The Four Mafia Girls

14.8K 288 13
                                    

The Four Mafia Girls

Bumabagyo ngunit hindi ito alintana ng apat na babae, sumasabay ang putok ng baril sa kulog na naririnig sa may harapan ng isang mansyon.

"Tama na muna iyan." Isang boses ang nagpatigil sa apat na babae sa pagbaril ng mga latang nakahilera.

Madilim man at nababasa man sila ay hindi ito dahilan para tumigil sila sa pagtira sa target, ngunit dahil sa sinabi ng kanilang Ama ay natigil sila

"Dad!" Gulat na wika ng pinakapanganay sa apat at sinenyasan ang mga kapatid na sumunod sa kanya.

"Bakit, Dad?" Naguguluhang sabi ng pangalawa sa magkakapatid. Pakiramdam nya ay may problema na kinakaharap ang kanilang Ama.

"Kailangan nyo ng bumalik sa Pilipinas." Napabuntong hininga ang apat dahil sa sinabi ng kanilang Ama. Ngayon palang ay mulat na sila sa buhay na dapat harapin.

"Natunton na nila tayo at alam kong gumagawa na sila ng paraan kaya hangga't maaga pa gusto ko na makaalis na kayong apat dito." Mahinahong sabi ng Daddy nila.

"Sige. Pero paano ka?" tanong ng bunso.

"Kaya namin ng mga kagrupo at tauhan dito kung sakali mang sumugod sila. Kayong apat ang gusto kong mailigtas,kaya mag-iingat kayo at wag basta basta magtitiwala." Bilin ng ama.

Natahimik ang apat na babae. Gusto man nilang sabihin ang salitang gustong kumawala sa bibig nila ay hindi nila magawa.

"Sige, Dad. Kung iyan ang gusto mo." at tuluyan na silang pumasok sa loob ng mansion.

------------

Thank you to Imaddicted2yanime for the trailer.
----
Book cover made by: atengintrovert

The Four Mafia Girl's [Published Under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon