XXX:15

23 1 0
                                    

"Doing what you want? Wag na nating lokohin ang isa't isa. Alam natin pero kung ano ang gusto mo. You can live freely" aniyang saka padabog na sumakay sa kotse nito. Pinabayaan niya si Rolf na bitbitin lahat ng gamit niya.

Hanggang makarating sila ng LV ay tahimik lang si Rissy na bahagya niya ikinabahala. Hindi siya sanay ng hindi ito kumikibo kaya naman panay ang lingon niya dito. Pagpasok naman nila sa bahay ay sa kusina na ito dumiretso siya naman ay dinala niya sa kwarto ang mga maleta ni Ris at inumpisahang ayusin ang mga gamit nito sa walk in closet.

Nasa kalagitnaan siya ng pagaayos ng mga underwear nito ng bigla itong pumasok at masama ang tingin sakanya "ano ba naman Rolf pati ba naman panty ko!" Inis na anito saka nagmamadaling lumapit sakanya at inagaw ang panty nito.

"Pati ba naman panty tinitipid nila sa tela? Magsoen ka nga iyon hindi tipid may dates pa monday hanggang sunday. Bukas bibili tayo ng mga bago mong panty ayoko ng makita yan.!" Naiinis talaga siya sa panty nitong parang net at kakapiraso nalang. Kung noon ay ayos lang kanya ngayon ay hindi na dahil magasawa na sila.

"Soen? Ano ako bata!" Gigil na sagot naman ni Ris. Saka siya nilayasan. Nangsundan naman niya iyo ay kumakain na ito kaya naman tinabihan nalang niya at kumain nalang din. Pero seryoso siya ibibili niya ito bukas na bukas din ng mga soen na may date para hindi ito malito. Sana ay may rainbow color din ganon kasi ang panti ni shane dati.

"Rolf saan ba kasi tayo pupunta may rounds ako ngayon!" Iritable sabi niya. Kanina ng paalis na siya ay pinigilan siya nito dahil aalis daw sila.   Kahit naman anong pagtakas niya ay hindi siya makalusot dito at ngayon nga ay hindi niya niya alam kung saan sila pupunta.

"Bibili tayo ng panty, saka yung mga damit mo pagpapalitan muna, marami akong pambili ng damit hindi ko alam kung nagtitipid ka ba at ganyan ang mga sinusuot mo!" Tila ba inis na sabi nito sakanya.

"Anong akala mo sakin mahirap walang pambili ng damit. FYI Rolf I am way more richer than you. Hindi mo ako kailangan bilhan ng damit. Now dalin mo ako sa ospital I have patients waiting for me. Kung ikaw wala kang gagawin ako meron. And if you are bored go to your chic Linda I'm sure she's waiting for you" walang emosyong sabi niya.

Narinig niya ang malakas na pagbuntong hininga ni Rolf bilang tanda ng pagsuko nito. Kung siguro noon malulungkot siya ng husto pero ngayon ay hindi na. Mahal niya si Rolf pero tanggap niya mas mahal nito si Linda. At hindi nito kailangan magpakitang tao at magpaggap sa harap niya. Maloloko ni Rolf ang mga tao sa paligid niya pero siya ah hindi.

Nang makarating sila sa ospital at agad siyang bumaba hindi na niya ito hinintay pat dirediretso pumasok sa ospital. She got an eleven am surgery at kanina pa dapat siya nagpreprepare pero dahil sa kakulitan ni Rolf ay nawala iyon sa isip niya.

"Doc Ris good thing your here!" Bati sakanya ng isa sa mga doctor na sumusuri sa batang ooperahan nila. Hindi na siya nagpalit ng damit at agad na dito na dumiretso. Binigyan siya ng update ni Doc Ivo bago siya ayain lumabas upang doon magusap. Kasunod din nila ang mga magulang ng bata.

"I don't think we can perform the surgery today" aniya pagkayaring marinig lahat ng sinabi nito. Agad namang sumangayon sakanya si Doc Ivo kaya napagpasyahan nilang ireschedule ang operation ni Nico sa susunod na lingo.

Pagkatapos niyang magrounds ay dumiretso siya sa clinic ng kaibigan. Alam niyang hindi normal ang katawan niya. May isang munting buhay ang lumalaki sa sinapupunan niya ngunit nababahala siya dahil para bang hindi ito lumalaki.

"Yzzie" aniya sa kaibigang abala sa pagtingin sa charts nito.

"Ris!" Anito saka lumapit sakanya at marahan siyang niyakap. "Finally naisipan mo din akong puntahan".

"I've been so busy lately" aniya saka nahiga sa patient  bed nito.

Naiiling na tining naman siya nito "alam mong hindi katwiran yon Ris".

Nasa Hayastan palang siya ay magkausap na sila ni Yzzie, dahil sa pagbabago ng katawan niya. At nang makauwi siya ay ang sabi niya agad niya itong pupuntahan pero hindi nangyari dahil nadin sa naging abala siya sa mga bagay bagay.

"I know but our job is to keep eveyone safe" aniya.

"Yes but also that includes us" anito.

HINDI niya napiglan ang mapaluha ng marinig sa unang pagkakataon ang tibok ng puso ng sanggol sa sinapupunan niya. Sobrang saya niya at walang pagsidlan iyon. Ngunit may isang parte ng puso niya ang nalulungkot at nagaasa na sana ay nasa tabi niya si Rolf.

"You were both fine but please avoid stress and don't over work. Kilala kita Maris hanggat may lakas ka sige ka lang. Pero iba na ngayon, you have to take vitamins and eat please. Medyo maliit ang bata, and also iwasan mo na din ang masisikip na pants may factor din kasi yon sa paglaki ng bata sabi ng Lola ko" ani Yzzie habang pinupunasan ang puson niya.

Marami pang mga bagay na ibinilin sakanya ni Yzzie. Halos lahat ata ay sinabi na nito sakanya, hanggang sa paglabas ng bata. Pati ang pagnininang nito kapag nagpabinyag siya ay binanggit na rin. Halos limang oras din silang naguusap mabuti nalang at tapos na siya sa rounds nya at wala na siyanv gagawin. Muhka pa ngang wala itong balak tapusin ang paguusap nila hanggang sa dumating ang isang pasyente nito na manganganak na. Na ipinagpasalamat naman niya. And she's really tired at gustong gusto na niyang umuwi at matulog.

"Doc Ris, kanina ka pa hinahanap ni Sir Pogi, nasa clinic nyo po" laking gulat nyang na marinig ang sinabi ng sekretarya niya akala niya ay umuwi na ito. Kaya naman nagmamadali syang pumasok sa loob ng opisina at doon ay naabutan nyang nakayukyok si Rolf sa lamesa niya. Muhkang nakatulog na ata ito.

Ayaw sana nyang gising si Rolf pero gusto na nyang umuwi dahil inaantok na sya. Kaya naman dahan dahan niyang tinapik ang balikat nito. At agad naman itong nagising.

"We have to go home I'm tired" aniya at agad naman itong tumayo. Rolf didn't even utter anything, sumunod lang ito sa gusto nya. Bago sila makauwi ay nagpadaan sya dito sa groceries para sa mga pagkain kailangan nila lalo na niya. Walang kaideidea si Rolf sa kung anong binibili nila.

Hindi pa nya alam kung paano nya sasabihin dahil clueless na clueless talaga ito. Hanggang sa makakain sila, nagpatimpla pa sya ng gatas dito ay wala pa din itong alam.

Nakahiga na sila at nakatalikod sya kay Rolf na abala sa pagkalikot nito sa tablet.

"I am pregnant Rolf"

Miss Pornstar WannabeМесто, где живут истории. Откройте их для себя