Chapter 9

2.9K 58 7
                                    

"Teka! Teka! Teka! Bakit ka nandito? Bat ka nag iisa dito apple"

Oo! Si apple! Si apple ang babae na niligtas ko. Nakakagulat kasi bat sya nandito nag iisa nag-gagala? Bago magsalita si apple sininghot singhot nya muna ang sipo na tumutulo sa ilong nya. Binigay ko sakanya ang panyo ko para singahan nya.

"Van buti nakita mo ako. Natakot takaga ako"

"Eh bat ka nga ba nandito. Teka nga tara doon tayo sa 7eleven mag usap."

Tinulungan ko sya tumayo. Ramdam ko ang panginginig nya sa takot. Kaya inakbayan ko sya ng mahigpit para di na sya matakot. Pagkadating namin sa 7eleven bumili ako ng kape talos tinabihan ko sya sa upuan.

"Eto apple oh inumin mo. Dahan dhana ha mainit yan."

"Salamat van ha."

"Eh bakit ka nga ba mag isa ka gumagala doon?"

"Eh kasi wala ako magawa sa bahay eh. Tsaka..."

"Tsaka ano?" Ano ba naman to magkwekwento na nga lang eh namibibitin pa.

"Nadedepressed ako kasi may bf na si venice. Mukahang di na sya mapapasakin."

Grabe yun lang? Ganun na ba talaga kalakas ang tama nya kay venice? Eh ako nga di nadepress eh. Medyo lang.

"Ikaw talaga!" Tapos pinitik ko ng mahina noo nya.

"Aray naman!"

"Ikaw, pwede ka naman kasi magpasama sakin kung gagala eh. Parang di naman tayo magkaribal na friends." Syempre sinabi ko lang yun para gumaan ang pakiramdam nya nya at wag na sya matakot.

"Talaga friends tayo? Kung friends na tayo hindi na tayo magkaribal."

"Bat mo naman nasabi na di na tayo magkaribal?"

"Eh syempre suko na ako kay venice at for sure wala ka na din pake kay venice kasi di ka sumama sa gala kahapon. Bat nga ba di ka sumama?"

"Aaahhhg kasi birthday nung friend ko."

"Aaahhhh kaya pala. So... Friends na talaga tayo van?"

"Hhhhmmmmm pag iisipan ko pa."

"Eto talaga!" Tapos pinalo nya ako ng mahina sa braso ko."

"Sabi mo lang kanina friends nabtayo eh!"

"Eto naman di mabiro! Oo friends na tayo!"

Inabot nya sakin ang kamay nya. Parang makikipag shakehands.

"Ano yan?"

"Shake hands tayo duh!"

"Kelangan pa ba yun?"

"Oo naman as a sign of our friendship at ending ng pagiging magkaribal natin"

Tapos nakangiti pa sya. Teka parang naaalala ko tong ngiti na to. Di ko lang maalala kung saan. Tapos nagshake hands na kami. Ganda nya ngumiti ah. Well babae din naman sya.

Nag abang na kami ng jeep para masakyan ni apple pauwi. Sinamahan ko sya mag abang ng jeep. Ayaw kasi ako tantanan eh. Hawak ng hawak sa sleeve ng damit ko na parang bata pero hinayaan ko nalang kasi baka natatakot parin sya.

"Oh ayan na o jeep. Sakay ka na!"

Tiningnan nya yung jeep pero hindi pa sya sumakay.

"Eh hindi naman yan dadaan samin eh."

Medyo matagal tagal pa kami naghintay. Napansin ko na patingin tingin si apple sa paligid nya. Siguro natatakot parin to kaya pinitik ko ng mahina noo nya.

My Crush Is A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon