XXX:6

1.9K 21 0
                                    

"Naks Libra nakadress ka!" Puna niya sa kaibigan ng makalapit ito sakanila. Kasalukuyan silang nasa RedRoom Cafe. Maagang natapos ang operation na ginawa nila kanina kaya maaga siyang magout. Kaya ng magaya si Sia ay agad siya umoo.

"Manahimik ka Mariz kung ayaw mong saksakin kita nitong takong ng sapatos ko" iritableng sagot ni Libra. Agad naman siyang nagbaba ng tingin sa suot nitong sapatos. Totoo nga na may suot ito sapatos na may takong.

Nagtawanan naman ang mga kasama nila sa lamesa. Hindi naman bago sakanila na makita itong ganoon, hindi lang talaga siya sanay. Mas sanay kasi siya makita itong naka jeans at boots kung hindi man polo ay tshirt ang suot.

Tumayo si Sia at lumapit kay Libra "Bra business woman na business woman ang dating mo. Kahit na monkey ang business mo. Muhka kang kagalang galang na presidente ng kompanya".

Nagsisang ayon naman ang iba, maging siya. Ang alam niya ay ibang business deal ang ginagawa nito.

"Kagalang galang naman talaga ako ikaw lang ang hindi" nakairap na sagot naman ni Libra na naupo sa tabi ni Mimi.

"Bra blooming ka araw araw ka ding nadidiligan parang si Maris?" Sabat ni Karen na nasa tabi niya.

Kinurot niya si Karen na nakaupo sa tabi niya "si twitie baka marinig ka hanggang ngayon nga nagkakampo parin sa labas ng lv at sa ospital yung mga report dadagdagan mo pa?" Inginuso niya si Twitie na dikalayuan sakanila.

"Sorry, bakit ba hindi ka nalang magpapress con?" Tanong pa ni Karen.

Kung sana ay ganon ngalang kadali iyon. Isa pa nasa kung saang lupalop ang handler niyang si Mama Bel. Kasama ang bago nitong jowang tisoy. Kaya nga si Michie ang tumulong sakanya noong nakaraan dahil MIA ito.  Ayaw naman niyang istorbohin ang manager ni Siana para asikasuhin din siya. Dadagdag pa siya sa sakit ng ulo nito.

"Soon pero sa ngayon tago muna ako" sagot niya sa kaibigan.

"Saan ka naman nagtatago aber? Kay Rolf kapag nakuhanan ka na naman yari ka" naiiling na sabi naman ni Libra.

Wala naman siyang ibang pagpipilian. Meron pala kay Baldo ang kaso ay si Siana. Ang balak sana niya ang sa ospital nalang muna pero bigla nalang dumating doon si Rolf at saka sapilitan siyang inuwi sa bahay nito. Hindi kagaya sa LV, walang reporter sa harap ng bahay ni Rolf nasa labas lahat ng gate ng Village.

"Wala siyang choice kapag hindi siya umuwi kay Kuya ako ang mananagot"  sagot ni Shayne. Totoo iyon tinakot din siya ni Rolf na kapag hindi siya sumama umuwi sa bahay nito ay dadalin ng china si Shayne sa Lolo nila. Na para sa kaibigan niya ay isang bangungot.

"Sus ang arte niya ka mo barilin ko pa siya" nakairap na sabi pa ni Libra.

"Wag naman Bra walang magdidilig kay Mariz" naman ni Sia. Binato niya ito ng fries bastos ang bibig kapag siya napuno ipaparape niya kay Baldo si Sia.

"Oo nga pala sige wag nalang. Nagorder na ba kayo?. Sabi ni Devy may bago silang dish?" Pagiiba ni Libra sa usapan nila. Mabuti na iyon kumain nalang sila baka sa iba na naman mapunta ang usapan nila.

"Nagorder na kami street gangbang kung may iaadd ka sabihin mo nalang. Pareho nalang tayo ng drinks Holy Orgasm" Street gangbang ang paborito nilang orderin. Isa pa ay mas tipid iyon at lagi siya nakakaligtas sa pagbabayad. May kamahalan pa naman ang pagkain sa pula. Sakto naman pagdating ng mga order nila.

Miss Pornstar WannabeWhere stories live. Discover now