Xamwell's pov
Ito ang paskong kay tagal kong pinangarap ang makasama at mayakap muli si Papi.
At sana andito din ang Prinsesa pero hanggang ngayon ay natutulog pa din siya.
Nagring ang phone ni Kuya Jershin kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Ano?!?!"sigaw ni Kuya.
"W-wait anong nangyari"kinakabahan ako sa inaasta ni kuya. May nangyari ba sa kapatid ko?!
Napatingin si Kuya sa amin.
"Si princess-"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng tumakbo agad si Shin Cross kaya napasunod kaming lahat.
Pagdating namin ay naabutan namin si Carlz sa labas ng I.C.U
Agad tumakbo si Mama sa loob."Nasaan ang anak ko?!"sigaw ni Mama habang umiiyak.
Hindi wag mong sabihing.
Lahat kami ay nakatingin kay Carlz at naghihintay kong anoman ang sasabihin niya.
"Ok na po si Eniki! Gising na po siya"natigilan kami at napalitan ng labis na saya ang kaninang kabang naramdaman ko.
Yinakap ni Mama si Carlz at patakbo kaming pumunta sa kwarto ng kapatid ko.
Maraming salamat Panginoon..
Eniki's pov
Napatingin ako sa paligid. Puti puro puti lang at walang tao.
Nasan kaya si Ranz?
Ang huling naalala ko ay umiyak si Ranz habang hawak ang kamay ko.
Ok lang kaya si Lolo?? Nag-aalala ako.
Bumukas ang pinto kaya nanghihinang binaling ko ang paningin ko doon.
"Anak!"sigaw ni Mama at agad akong yinakap. Nag-ingat naman siyang di masagi ang sugat ko sa dibdib. Malapit sa puso.
"Ma.. Si lolo po?"tanong ko. Ngumiti si Mama sakin.
"Ok lang siya anak. Ikaw kamusta ka?"
Pagod na pagod ang pakiramdam ko na para bang ka hundred times akong tumakbo paikot sa Bahay ni Lolo.
"Ok nako Ma"sagot ko..
"Magpahinga ka na muna anak para gumaling ka agad"sabi ni Mama.
"Ma ilang oras po akong tulog"tumawa si Mama ng mahina at hinaplos ang buhok ko.
"Isang buwan nak"sagot niya na nagpanganga sakin.
"Isang buwan?"gulat kong tanong.
"Maligayang Pasko anak"sabi ni Mama. Hindi ako makapaniwalamg isang buwan akong tulog.
Paano na si Ranz? Nasaan na siya ngayon? Iniwan niya na ba ako at pinili na lang si Trisha??
Pero narinig ko siya kanina? Hindi ba siya yun. Kinausap niya ako.. Ang sabi pa niya.I hope this kiss can wake you up my princess. Yun ang narinig ko.
Bumukas ang pinto at pumasok sila kuya at yinakap ako ng mahigpit. Napaaray ako ng natamaan ang sugat ko kaya binatawan din nila ako ng sabay.
"Kambal! Gising kana!"masayang sabi ni Shin Cross at pinunasan ang luha niya. Ngumiti ako hindi pa kasi ako makagalaw masyado.
"How are you feeling princess?"tanong naman ni kuya Jershin.
"Pagod po pero masayang masaya"sabi ko. Pinat ni kuya ang ulo ko. Si kuya Xam naman ay hindi umiimik habang umiiyak kaya tumingin ako sa kanya.
"Kuya buhay pa po ako.. Makaiyak ka naman para namang namatay nako.."tumawa si kuya at tinulak ang noo ko ng mahina.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!