CHAPTER 4 - Paghupa ng Lagim

1.3K 42 1
                                    

KABANATA 4

Tumahimik na ang kapaligiran makalipas ng ilang saglit.

Tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig si Roman at muling dumungaw sa bintana.

Inilibot ang paningin sa paligid.

Wala na nga sila!

At muli siyang nabalisa.

Wala na ang kaniyang anak, ang kaniyang asawa at si Jerome.

Isa itong reyalidad na 'di maaaring itanggi na ito'y panaginip lamang, 'pagkat ang nakakapagtakang pangyayari ay buong katotohanan.

Lumabas si Borj mula sa pagkakadapa at pumunta kay Roman.

Borj: "Umalis na tayo rito! Baka magsidatingan pa sila ulit," nagkakandautal niyang wika habang nakatayo sa likuran ni Roman.

Inilingon ni Roman ang mukha sa asawang wala ng buhay.

Muling dumaloy ang kaniyang mga luha, umupo't niyakap ang asawa.

Roman: "Ipinapangako kong babawiin ko ang ating anak, mahal ko," kausap niya ito na animo'y buhay pa.

Borj: "Sir Roman! Umalis na tayo rito! Baka maabutan pa ulit tayo!"

Roman: "Puwedi bang tumigil ka, duwag! Lalaban ako upang mabawi ang aking anak sa kanila!"

"S-si Henry? Nasaan?"

At tumayo't sinilip ulit ang salamin.

Borj: "Ikinalulungkot ko, sir! Pero wala na rin siya," nakayuko niyang wika.

Lumapit si Roman sa kanya at kinuwelyuhan siya.

Roman: "Ngayon! Sinasabi mo ba sa akin na umalis dito, gayong inubos ng mga punyetang ahas na iyan ang pamilya ko! Para sabihin ko sa 'yo, dito na ako mamamatay!" at kaniyang itinulak si Borj.

***

sa kaharian ng mga ahas.

Masaya nilang ginugunita ang pagdating ng anak ng kanilang itinuring na hari noon.

Shipretz: "Heto na ang sanggol sa harapan n'yo! Kaytagal rin nating hinintay ang kaniyang pagdating! At ito na ang araw na ito! Siya ang magiging kapalit ng kaniyang ama!" at nag-alulungan ang 'di mabilang na ahas.

"Ano po ang ipapangalan natin sa kanya, pinuno!" tanong ng isang ahas.

Shipretz: "Sa pagkakaalam ko, pinangalanan siyang Jefferson ng kaniyang amang tao! At dahil doon, tatawagin natin siyang Jeffers dahil siya'y kakaibang ahas. Kalahating tao siya, kaya't nababagay ang pangalang iyon sa kanya."

"Isa pa, siya'y ahas na nagkakatawang-tao, at darating ang panahong, mamanahin niya ang mala-demonyong kaugalian ng kaniyang amang ahas. Siya'y magnanais na sumipsip ng sariwang dugo ng tao kaysa ano pa mang hayop sa kapaligiran," litanya niya.

***

Ahsen: "Umalis na kayong dalawa rito, dali! Baka may makakita pa sa inyo rito!" -at nagulat ang magkasintahan sa pagsasalita ng ahas na ito.

Nakabawi naman si Henry kaya't kaniyang tinanong ang ahas na ito.

Henry: "Bakit mo kami tinulungan? Bakit mo kami ilalayo sa iyong angkan!" nagtatakang tanong ni Henry sa kaharap at may kalakihan ding ahas.

Ahsen: "'Pagkat ako ay may utang na loob sa iyo."

Henry: "Utang na loob? Ano 'yon?"

Ahsen: "Naaalala mo ba, noong minsan kang sumama sa kuya't asawa ng kuya mo noong pumupunta sila rito?"

Henry: "Oo, bakit?"

Ahsen: "Ako ang ahas na natagpuan noon ng asawa ng kuya mo? At maliit pa ako nang mga panahong iyon! Muntikan na akong barilin ng kuya mo! Pero pinigilan mo siya't hinayaan mo akong makatakas,
kaya't patas na tayo."

Rhea: "Hindi ka ba mapapagalitan ng mga kasama mo sa ginawa mong pagtulong sa amin?"

Ahsen: "Sasabihin ko sa kanila na kinain ko kayong dalawa, at ipapaubaya nila kayo sa akin dahil sa pagiging mabuti ko sa kanila."

Henry: "Hindi mo man lang ipaghihiganti ang mga kasamahan mo? Matapos kong pagbabarilin?"

Ahsen: "'Wag mo silang intindihin, dahil ang mga napatay mo'y pangkaraniwang ahas, at sila'y mga alipin lamang sa aming angkan."

Bahagyang lumayo sa lugar na ito si Roman kasama ni Borj upang 'di sila mabalikan ng mga ahas.

Ngunit buo sa isip ni Roman na 'di niya lilisanin ng tuluyan ang lugar hanggang 'di niya nababawi ang anak niya.

Nais lamang niyang maghanda patungo sa lugar ng mga ahas.

Roman: "Nais ko'y iyong iburol ang aking mahal na asawa, at ako'y hintayin mo sa aking pagbabalik, nais ko lang bawiin ang aking anak."

Habang nakasukbit sa balikat niya ang shotgun, at may nakasiksik pa sa tagiliran na kalibre 45.

Borj: "Hindi ko kayo mapipigilan sa inyong binabalak, sir, pero pinapangako kong makakarating ang lahat ng ito sa pulisya upang kayo'y kaniyang tulungan."

Roman: "Salamat," at kaniyang nilapitan ang asawang nakahiga na wala ng buhay. Hinawi niya ang nakatakip na kumot sa katawan nito, at kaniyang hinalikan ang asawa.

Roman: "Mahal ko... makakaasa kang babawiin ko ang pinakamamahal nating anak," habang tumutulo sa kanyang pisngi ang kaniyang mga Luha.

ITUTULOY...

HIGANTING AHASWhere stories live. Discover now