Chapter 11: Saved

172 39 10
                                    


Jheighsy Yeonel's POV


Ilang araw ang lumipas na kasama ko si Jairex,  as usual walang pagbabago ayun nagbabasa pa rin ng libro. Kung hindi kami pupunta dun sa lake, sa rooftop naman kami tatambay.


Ilang araw na rin ang lumipas ng mangyari ang kahindik-hindik na pangyayari sa condo niya. Nagluto lang siya at pagkatapos umuwi na ako ng bahay. Take note ha! Umuwi na ako ng bahay pagka kain! Wala kaming ibang kababalaghang ginawa.


Kasalukuyang lunes ngayon at makikita ko na naman ang pagmumukha ni Grey. Nang makarating ako sa building tinignan ko agad ang phone ko dahil palaging tinetext ni Grey kung saang lupalop ba siya naroon at don ako didiretso.  Nakarating ako sa 11th floor pero wala akong Grey na nakita, muli kong sinulyapan ang phone ko pero wala paring text niya.


Nasaan naman kaya yung lalaking yon? Hayss. Dumiretso ako sa office ni Ma'am Grace dahil itatanong ko kung hindi ba pupunta rito si Grey.



"Ma'am wala po ba si Jairex?" Tanong ko at nag bow sakaniya.



"Ang alam ko hindi pa sya nag i-in, bakit wala bang sinabi sayo?"



"Ahhm wala po eh sige salamat." Muli akong nagbow at nagpaalam.


Bwiset! Umagang umaga highblood ako gawa ni Grey! Saang lupalop naman kaya nagsumiksik ang lalakeng iyon!?


Naramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha, Napaismid na lang ako ng makitang si Grey ang tumatawag.


"Hello!? Nasaan ka ba---"


"Shut your mouth and h-Help me----" Nagulantang ako ng maputol ang linya.


Agad naman akong nataranta at bumaba ng ground floor, Shit! Kailangan kong tulungan si Grey baka kung ano ng mangyari dun. Dali dali akong tumakbo palabas ng building, teka saglit saan at paano ko tutulungan si Grey eh hindi ko naman alam kung nasan siya!?


Ah! Basta kailangan ko siyang mahanap baka kung ano ng mangyari dun! makaltas pa sa sahod ko.


Pinagpatuloy ko ang pagtakbo na ang tanging nakatatak sa isip ko ay kailangan kong mailigtas si Grey kahit hindi ko alam kung saan at papaano ko siya mahahanap.




















---


Jairex Grey's POV

I was going to buy some food in 7/11 when these four ugly dickheads grabbed and pulled me inside this smelly and dirty street.


Oppa Series 1: A Lot Like LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon