Chapter 2

42 2 1
                                    

Ally's Point of View


5 pm pa lang nandito na ako sa bahay nila Thorne. Ang aga kasing dumating ni Zak. Hindi naman ako maiilang kasi marami-rami na kami dito, boyfriend rin naman siya ng kaibigan ko at naging barkada ko na rin siya.


Maraming beses na ata kami o ako nakapunta dito, syempre kasama ang barkada kaya wala nang lugar para mailang ako.


Feel na feel ko nga na bahay ko 'to kasi ako pa ang nagpapapasok sa mga kaklase ko at ako yung ume-entertain.


6:30 pm na natapos ang pagdedesign at pag a-arrange ng mga pagkain dito sa bahay nila. Para talagang nasa party, well party naman talaga to. May malaking disco ball sa taas. Sa bandang kaliwa, nandon lahat ang mga pagkain. May iba't-ibang klaseng desserts at beverages. Nagsidatingan na ang mga ibang barkada ni Zak pati mga classmates namin. Yung mga kaibigan kong babae wala pa.


Nakipagkwentuhan muna ako sa mga kaklase ko, no--I mean former classmates--habang hinihintay sila Rain. Fine-feel ko na talaga ang pagiging graduate ko sa highschool.


Narinig kong may outing raw ang grupo nila Griselda.


Hmm?


Outing?


Sounds interesting.



"Ally, lalo ka atang gumaganda? May boyfriend ka na ba?" tumawa ako sa tanong ng kaklase ko na si Rupert.


"Wala sa priority ko ang pumasok sa isang relasyon. Well, araw-araw naman maganda ako." nginitian ko si Rupert. Ngumiti naman siya. He handed me a drink and I was about to get it from him nang may biglang umakbay sa akin.


"Hi Rupert, salamat." at kinuha niya yung drink. Eh para sa akin sana yun eh. Epal naman ng lalaking 'to.


Nagpaalam na si Rupert kasi pupunta na siya sa mga kaibigan niya. Pinanliitan ko naman siya ng mata at ngumiti siya.


"Salamat pala kanina." sabi ko sa kanya. Sinundo niya kasi ako.


"I think he likes you."


"So?"


"So? So okay lang sa 'yo?"


"So... selos ka naman?" ngumiti na naman siya na mas lalong kinainis ko. Bakit ba palangiti 'tong taong 'to?


"Nandyan na pala sila Nicee o. Punta lang ako dun Zak." hindi ko na siya pinarespond kasi nakita kong pumasok na si Nicee kasama si Arthur.


Mabuti na lang I made an excuse para maka alis sa tabi niya. Nakakainis eh.


The Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon