Prologue

21.8K 410 20
                                    

Blossom Ishimada

"May gusto kasi akong sabihin sa'yo babe, eh, at gusto kong masabi ko sa'yo 'to habang may free time ka pa kasi alam ko namang busy ka at hindi na ako makapag-antay na sabihin sa'yo 'to."

"A-ano 'yon?" Kinakabahan naman ako sa sasabihin niya.

"Babe." Sabay hawak ng kamay ko at tingin sa mata ko. "Tinatapos ko na 'yong deal natin. Malaya ka na ngayon," nakangiting wika nito.

"T-talaga?" naniniguradong tanong ko dahil baka pinagtitripan na naman ako nito.

"Oo, babe. " Tango nito.

Malaya na 'ko? Yes! Malaya na 'ko!

"Pero babe may sasabihin pa 'ko." Hawak pa nito ng kamay ko.

Napatigil naman ako dahil baka sasabihin nito na, 'Izah a prank'

H'wag naman.

Huminga muna ito nang malalim bago magsalita.

"Pwede ka bang ligawan, babe?"

Huh?

Pwede ka bang ligawan, babe?

Pwede ka bang ligawan, babe?

Pwede ka bang ligawan, babe?

Grabe 'yong pag-echo saakin ng sinabi niya.

HUH? Ano raw??!

Sumabay pa 'yong ingay ng banda na kumakanta pero alam ko. Rinig ko 'yong sinabi niya!

Nagulat lang ako!

“Nababaliw ka na ba?!" Liligawan niya raw ako?!

Sumabay naman 'yong chorus ng kinakanta n‘ong bandang naroon.

"Is that I'm crazy for you.. Touch me once and you know its true.. I'll never wanted anyone like this.. Its so brand new.."

"Oh, alam mo na, babe?" natatawang wika nito.

What?! Seryoso ba siya?! Nakuha pang tumawa! OMG!

Ako yata ang mababaliw sa kanya!

She's My Slave (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon