Chapter Four

2.6K 60 0
                                    

Reign POV

"Bakit? Bakit pati ako?" Pagtatakang tanong ko sa kanya..

"Yes .. isa ka na dun.. because I'm lesbian.. hindi lang halata.. marami ang akala lalaki ako.. pero ung iba naddisappoint pag nalalaman nila yung totoo at nilalayasan ako.. siguro nandidiri sa akin..ok lang naman sa akin yun hindi ko naman sila pinipilit na gustuhin ako.." sabi nya..

shock ako sa sinabi nya.. nakitingin lang ako sa kanya.. hindi ako makapaniwala na lesbian sya.. pinagmasdan ko syang mabuti.. hindi talaga mahahalata sa kanya na babae pala sya ulti mong boses nya.. boses lalaki din.. panu nya kaya nagawa yun?

"Mukhang disappointed ka din ah.. ok lang kung iwanan mo na ako dito.. gaya ng sabi ko hindi ko pinipilit na gustuhin ako ng ibang tao.."sabi nya uli sa akin..

'Oh come on Reign magsalita ka.. akala nya tuloy ayaw mo sa kanya..' sabi ko sa sarili ko..

hindi naman ako nadisappoint na lesbian sya eh.. nagulat lang talaga ako.. speechless lang talaga.. ewan ko rin ba para mas lalo ako nagkainteres sa kanya sa sinabi nya.. pinilit ko magsalita..ayaw kong isipin nya nandidiri ako sa kanya..

"N-no.. i-its not what you think-k.."medyo nautal pa ako magsalita..

huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya at nagsalita..

"Nagulat lang ako .. hindi din kasi sayo halata na babae ka.. boses lalaki ka din kasi.. ok lang sa akin kung lesbian ka.. may mga friends din akong kagaya mo pero femme naman kasi sila kaya ganun na lang ang reaksyon ko.. pasensya ka na.." hingi ng paumanhin ko sa kanya..

"Ok lang.. wala yun sa akin.. thank you kasi hindi mo ko nilayuan.. so friends?" Sabay lahad ng kamay sa harap ko..

Bait nya talaga.. hindi manlang sya naoffend kanina sa akin.. so sa tingin ko wala naman siguro masama kung maging magkaibigan kami.. mukhang ok naman sya..

"Sure .. friends.." sabay abot ng kamay nya..

May isang oras pa din kaming nagkwentuhan.. hanggang sa nagpaalam na sya.. magkikita pa daw kasi sila ng barkada nya.. pagkaalis nya ay pumunta na ako sa opisina ko saglit muna akong naupo.. ng sumagi muli sa isip ko si AJ.. naalala ko yung mga nalaman ko tungkol sa kanya..  aaminin ko crush ko na sya nung una pa lang kaming magkita.. wala naman sigurong msama dun eh sadyang gwapo talaga sya hindi ko pa alam na babae pala sya that time.. pero nung sinabi nya yun kanina parang gumulo ang feelings ko.. hindi yung feelings na nadisappoint but feelings na masarap sa pakiramdam.. ewan ko ba.. hindi ko din maintindihan itong nararamdaman ko ngayon..

*****

AJ POV

Nasa kotse na ako ngayon at kasalukuyan bumabyahe papunta sa bahay ng barakda.. may sarili kasing bahay ang barkada.. at dito din kami ginagawa yung mga bagay na related sa small business namin..

Naalala ko Reign.. hindi manlang nya ako nilayuan kahit nalaman nya ang sexual preference ko.. dahil dun mas lalo tuloy akong nagkainterest na makilala pa sya ng husto.. sa aking pag iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa aking pupuntahan.. kaya naman bumaba na ako ng kotse at agad na tinungo ang daan papasok sa loob ng bahay..

*****

"Oh nandito na pala si AJ" si Ren isa sa kabarkada ko..

Siyam kami lahat na magkakabarkada.. tatlong straight na babae na sila Jane, Nica at Nicole.. apat na lalaki na sila Ren, Nathan, Jay at Jerome.. at syempre dalawa kami lesbian.. ako at Gab.. si gab ang pinakaclose ko sa lahat sya ang bestfriend ko..

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Where stories live. Discover now