ihatid ka tsaka ibinilin ka sa akin ni Coach. Baka parusahan ako nun kung hindi ko sya susundin." Oo nga pala. Coach nga pala si Coach Serra ng basketball at swimming.

"Hindi ko naman sasabihin, don't worry."

"No," napatingin ako sa kanya, "I insist." Nagulat ako sa sagot nya.

Bumukas-sara yung bibig ko na para bang isda. Gusto kong magprotesta pero hindi ko magawa.

Kasi yung malanding side mo, gusto mong mangyari talaga to. Said the little voice inside my head.

Nginitian nya ako.

Oh God.

"Let's go." Nauna na syang maglakad. Ilang segundo pa kong nakatayo doon, pinapakalma yung puso kong kanina pang nagwawala.

Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya.

Nakarating kami kung saan nakapark yung kotse nya. Honda Civic. Katabi noon ay yung Ranger ni Hebrew. Hinintay nya pala kami. Nagfist bump muna silang dalawa bago pumasok si Jaycee sa kotse nya. Nilapitan ko muna si Hebrew. We gave each other a quick hug.

"Ingat kayo." Nakangiti nyang paalala sa akin. Bumuntong hininga ako, natawa sya ng bahagya.

"Tawa ka pa." Irap ko sa kanya.

"Aarte ka pa?" Natatawa nyang sagot. Inirapan ko ulit sya.

"Sira ulo. Umuwi ka na nga. Hays." Tumawa sya ulit. Ginulo muna nya yung buhok ko bago pumasok ng kotse nya.

"Update me ha" pahabol nya bago sinarado yung pintuan. Napailing ako. Pumasok na rin ako sa kotse ni Jaycee. Nagbusinahan muna sila bago naunang umalis si Hebrew.

In Another LifetimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora