CHAPTER 23 - Digmaan

1K 36 1
                                    

KABANATA 23

"Naririnig n'yo ba ang ingay na iyon?" sambit ni Dennis sa dalawang kasama.

Habang dinaramdam nila ang maliit na ingay na iyon na galing sa kung saan.

Inilibot nila ang mga ulo upang hanapin ng tingin iyon.

"Mga fighter plane!" sambit ulit ni Dennis.

"Pagkakataon na natin 'to, sa tingin mo, kuya?!" sabay lingon ni Jerome kay Henry. Tumango naman ito.

At mabilis na tinungo ang kinakukumpulan ng mga ahas na kasalukuyang gumagawa ng ritwal.

Natigil ang madaming ahas sa ingay na paparating sa kanila.

Ganoon na lamang ang gulat nila nang patamaan ng airstrike bomb ng fighter plane ang kanilang kinaroroonan.

"Magsitakbo kayo!" malakas na sigaw ng pinuno nilang si Shipretz at bawat isa ay kaniya-kaniyang gapang sa kung saanman.

Gano'n din si Jeffrey na tumakbo palayo habang mahigpit niyang hawak si Iyah. Nag-anyong tao siya sa pagkakataong ito.

Tumama ang malakas na pasabog sa gitna ng madaming ahas at sumambulat ang kani-kanilang katawan.

Hindi naman napahamak si Jeffrey at Iyah dahil prinotektahan sila ng ahas na si Vodka.

Ngunit nasawi ang kahilili ng pinunong ahas na si Vodka dahil sa sakripisyo nito kay Jeffrey.

"Bitawan mo ako!" nagpupumiglas na wika ni Iyah sa lalaki.

At muli na namang nayanig ang lupa't paligid sa sumunod na pagsabog.

"Hindi mo ba nakikita ang mga nangyayari? Mamatay ka kapag hinayaan kita!" may puntong wika ni Jeffrey.

Sabay hila kay Iyah at yakap nito at urong ng katawan upang sanggain ang pagtaksil ng kung ano-ano sa kanila.

Napaigtad si Jeffrey at napaungol dulot ng lakas ng pagtama sa kanya ng makapal na lupang nabungkal.

Ngunit dahil sa matinding lakas na taglay niya ay hindi siya napaurong nang malakas na impact na 'yon.

Napansin naman ni Iyah ang sakripisyo nito sa kanya, bagama't ganoon ay hindi pa rin siya naaawa kay Jeffrey. Kahit sinalba siya nito, galit pa rin siya sa ginawa nito sa kanya.

Mabilis ang hakbang ni Jeffrey sa kung saan.

Kasama ang hawak nitong si Iyah.

Sa ilang iglap, natakasan nila ang panganib.

Habang walang humpay ang sunod-sunod na pagsabog na iginagawad ng mga pulis sa mga ahas.

Ngunit nahinto si Jeffrey sa pagtakas nang salubungin siya ng isa pang taong ahas na si Jerome.

Lumundag ito sa kanilang harapan habang lumalabas-labas ang panuklaw rin nito.

"Bitawan mo ang Ate ko! Binabalaan kita!" matapang nitong wika kay Jeffrey.

"Huwag ka ng makialam! Akin lang ang babaeng ito! Walang makakaagaw sa kanya!" sabay higpit ng hawak ni Jeffrey kay Iyah.

"Kung ganoon, dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko bago mo mailayo ang kapatid ko!" sagot ni Jerome habang umaasik na ang aura nito tungo kay Jeffrey.

"Jerome, 'wag mo na siyang labanan. Baka mapahamak ka lang, ayaw kong masaktan ka kaya't umalis ka na," sambit ni Iyah sa kapatid.

"Narinig mo 'yon?! Sasama sa akin ang ate mo! Kaya't umalis ka na!" sabay hakbang ni Jeffrey.

At mabilis na gumalaw at umalis pero malakas din ang pagtalon ni Jerome kaya't naabutan niya si Jeffrey.

Hinawakan niya ito sa balikat upang patigilin.

HIGANTING AHASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon