Chapter 3

48 2 1
                                    

Nicee's Point of View

Hinatid ako ni Arthur sa bahay. 3 a.m. na nang matapos ang party. May susi naman ako sa bahay at nagpaalam ako kina mama na madaling-araw na ako makakauwi.

"Salamat sa paghatid, Art." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi.

"No problem, basta ikaw." sabi niya at nagpaalam na siya afterwards.

Ang swerte ko sa boyfriend ko. Hindi man siya masyadong sweet at showy pero ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya.

Time. Yun lang naman ang kailangan ko sa isang lalaki. Ang bigyan niya ako o paglaanan niya ako ng oras niya.

Mahal ka nga pero minsan lang kayo nagkikita dahil busy siya. Mahal ka nga pero hindi kayo masyadong nagkikita. Mahal ka nga pero hindi mo ramdam ang presence niya. Mahal ka nga ba talaga?

Kaya ang tanging hiling ko sa taong mahal ko, ay ang oras niya.

Hindi ako nakatulog kasi may bumabagabag sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at may hinanap sa contacts.

Papa

Padz

Pamela

Patrick

Patty

Peter

Petronilo

Philip

Nice. May contact pala ako ng pinsan ko.

6 a.m. na ng dalawin ako ng antok. Maganda na sana ang tulog ko kaso nagising ako sa isang phone na nag ri-ring.

Fudge! Napanaginipan ko pa naman si Louis Tomlinson. Ugh.

"Hello? Sino 'to?" yes, I accepted the call.

"Nicee sorry nadisturbo yata kita sa beauty sleep mo." pang aasar niya. I knew this voice. It's Rain's.

"Nakitawag lang ako kasi wala akong load. Fortunately, nagkita kami ni Peter, at kasama niya Demi, sa mall. Niyaya niya akong pumunta sa bahay nila. Hindi ko naman matanggihan kasi miss ko na ang aso nila. Naisip ko sana, ngayon na lang tayo magpa-plano para sa outing. Ano, game ba?"

"What a lame excuse Rain. Hindi mo matanggihan kasi na miss mo ang aso nila? Are you kidding me? But anyway, sige ako na lang mag te-text sa kanila."

"Thanks Nicee. See you." and she ended the call. Tinext ko sila na dumiretso na sa bahay nila Peter kasi may handaan, pero ang totoo wala talagang handaan. Baka kasi hindi sila pumunta at magpakatamad pa. Food lang naman katumbas ng matamis nilang oo.

I texted Arthur too. Nagtext naman siya agad na kukunin niya ako. Kumuha lang ako ng simpleng masusuot at kumain na lang ng konti.

"Anak, aalis ka na naman?" umupo si mama sa harap ko at sinabayan na ako sa pagkain.

"Ma, may outing kaming magbarkada. Kasama ko sila Nika. Payag ka ba na sumama ako?" tanong ko sa kanya. Sana naman pumayag siya. Please please please.

"I'll miss the fun if maiiwan ako dito." sabi ko sabay pout. Napatawa naman si mama and finally, pumayag siya. Yes!

"San nga ba punta mo ngayon?" kasabay ng pagtanong ni mama ay ang pag ring ng doorbell.

"Mag pa-plano kami para sa outing. Okay lang ba ma?" she gave me a nod as an answer. I kissed her goodbye at lumabas na.

Paglabas ko, nakita ko na nakatayo lang si Art sa labas ng kotse niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Death GameWhere stories live. Discover now