Chapter 22

153 8 3
                                    

Luhan's POV

"I won't tolerate this, Luhan." Narinig ko ang boses ni Kris mula sa likod. Binulsa ko muna ang phone bago humarap sakanya. Nakakatakot ang aura niya. May hawak din siyang baril sa kanang kamay.

"I'm doing this for her safety." Seryosong sabi ko habang diretso ang tingin nanlilisik niyang mga mata. I have reasons and one of the reason is her, Sulli.

"You are selfish. For her? It's a bullshit Luhan. You are doing all of these betraying for your own good." Napa-iwas na lang ako ng tingin, dahil tama ako ito ang magiging dating sa kanila ng ginagawa ko. Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang mapahamak sila.

"You know me. May rason ang lahat just trust me."

"Paano ka namin pagkakatiwalaan kung ngayon pa lang ay traydor kana. Kapag may nangyaring masama kay Sulli, hindi ako magdadalawang isip na gamitin sayo ang baril na 'to." Madiin na sabi niya at tinapat ang baril sentro sa noo ko. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sakanya. Umalis na siya at napaupo na lang ako sa isang sulok.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa mga kamay ni Vrent ang mga magulang ko at anoman oras ay pwede niyang patayin. Naisip ko ng umalis sa grupo at magpakalayo-layo para hindi na ako madamay sa mga gulo. Pero ayokong maging duwag at takbuhan ang problema. Hindi ko sila kayang iwan.

Kailangan lang nilang magtiwala sakin. Hindi ko naman ito ginagawa para sa sarili at pamilya ko dahil para din ito sa lahat. Kahit maging kapalit pa nito ang buhay ko. All I want is there safety. I'm very sure they will thank me after this.

"Lulu nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Napalingon ako sa pintuan at nakita ko doon si Sehun habang karga karga si Vivi, ang aso niya. Ngumiti ako sakanya bago tumayo.

"I'm sorry." Yun na lang ang nasabi ko at narinig ko siyang tumawa tapos ay inakbayan ako.

"Sus parang yun lang? It's okay no need to be sorry. Hindi naman mabigat na kasalanan 'yon." Natatawang sabi niya at nakita ko naman na sumabay samin pababa ng kagdan si Kris. Nakakamatay na tingin ang binibigay niya sakin. Wala naman ako magagawa kung iyon ang tingin niya sakin.

"Small or big mistakes, mistake is always a mistake." Sabi ni Kris at nauna na. Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Sehun.

"Grabe parang may mens si hyung dahil sa tono ng boses niya. Nakakatakot siya kapag ganon, yung feeling na anoman oras ay sasaksakin ka niya gamit ang natulis niyang baba." Inosenteng sabi niya  kaya natawa ako at ginulo ang buhok niya na parang isang aso.

"Sunod-sunod ang nakaka-stress na pangyayari. We need to refresh, a short vacation will do." Sabi ni Suho at isa-isa ng nag-ingay. Nandito din ang Black Swift kasama ang leader nila. Kung titignan si Sulli ay nakikisabay siya. Pinipilit niyang maging matatag para samin. Don't worry Sulli matatapos din ang lahat ng paghihirap mo.

"So you mean outing?" Tanong ni Amber kaya tumango naman si Suho.

"Makikita na naman nila ang matigas na abs ko." Mahangin na sabi ni Kai.

"Jongin, try to display your fucking abs and I will surely kick your damn balls." Mataray na sabi ni Krystal at parang batang natakot naman si Kai. Perks of having a girlfriend.

"Mababaog kana Kai." Pananakot sakanya ni Baekhyun at nakisabay na rin sila Chen sa pang-aasar.

"Palibhasa wala kayong abs tapos wala pa kayong lovelife." Sabi naman ni Kai habang naka-akbay kay Krystal. Masyado talaga siyang bilib sa sarili niya pero ang totoo ay under siya sa girlfriend niya.

"Bago ka mag yabang dyan magpaputi ka muna." Mapang-asar na sabi ni Chanyeol kaya naman ang buong kwarto ay napuno ng halakhakan.

"Sehun where's your girl?" Tanong ni Amber kaya naman napako ang tingin namin sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

|| HIATUS || Gangster World II: The Miserable PrincessWhere stories live. Discover now