Chapter 21

85 9 9
                                    

Suho's POV

"Dude, she might looked innocent and sweet, but she killed you hundred times inside her thoughts." Bulong sakin ni Xiumin, nandito kami sa gang hospital at nasa iisang kwarto lang kami ni Sulli. Magkatapat lang ang hinihigaan namin.

Nakangiti siya sakin. She's smilling, the creepy one or should I say the insane smile. Hindi kami magkaka-ayos kung di siya makikinig sa mga paliwanag na sinasabi ko. She's blinded by that jerk's fake love. Damn that Kim Taehyung he makes my twin sister miserable for fucking more than 2 years.

"Iwanan ninyo muna kami, may pag-uusapan lang ang dalawang troublemakers." Utos ni Mom sa gang ko at gang ni Sulli. Kaya naman isa-isa na silang lumabas. Kim family, dapat nandito din sila Chen, Kai, at Xiumin.

"Magsusukatan na lang ba kayo ng tingin dito?" Tanong ni Dad habang nakapamulsa. He look cool parang forever young hindi malayong sakanya ako nagmana ng kagwapuhan.

"Mom, ang kinagagalit ko lang naman sakanya bakit tinago niya sakin? I feel betrayed at nagmukha pa akong tanga." Parang batang nagt-tantrums na sabi ni Sulli habang dinuduro ako kaya hindi ko maiwasang di matawa sa ugali niya.

"So childish." Sabi ko habang tumatawa parin kaya naman binato niya ako ng unan mabuti at agad ko iyon naiwasan.

"How can you laugh after you beaten up?" Tanong ni Sulli habang nakataas ang kilay. Kaya tinaasan ko siya ng gitnang daliri habang nakangisi.

"The both of you stop it!" Suway samin ni Dad kaya mabilis kong naitago ang kamay na ginamit kong pang midfing kay Sulli. I'm innocent as fuck.

"Sulli I just wanted to clear things out. I was wrong. I'm sorry, una pa lang alam ko na ang hidden agenda nila. I thought magbabago sila noong pinagsama-sama ko kayo sa iisang mansyon. Akala ko ay maibabalik ang samahan ninyo ng Dark Army. I didn't know that you'll suffer like this. Pakinggan mo ang sasabihin ng kambal mo. Makinig ka kay Suho. He just wanted to protect you." Paliwanag ni Mom kay Sulli halata sakanyang naguguluhan pa siya sa mga narinig niya. Kung nasasaktan siya sa mga nalaman niya mas nasasaktan ako.

"Anak, sa huli ay tayo tayo lang ang magdadamayan. We are family. Magka-ayos na kayong dalawa." Sabi naman ni Dad at inalalayan niya si Mom palabas ng kwarto. Marami silang trabahong inaasikaso at may nilalaan parin silang oras para samin.

Isang nakakabinging katahimikan. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Sulli. Ang hirap niyang basahin. Siguro ay ako na ang unang magsa-salita.

"I'm sorry kung tinago ko sayo. Akala ko nung una ay totoo ang pinapakita niya sayong pagmamahal pero nagkamali pala ako. Maling-mali na wala man lang akong nagawa para pigilan ka. Taehyung's love for you is like a magic. Hanggat hindi mo nakikita ang pandaraya patuloy kang maniniwala, look at you now."

"Sulli, don't over think. Don't regret, it's just a waste of time. Siguro ay gawin mo na lang isang lesson ang nangyari para sa susunod ay mag-iingat kana. Madaming mapag-panggap na mga tao." Nakita ko sa mga mata niya ang mga luhang gusto ng kumawala. Kahit hirap akong maglakad ay pinilit kong makalapit sa higaan niya at niyakap siya. All she need is a hug.

"Matagal ko ng hindi nararamdaman ang ganitong yakap mo." Bulong niya at niyakap ako pabalik. Unti-unting nababasa ng mga luha niya ang balikat ko. It's so hard to see our princess crying.

"Hindi lang Red Mist at Dark Army gang ang kalaban mo, marami pang dadating. Asahan mo nandito kami ng EXO para sayo at isa pa nandyan ang grupo mo. Simula ngayon ay wala na akong lihim na itatago." Seryosong sabi ko habang hinahagod ang likod niya. This is the best way to comfort her. Ang dami na niyang napagdaanan.

"I'm miserable in a way that i don't know if i'll ever be really, truly happy.
Help me to ease the pain inside me." Umiiyak na sabi niya bawat hagulgol niya ay parang binibiyak ang puso ko. Wala man lang akong nagawa. I promise, I won't let anyone to hurt her again.

|| HIATUS || Gangster World II: The Miserable PrincessWhere stories live. Discover now