Chapter 1:Villafuente

12.1K 220 4
                                    

CHAPTER 1: Villafuente

Nagbigay galang ang lahat ng makapasok ang apat na babae sa mansion.

"Maligayang pagbabalik Villafuente sisters."

Nabaling ang apat sa kauna unahang bumati sa kanila pagpasok.

"Butler Kyro," namamanghang tawag ni Ace.

"Ako nga. Mabuti at natatandaan nyo pa ako."

Ngumiti ang apat sa sinabi ng kanilang Butler. Ito ang nagsilbing butler nila simula pa nung bata pa sila. Ibinaling ni Krystal ang tingin sa ibang mga kasambahay, may hinahanap nguni't hindi mahanap.

"Brando,pakihatid ang mga gamit nila sa kwarto nila" Agad na sinunod ng inuutusan ni Kyro ang dapat gawin.

"Mauna na muna kami sa taas,Butler." Paalam ni Alex, yumuko naman si Kyro ganun din ang iba.

Malaki ang pinagbago sa mansion. Huling kita nila dito ay mga anim na taon pa ang pinakabunso, si Yra.

"This mansion is creepy, huh? I wonder if may namatay na kaya dito?"  matalim ang ibinigay na tingin ni Krystal kay Ace. Akala mo naman ay ngayon pa lang nakatapak sa mansion nila.

"Sa tingin mo? syempre meron!" Napailing na lamang ito kay Ace. Hindi nya mawarian kung bakit pa ito nagtanong ng ganun.

Ang pamilya nila ang isa sa pinakakilalang mayaman sa Pilipinas. Nangunguna dahil sa nga business na itinaguyod ng kanilang Ama. Nguni't ngayun na wala ang kanilang Ama sa Pilipinas ay paniguradong sa kanilang apat malilipat ang pamamahala sa business.

"San daw ba tayo mag-aaral?"  tanong ni Yra.
 

 K R Y S T A L
P O V

Naibaling ko ang tuon kay Yra ng magtanong sya.

"Remafia School" sagot ko. Kinuha ko ang laptop at agad itong itinype sa google.

"Remafia School para sa mga taong may kinalaman sa mafia society at....."

Namamangha yung tatlo matapos kong sabihin ang ibang impormasyon tungkol sa Yg School.

"Bukas tayo pupunta, Ayus lang?" tanong ko, nagsitanguhan naman sila bilang pag sang-ayon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumingin sa may bintana.

Kaming apat ay anak ni Vince Villafuente, ang aming Ina ay patay na. Anim na taon si Yra ng huli naming nakita ang mansion na medyo magulo.
Ako ang panganay sa aming apat, Krystal Valentine. 20 yrs old.  Si Alex Valerie naman ang pangalawa,19.

Ang dalawa naman ay magkasing age din nguni't 17 yrs old palang. Si Valencia Ace at Yra Victorina. Kambal sila nguni't hindi halata dahil magkaibang magkaiba sila ng ugali at muka.

Simula bata palang kami ay sinanay na kami bilang susunod na tagapagmana ng Mafia na matagal ng hindi lumilitaw sa Mafia world, simula nung namatay si Mama at pagdating ng panahon na mag 18 na sila Ace at Yra ay muling lilitaw ang grupo na binuo nila Mama at Papa pero hindi na sila ang boss, kung hindi kami.

Ngayun ay bali balita na baka patay na ang grupo nila Papa nguni't may ibang hindi naniniwala. Sa ngayun ay ibang grupo ang nangunguna sa ranking sa mafia world.

"Krystal, sasama kaba? Mag swi-swimming kaming tatlo sa may dagat dyan." pagkuha ni Alex sa atensyon ko.

"Owkay" inalis ko ang tingin sa may bintana at agad na inilabas ang swimsuit ko sa bagahe.

"Sa swimming pool nalang kaya natin?" suggest ni Ace. May swimming pool kasi sa may rooftop nitong mansion ngunit hindi naman nagagamit dahil nga sa America kami nanirahan.

The Four Mafia Girl's [Published Under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon