Chapter Seventeen

1.9K 45 0
                                    

AJ POV

Saan kaya nagpunta yung mga yun? Tanong ko sa sarili ko.

Kanina pa ako hanap ng hanap kay Reign isinama kasi sya ni Ashley kanina na maglilibot sa loob ng bahay. Nilibot ko na ang buong bahay pero hindi ko pa din sila nakikita. Tsk tsk. But the good thing is mukhang close na sila ng kapatid ko. Kilala ko si Ash, hindi yan basta basta kumakausap. Naalala ko pa nong pinakilala ko si krystal sa kanya tinarayan nya lang buti na lang mukhang hindi sya ganun kay Reign.

Naputol ang pag iisip ko ng makita silang lumabas sa dulong kwarto.

Teka! Yun yung kwarto na para sa mga paintings at pictures ko ah. Tsk tsk! Tong si Ashley talaga inunahan pa ako. Gusto ko sanang ako ang magdadala sa kanya dun eh kaso naunahan ako. Tsk tsk. Di bale na nga lang nandyan na yan eh. Hayyy!

Mukhang hindi nila ako napansin busy kasi sila sa pag uusap kaya nilapitan ko na sila.

"Mukhang nag enjoy kayo ah!" Sabi ko sa kanila ng makalapit ako.

"Oh bro! You're here na pala. Inilibot ko lang sya tsaka dinala ko sya sa pinakatatago mong talento. Ayaw mo kasing magkwento tungkol sa iyo kaya ako na lang nagsabi ng ibang bagay na tungkol saiyo. Masyado ka kasing pamisteryoso eh." May pagkasarkastikong sabi ni Ash sa akin. Napailing na lang ako at tinignan ng sya ng masama saka ako nagbaling ng tingin kay Reign. Nakita ko namang napayuko ito tila nahihiya sa sinabi ni Ash. Tsk tsk. Masyado kasing prangka tong si Ash eh. Pero sanay na din ako.

"Hay naku bro umayos ka ha? Sige na iwan ko muna kayo." Yun lang saka sya umalis.

Nilapitan ko naman si Reign na nakatungo pa din. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi nya saka bahagyang inangat ang kanyang mukha para magtama ang aming mga mata.

"Are you ok babe?" Tanong ko sa kanya.

"I'm sorry babe!" Sabi nya na tila nahihiya.

"Sorry for what?" Nagtataka namang tanong ko sa kanya.

"Kasi hindi ko hinintay na magkwento ka tungkol sa iyo at kay Ashley pa ako lumapit para mas makilala ka." Paliwanag nya.

Naamazed naman ako sa sinabi nya. So yun pala dahilan kung bakit kanina pa sila magkasama ni Ash. Mataman ko lang syang tinitignan ng magsalita sya ulit.

"Sorry talaga babe. Huwag kang magalit kay Ash." Kala nya pala galit ako kay Ash kaya pala sya ganito. Okay. Medyo natawa ako dun. Sabagay tinignan ko nga pala ng masama si Ash kanina at alam kong nakita nya yun. Sanay naman kasi si Ash na ganun ako kaya balewala lang yun sa kanya at yun ang hindi alam ni Reign.

"Hey! What's funny?" Sita nya sa akin ng makita akong bahagyang tumawa.

"Sorry babe!" Sabi ko habang nagpipigil tumawa. Ang cute nya kasi. Hahaha. Tinignan nya naman ako ng masama. Pft!! mas lalo tuloy syang naging cute tignan.

Mwuah! Kiniss ko sya pero smack lang. Nakakagigil kasi ang kacutan nya ngayon eh. Hahaha. Ngumiti naman sya pagkatapos.

Niyakap ko na muna sya bago ako nagsalita. "Hindi ako galit babe! Ganyan lang talaga kaming magkapatid." Binigyan ko sya ng small kisses sa kanyang buhok mas matangkad kasi ako sa kanya habang ang kanyang ulo ay nakahilig lang sa balikat ko at nakikinig sa sinasabi ko.

"Sorry babe kung hindi ako masyadong nagkkwento sa buhay ko. Nasanay lang kasi ako na ganun. Pero believe me babe, sasabihin ko din naman sayo iyon kaya nga din kita dinala dito sa bahay para mas makilala mo ako at gusto sana kitang dalhin dun sa kwarto na iyon" alam kong alam nya yung tinutukoy ko kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita habang magkayakap padin kami. "Kaso naunahan na ko ni Ash eh. Pasaway talaga yun." Medyo inis na sabi ko.

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'حيث تعيش القصص. اكتشف الآن