Chapter 19

27 7 0
                                    


Nakita kong nanlaki ang mga mata ng kaibigan ni Maddison at saka bumulong sa kanya. Nanlaki ang mata niya na parang nakakita ng multo at tumingin sa likuran ko.


"Hindi pa tayo tapos, Danica." aniya sabay talikod at alis na. Sumama na din ang kanyang mga kaibigan.


Nakita ko sa paligid ko ang mga estudyante na nakatitig lang sa akin. Nagulat ako nang may isang babaeng estudyante ang lumapit sa'kin. She wiped the blood that is in my arm. Ito 'yung kalmot ni Maddison kanina. She then let me borrow her handkerchief to wipe the juice in my hair strands. Humihikbi ako habang ginagawa niya 'yon. May mga takas ng luha na dumadaloy sa pisngi ko. Hingal na hingal ako habang nakaupo na sa upuan. Nakapikit din ang mata ko at hiyang hiya dahil sa nangyari.


"Danica!" dinig ko si Dashielle na sumisigaw mula sa likod ko.


"Ayan na si, Dashielle. Tingin ko ay siya na ang bahala sayo at sa mga gumawa nito." sabi ng babae at saka tumingin sa'kin. Tinignan niya si Dashielle na sa tingin ko ay tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.


"What happened?! WHO DID THIS TO HER!" galit na galit na tanong niya. Tiningala ko ang ulo ko at nakitang nakaigting ang panga niya at namumula sa galit. He's still so handsome even if he's hella mad.  Hinawakan niya ang likod ko na parang walang sandalan ang upuan. 

"Dashielle, si Maddison at ang mga kaibigan niya ang gumawa nito sa girlfriend mo. Naabutan ko na lang sila na paalis kanina, pasensya na at hindi ako nakaapela dahil takot din akong madamay kanina. Maddison was really furious."


"WHERE THE FUCK IS MADDISON?!" I know i've seen Maddison in her really mad state, but this guy here, he's really effin mad at her. 


Nagkibit-balikat siya saka tumingin saakin.


"Mauuna na ako. Dashielle, dalhin mo na siya sa clinic. Kailangang magamot ang sugat niya." paalam ng babae. She's so kind, thank God she found me.


Kinuha ko na ang natitirang lakas ko para magsalita. "Salamat." Nginitian niya ako bago umalis.


"Damn! We need to go to the clinic." sambit niya sabay buhat sa'kin. Alam na alam kong tutok sa'kin ang paningin ng mga tao ngayon. They're hissing. I can hear them. 


Habang buhat buhat niya ako ay nakita ko kung paano nakaigting ang mga panga niya. Kitang kita ko ang nag-aalab niyang mga mata. His perfect jaw is damn mad. Mabilis ang lakad niya, OA na kung OA pero this is not his usual walk. Kinagat niya ang labi niya at tumingin sa'kin. 


"Nurse! Hurry!" tawag niya sa nurse pagkarating sa clinic.


Binaba niya ako sa kama at kinuha ng nurse ang first aid kit at saka inumpisahan ako gamutin. Seryoso lang si Dashielle na nakatingin sa'kin at sa mga sugat ko. Kitang kita ko sa mata niya ang awa at galit. 


Napapa-aray na lang ako sa hapdi. Tinignan ko ang mga sugat ko. Mayroong kalmot sa braso. May mga sugat at gasgas sa kaliwang binti. May sugat din ako sa may leeg. Dahil siguro iyon sa pagsabunot ni Maddison at nagasgas ang kanyang matutulis na kuko sa leeg ko. Tinabihan ako ni Dashielle at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman iyong binawi pero kinuha niya ulit. Ayoko munang makipagtalo kaya pinabayaan ko muna. Hinaplos haplos niya ang palad ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.


Nang matapos ang nurse sa paglilinis ng mga sugat ko ay nilagyan niya ng band aid saka umalis at iniwan kami ni Dashielle.


Tinignan niya ako ng seryoso sa mata, "I'm sorry, Danica." Bakas ang awa sa kanyang mga tingin. Tinignan niya ang mga sugat ko. "I'll find Maddison and her friends. I'll gonna make them pay for this. Hindi ito makakalusot kay Lolo." aniya.


Kung kanina awa ang makikita mo sa mata niya, ngayon ay punong puno ng galit. Galit na pwedeng makapanakit ng tao. Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang hapdi ng mga sugat na tinamo ko. 


"Take a rest first." malambing na sabi niya saka hinagod ang buhok ko.


Inayos niya ang unan ko at inalalayan ako humiga.


"Salamat."


Ngumiti siya at hinawakang muli ang kamay ko. Hinimas-himas niya ang palad ko, "Anong gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" masuyong tanong niya. I am hungry, actually, starving. Hindi ako nakakain 'di ba?


"Nagugutom ako. Hindi pa ako nanananghalian." sagot ko.


"Sandali," hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagsalita ako. "Wag mo ko iwan, please." sambit ko habang nakapikit. Natigil siya sa pag himas ng palad ko. Dumilat ako para tignan ang reaksyon niya. Nakita kong titig na titig siya sa'kin. He was thunderstrucked. And i am too, ni hindi ko alam ba't ko nasabi 'yon.

Can This Love Hurt?Where stories live. Discover now