Chapter 17

2.7K 58 36
                                    

Natapos na ang araw na magkasama kami ni apple. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag kasama sya lalo na nung nasa park kami. Ang dami naming ginawa sa park ni apple.

Pagkatapos naming maghabulan at kumain ng cotton candy ni apple, nag-arkila kami ng bike na may sidecar at naglibot kami sa park. Gusto ni apple na mabilis ang andar namin kaya mabilis din ang aking pagpidal.

Naupo kami ni apple sa ibaba ng isang puno nang mapagod kami sa pagikot sa park. Nakatingin naman si apple sa isang puno. Nang tiningnan ko ang puno na yun ay nakita ko na may couple din na nakaupo sa ibaba nun at ang sweet sweet nila. Naka higa sa legs ng babae yung lalaki.

"Apple anong tinitingnan mo?"

"Hah! Ay wala wala wala! Hehe." Nagulat si apple sa pagtanong ko.sakanya.

"Tinitingan mo yung mag-couple doon sa punong yun. Gusto mo din ba gawin natin yun?"

"Huh? Uy hindi ah! Hindi naman kailangang umabot sa ganyan ang pagkakanwari natin na magjowa noh!"

"Aaahhh ok sige."

Bigla nalang tumahimik si apple at nilalaro laro ang daliri nya. Parang may gusto sya sabihin na hindi nya masabi kaya ako nalang ang nagtanong sakanya.

"Uy apple. Bakit bigla kang tumahimik? May gusto ka pa bang gawin?"

"Aahhh wala naman van. Naisip ko lang kasi na..."

"Na ano?"

"Na pagod ka na sa kakapidal kanina"

"Ah yun ba? Nako hindi naman masyado."

"Kung pagod ka na talaga pwede ka muna humiga sa lap ko." Mahina lang naman ang pagkakasabi ni apple kaya hindi ko ito masyado narinig.

"Ano yun? Di kita masyado marinig."

"Wala! Tara na nga uwi nalang tayo!" At ayun nga! Umuwi na kami. Nakauwi na kami sa aming mga bahay. Sana pala hindi ako nagbingi bingihan pero ok lang. Baka maulit din naman yun. Hindi ko alam pero parang galit ata sakin si apple bago kami umalis sa park kanina. Pagkatingin ko sa phone ko, nakita ko na may txt sya sakin.

Uy van nagenjoy talaga ako ngayong araw 😊

Mukhang hindi naman pala sya galit. Mukhang nagkaka mood swing na sya ngayon. Kakaibang saya talaga ang nararamdaman ko ngayong araw. Parang hindi ako makapaghintay na makita ulit si apple.

Araw na naman ng lunes at ibig sabihin may pasok kami. Haaaaayyyy nakakatamad talaga pag may pasok pero hindi ako tinatamad pumasok. Parang gustong gusto ko pa ngang pumasok ng maaga. At dahil gusto ko, magagawa ko. Pumasok ako ng maaga at nakatambay lang ako dito sa may hall ng school namin. Habang namumusic ako sa phone ko, may biglang nagtxt sakin.

"Good morning van! 😊"

Si apple pala ang nagtxt. Himala nagttxt na sy sakin. Napangiti nya ako ng wala sa oras. Agad naman akong nagreply sakanya at sinabi kong nandito na ako sa school.

"Huh? Nasa school ka na? Bakit naman ang aga mo dyan?"

"Wala lang. Gusto ko lang pumasok ng maaga."

Hindi na nagreply sakin si apple. Nakapagtataka naman. Wala naman akong nasabing masama ah. Ilang minuto pa ang lumipas at tunawagan ko na sya. Agad naman syang sumagot sa tawag ko.

"Oh bat di ka na nagreply?"

"Grabe ha tumawag talaga nung di na ako nagreply."

Bigla akong nahiya sa sinabi ko.parang halatang gustong ko sya makausap.

My Crush Is A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon