NKP 3

1.1K 58 19
                                    

Friday..
Tea shop..
Evening..

"Tulala ka na naman." Kinaway kaway pa ni Allen yong kamay nya sa harapan ko.

Napabuntunghinga nalang ako. Hindi parin ako makamove on sa nangyari sakin kagabi. Hanggang ngayon shock pa ako, yung tipong earth shattering talaga yung pagkagulat ko. Napabangon tuloy si Sehun sa kina hihigaan nya. Hindi ko na nagawang punasan yung mukha ni kkamjong o Kai.

Hindi pa nga ako nakakarecover sa shock ko ay dumating naman si manager Chris akay ang isang lasing. Xiumin daw ang pangalan. Ito daw ang pasimuno ng lahat. Broken hearted kaya inaya ang dalawa na maglasing. Tinulangan ko nalang si Chris na asikasohin si Xiumin tsaka nagpasyang umuwi. Hindi na din ako nakapagpaalam kay Sehun, nakatulog na ito ng matapos kami.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nakita ko si Kai kagabi?"

"Saan sa panaginip mo?"

"Sira, hindi. In flesh, yung totoong tao hindi yung standee nya lang."

"Akala ko ba nakaapak yung talampakan mo sa realidad, ba't mukhang nananaginip ka ata."

Sabi na nga hindi din to maniniwala eh. Pero totoo naman yung nangyari kagabi. Niresearch ko pa nga kanina, part pala ng kpop group na EXO si Kai at Sehun at may pinopromote silang Album dito sa bansa. Next week daw ang arrival nila. Pero sabi nga ni Chris nauna sila para makapagbakasyon.

"Hi baby Kai! I miss you."

Nakita ko si Sadee na hinalikan yong standee ni Kai. Routine na ata ng batang to na ikiss yung standee na yan tuwing papasok ng shop.

"Kiss ni Allen san?" Biro ko sa kanya ng papalapit na ito sa counter.

"Allen, lika dito kiss kita."

Umirap lang itong isa tinawag at humarap sa coffee maker. Sabay kaming natawa ni Sadee.

"Ate, yung dati sakin."

Agad naman akong nagpunch sa cash register.

"Alam mo ate pupunta ang EXO sa Pilipinas next week. Excited na ako magkikita ulit kami ni baby Kai." kinikilig na turan nito.

Napangiti ako. Kung alam lang ng bata na to na nakaface to face ko na si Kai baka sabunutan nya ko sa inggit.

"Ate, gusto mung sumama sa fansigning nila?"

"Ah.. panu ba yon? Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganun."

"Tamang tama ate ng ma experience mo naman. Basta wag ka lang mag spazz sa harap nila. Ako na ang bahala sa album mo."

"Kelan ba yon?"

"Sa Wednesday. Sunduin kita ng mga 3pm. Sige na Ate para may kasama ako. Alam ko crush mo din si Kai eh. Masaya yun swear."

Sya na ang conyo. Kulet ng bata. Binuko pa talaga ako ha.

"Sige na nga. Antayin kita dito sa shop."

"Alam mo ate, ang ganda mo. Keep it up. I wont mind kung ikaw ang magustuhan ni Kai. Magkasing ganda lang tayo eh. Ikaw kasi mukhang anghel lang."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga sinabi nya. I wont mind having her as my sister.

Nagulat kami pareho ng binagsak ni Allen ang tray na may lamang order ni Sadee. "Wag kang magdidikit jan Bah baka mahawa ka ng ka OA an nyan."

"Sungit mo naman." Nakasimangot na sabi ni Sadee.

"Di bali na kesa brat na katulad mo."

"Bat ganyan ka sakin? Crush mo din ako no?"

"Asa ka!"

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Where stories live. Discover now