Chapter 3: White Haired Guy

210 45 7
                                    

Jheighsy Yeonel's POV


 Nang makarating kami sa bahay ni Tito John, namangha ako dahil simple ngunit maganda ang bahay nila hindi man kalakihan ngunit malawak rin ito ng konti kahit papaano, siguro'y naipundar niya ito sa halos 10 taon na pagtra-trabaho niya sa HwangBo company.


Hinatid ako ni Tito sa isang kwarto katamtaman lang ang laki ngunit maganda at maaliwalas ang dating nito  nasa ikalawang palapag ito at may isang malaking binatana, nang maipasok na ang mga gamit ko ay nagsimula na akong mag-ayos naramdaman ko naman na nag vibrate ang phone ko at nakita kong may dalwang messages na galing kay mama at Ynnah.


From: Mommy

             Ingat ka diyan lagi anak.


From: Ynnah

             Bessy diyan ka na ba?  henge ako oppa ha? hihi


Napailing nalang ako sa text ni Ynnah sa akin, loka loka talaga yun, naka dalwang boyfriend na ata yun at siya ang nakipag break di na daw niya mahal baliw lang. Mabilis kong nireplayan si mama at Ynnah at tinapos na ang paglalagay ko ng mga damit sa cabinet.


TIME CHECK:
6:47 PM


Di ko namalayan na gabi na pala itinabi ko na yung mga maleta ko at humilata sa kama. Nakaka antok, sobrang nakakapagod itong araw na ito. Maya maya pa ay naramdaman ko nalang ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.






















"Gooodmorning Manilaaaaa!!!!" gumulong gulong ako sa kama at nag-inat ng katawan.


Tumayo na ako at nag stretching, syempre kailangan kong i-maintain yung curve ng katawan ko at maging healthy char pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para mag hilamos at magtoothbrush.


Pagbaba ko sumalubong agad sa akin ang tatlong bata na masayang naghahabulan, binati ko lang sila at dumiretso na sa kusina bumungad naman sa akin si tita sheena.



"Oh ineng andiyan ka na pala, hindi ka na nakakain kagabi nakatulog ka na gawa siguro ng pagod. Maupo ka na" masayang sambit ni tita habang naghahain.



"Ahh opo hehe gawa na rin po siguro ng pagod, nasaan po si tito John?" tanong ko at naupo na.



"Maagang umalis at may trabaho yun ngayon" paliwanag naman ni tita.


Tumango nalamang ako at tinawag ang tatlong cute na cute na mga batang anak ni Tita. Pinaupo ko na sila at sinabing kakain na.


Pagkatapos ng masaya naming kainan ay umakyat na ako para maligo dahil balak ko sanang libutin itong subdivision na tinitirahan nila tito.


Simpleng black off-shoulder lang ang suot ko at maong short with matching sandals.


"Tita labas po muna ako ikot ikot lang po sa paligid." Paalam ko kay tita bago lumabas ng bahay.

Oppa Series 1: A Lot Like LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon