Chapter 5:Supremo Group

4.8K 143 6
                                    

_____

CHAPTER 5: Supremo Group
______

K R Y S T A L
POV

"Grabe no, san na kaya napunta ang lahat ng myembro ng Black Shadow? Pati yung anak nila" Hindi pa rin maka move on sila Bianca sa naging topic sa history.

Tahimik lamang kaming apat at prino-proseso ang mga narinig.  "Alam nyo bang kahit isa sa mga myembro ng black shadow ay hindi makita,ang palatandaan lang sa kanila ay ang kanilang tattoo sa likod at maskara nila," Pagkwento ni Rendy.

"Shock's! ma-meet ko lang talaga ang Black shadow buo na araw ko,"  Masayang sabi ni Angel.

"Boba ka! Malay mo ma-meet mo nga pero katapusan na ng buhay mo" Naiiling na sabi ni Aljeya.

"Hmm? kayo ba? kanino ba kayong mga anak?" Natahimik kami lalo sa naging tanong ni Bianca.

"Vince Villafuente" sagot ni Alex, nanlaki naman yung mata nung apat.

"Yung mayamang business man ha? Wow, edi ang yaman nyo pala talaga"  Ngumiwi nalang kami. Baka mamaya madulas pa kami at may masabi pang iba.

"Minsan napapaisip ako kung yung mga business man ba ay part ng mafia"

"Ewan namin,"  Nasabi nalang naming apat kay Aljeya.

Nasa may cafeteria kami ngayun kasama ang grupong Skull. Tahimik lamang sila ngunit nakikisali din naman paminsan minsan sa pinag-uusapan.

Nararamdaman ko pa rin ang masasamang tingin na ipinupukol samin. Mga siraulo yata mga tao dito, bat kung makatingin ay parang may ginawa kaming masama.

"Wag nyo nalang sila pansinin," Mahinang sabi ni Lester, napansin yata ang mga nakatitig samin.

"Naninibago lang sila, alam nyo na. Kami kasi hindi talaga nakikipag kaibigan dito" Sambit ni Bianca.

Tinignan ko sila maigi, sikat yata sila dito kaya ganun na lamang ang tingin samin ng iba. Agaw pansin ang table namin.

"Shocks! Sya na naman" Sabay sabay kaming napatingin kay Ace.

"What?" tanong nya.

Napatingin ako sa bagong paparating, yung limang lalake na nasa likuran namin.

"Wala!" aniya at umirap.

"Curious ba kayo kung sino yang mga yan?"  Angel asked.

Umiling nalang kami. Wala naman kaming pakielam kung sino ba yung limang yun. Magsyado silang pacool kung tignan, i mean cool naman talaga sila tignan sadyang parang may kung anong aura lang ang bumabalot sa kanila.

"Order lang ako ng banana chocolate" paalam ni Ace.

Matapos kong ubusin ang pagkain ko ay uminom nako ng tubig.

"Tangina! Yung banana ko na naman!" Boses ni Ace ang umalingawngaw.

"Oh my," Gulat na sabi ni Aljeya. Napakunot noo naman kaagad ako sa naging reaction nila.

The Four Mafia Girl's [Published Under Dreame]Where stories live. Discover now