Dorm

1.6K 47 0
                                    

Nakahiga na si Joy sa kanyang kwarto ng muli itong magkamalay.

Medyo kagigising lang ng dalaga ng bumukas ang pinto at pumasok si Jen.

"Hoy, bruha...nandito ka lang pala..kanina pa ako hanap ng hanap sayo...pati yung prince charming mong halos patayin ako sa kakatanung kung saan ka nagpunta..wait lang etxt ko muna sya, I'll tell him nandito ka na sa dorm," pagbabalita ni Jen

"Ganun bah te, pasensya na talaga...biglang sumama kasi pakiramdam ko kaya naisipan ko na lang umuwi agad," pagpapalusot ni Joy na hindi malaman kung paano sya nakauwi mag-isa.

Lumapit si Jen sa higaan ni Joy at hinawakan ang noo nito.

"Naku....ang init mo girl,.kaya pala... nasan na ba yung thermometer natin...wait lang ha, hahanapin ko," pag-aalala ni Jen.

Habang hinahanap ni Jen ang thermometer ay napansin nya ang isang lumang litrato sa paanan ng higaan ni Joy.

"Girl, sayo ba tong picture nato? Tanong ni Jen

Nilapitan ni Joy ang hawak na litrato ni Jen, laking gulat nya ng makita ang litrato na hawig sa nakita nya sa mesa ng librarian.

"Naku, parang sa librarian ata yan sya te, baka napasama sa pagkuha ko ng borrowers card kanina..." pagpapaliwanag ni Joy

"ah ganun bah, well, anyway here's the thermometer, iwanan muna kita dito, at bibili muna ako ng paracetamol at ulam na din natin..ok" tugon ni Jen

"Thank you te Jen," mahinang sabi ni Joy.

Bumalik sa pagkakahiga si Joy na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari sa kanya ng araw na iyon.

"baka nasobrahan lang ako sa init kaya kung ano-anong pumapasok sa isip ko...," bulong ni Joy sa sarili.

Habang naghihintay si Joy sa pagdating ng roommate ay hindi nya maiwasan na tingnan ulit ang lumang larawan.

"totoo ka nga ba talaga? In fairness ha ang cute mo pala.." pangiting sabi ni Joy habang titinitigan ang larawan ni Antonio kasama ang ibang mga sundalo sa litrato.

Napansin ni Joy na tila may nakasulat sa likod ng litrato kaya agad nya itong binasa..

"Hola Joy, kumusta na pakiramdam mo, bigla ka na lang nahimatay kanina,"

Biglang napatayo si Joy sa kama at agad binitawan ang litrato.

"OMG, ano yun? Bakit naka address sa akin...wake up Joy, this is not happening..."takot na sabi ng dalaga.

Tiningnan ulit ni Joy ang likod ng litrato at unti-unti na naman itong nagbabago.

"Wag kang matakot Joy, ako ito si Antonio, wala akong gagawin na masama, gusto lang kitang makausap..." pahiwatig ng sulat.

Huminga ng malalim si Joy matapos mabasa ang sulat...

"bakit gusto mo ako makausap?" tanong ni Joy

"Dahil matagal na kitang hinihintay Joy," sagot ng sulat.

"ha? Bakit ako? Hindi naman tayo magkaano-ano...Bakit ngayon lang?..sino ka ba talaga?"pasigaw na mga tanong ni Joy.

"Alam kong naguguluhan ka pa Joy, pero maipapaliwanag ko ang lahat sa oras na muli tayong magkita...pumunta ka bukas sa library at sasabihin ko ang lahat ng gusto mong malaman." tugon ng sulat.

Hindi pa rin makapaniwala si Joy, hindi nya alam kung anong papaniwalaan ng biglang narinig nya ang boses ni Jen...

"Joy! Joy! Gising...Joy!" pilit na tawag ni Jen

Unti-unting minulat ni Joy ang kanyang mga mata

"bakit te anong nangyari," tanong ni Joy.

Binabangongot ka Joy, kanina ka pa sigaw ng sigaw..ano ba kasi napanaginipan mo?," taong ni Jen

"Ganun ba ate Jen, hindi ko maalala eh," sagot ni Joy na pilit tinatago ang kabang nararamdaman.

"oh , ok ka lang ba? Halika ka kain na muna tayo para makainum ka ng gamot mo," paanyaya ni Jen.

"Ok te, salamat," sagot ni Joy.

Itutuloy...

Ang Boyfriend Kong KastilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon