Chapter 4

8.1K 203 6
                                    

Blossom

Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ba ako o hindi. Malay ko ba kung doon pala nila ako balak i-ambush ng grupo niya sa pangunguna ni Kristel.

Kaya mo yan Blossom! Fight! Fight lang! Sa powerpuff girls nga ako 'yong pinakamalakas, dito pa kaya?

Nagawa ko pang biruin ang sarili ko, kinakabahan kasi ako. Hinanap ko na 'yong room na sinasabi niya pero hindi ko pa rin makita. Saan ba 'yon? Pinagloloko 'ata ako ng babaeng 'yon, eh. Makapagtanong nga muna ako sa janitor na naglilinis, wait..

"Kuya, pwede pong magtanong? Alam niyo po ba kung saan banda 'yong room one-zero-seven?"

Nag-isip mo na ito bago sumagot, "Ah, alam ko na. 'Yong kay Ma'am Kristel Fuentabella ba?"

"Opo," tangong sagot ko.

"Ay, nasa may likod pa nitong school 'yon, iha," sagot nito.

"Ah, sige salamat po."  sosyal naman ng babaeng 'yon at may sariling room dito sa school.

Ngayon ko lang na-realize na napakalaki pala ng school na 'to. Wahhh. Wala bang exit papunta ng likod ng school 'to? Finally! Nakita ko rin! Madami pa lang pasikot-sikot dito. Muntik pa 'ko maligaw do'n, ah.

Nakita ko nga ang room one-zero-seven na iyon. Bakit kaya room one-zero-seven? Seriously? Para kasing malaki ito para maging kwarto. Parang apartment na nga sa laki, eh.

Wooh. Relax.

Inhale.. 

Exhale..

Katok..

Bumukas naman kaagad ang pinto at iniluwa n'on si bully queen. "Look, who's here.." wika niya pa sa mga ito, lahat ito nakangiti na parang hindi gagawa ng mabuti maliban lang doon sa babaeng nagpahiram sa akin ng panyo at t-shirt.

"Maupo ka muna." Nakangiti ito. 'Yong totoo? Bakit lagi siyang nakangiti kapag nakikita ako?

Ngingiti-ngiti naman 'yong dalawa. "Uso umupo." Turo ni Kristel sa sofa na naroon. Alanganin pa kasi akong umupo dahil biglaan akong nakaramdam ng kaba.

"Thank you," halos pabulong na lang na sabi ko.

"Wag kang mag-alala, hindi naman kami nangangagat," sabi n'ong Sheila na nasa tabi ko.

Agad namang humarap sa akin si Kristel at naglagay ng upuan sa harap ko. Doon pala siya uupo. "So.. What do you want?" tanong niya.

'Di ba dapat ako 'yong magtanong n'on? Parang baliktad yata? Ano pa nga ba?

Okay. This is it, Yaka ko ito! AJA! "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I'm here dahil gusto kong tigilan niyo na ako." pataray kong sabi ko sa kanya dahil alam ko namang may kapalit 'tong gagawin ko. I know dahil hindi siya magsasayang ng oras para lang sa akin at hindi niya ako papupuntahin dito para lang sa wala.

Ngumiti lang siya. "Okay, papatawarin kita sa lahat ng ginawa mo at titigilan ka na rin namin sa isang kondisyon." Sabi na, eh.

"Ano 'yon?" Sagot ko naman kaagad at ngumiti ulit ito.

"Be my slave."

Kristel

"Be my slave." Ngisi ko rito.

"Be my slave just for one month at kapalit n'on ay hinding-hindi ka na namin guguluhin pa. Deal?"

"A-ano? Nasisiraan ka na ba?!" I knew it. Siguradong aangal siya.

"So ayaw mo? Okay madali akong kau--"

"Wait.." Putol niya sa sasabihin ko.

Saglit naman itong nag-isip bago yumuko at nagsalita..

"Okay. Papayag na ako. So kailan ako magsisimula?" Seryosong sagot nito. She looks more cute with her reaction.

"Pag-usapan na lang natin bukas."

"Okay, pwede na ba akong umalis?" Seryoso pa rin ito.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Blossom

Ano ba 'tong napasukan ko? Nandito nga pala ako ngayon sa rooftop ng school, wala namang tao kaya malaya akong umiiyak ng walang nakakakita.

Iyakin naman talaga kasi ako. Kung nandito lang siguro si Kuya..

Siya kasi yung laging nag-a-advice kapag may problema ako, mabigat man o hindi.

Ansama naman kasi ng Kristel na iyon, gagawin niya akong slave niya. Ano siya prinsesa? Baka Princess Beast, pwede pa. Masyadong opposite ang mukha at pag-uugali niya. Kung anong ikiniganda ng mukha niya, ibang-iba naman yung ikinapangit ng ugali niya.

Hays.

"Here.." Panyo? May kamay na naman na nag-abot sa akin, walang iba kung hindi 'yong kaibigan ni Kristel na mabait.

"Kunin mo na, tumutulo na 'yong sipon mo, oh." Kinuha ko naman 'yong panyo niya at hindi na nag-alangan.

Nakakahiya naman kung tumutulo na talaga 'yong sipon ko. Natawa naman ito. "Thankyou. Isasauli ko nalang sa'yo bukas."

Tumabi siya sa akin at tumingin din sa mga ulap. "Wag ka nang malungkot, kung ako sa'yo wag kang patatalo sa pananakot ni Kristel.. Ganyan lang siya pero alam kong mabait 'yon at itinatago niya lang.

Mabait? Si Kristel? Saan banda?

Hindi ko naman ito kinontra at hinayaan na lang siyang mag-kwento. " Alam mo ba first crush ko 'yon, tagapagtanggol ko kasi siya sa mga nambu-bully sa akin noong elementary pa kami."

Napatingin ako sa kanya, possible pala talaga 'yong girl crush 'no?

"Hindi naman ako natatakot, eh, pero alam ko naman 'yong pwede niyang gawin? Pwede niya akong ikick-out sa school na 'to anumang oras." Sagot ko sa kanya. Ayoko nang dagdagan pa 'yong problema ko.

"Problema ba 'yon? Eh 'di lumipat ka ng school, mabuti nga 'yon at hindi kana nila mabubully," sagot niya sa akin na nakangiti.

Kung ganoon lang kadali, bakit hindi?

"Kung pwede lang, eh. Hindi kasi madali iyon, basta.." sagot ko sa kanya, kahit papaano ay nakapalagayan ko na siya ng loob dahil mukha naman talaga siyang mabait.

"Ah, ganoon ba? Don't worry, kakausapin ko 'yon ulit." Sana nga makumbinse niya ang bruha.

"Okay lang, atleast titigilan na din naman niya ako simula bukas basta ba gawin ko 'yong gusto niya." Mapait akong ngumiti. Sana lang hindi ako mahirapan.

"Sa pagsunod sa mga gusto niya? I know her, baka kung ano-ano ipagawa n'on basta tumanggi kung hindi mo kaya, okay?"

Tumango nalang ako.

"Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita." 'Aya niya sa akin.

"Nope. Wag na. Diretsyo work na kasi ako." Tanggi ko. Kahit pa mabait siya sa akin, hindi ko pa rin siya kilala para pagkatiwalaan at sumama sa kanya. Kaibigan pa rin siya ng isang bully queen.

"Working student ka pala? Sipag mo naman, sige ingat kana lang," wika niya bago ako umalis.

Kristel

I smell something fishy. Nakita ko nga pala kanina si Gab na inabutan ng panyo ang nerd na 'yon. Ayon, nagtago nalang ako pero narinig ko lahat ng pinag-usapan nila. Bakit ganoon? Naiinis ako sa nakikita ko? Naiinis ako na masama ang tingin niya sa akin, samantalang kay Gab iba ang tingin niya rito at nakakausap niya pa nga ito at nginingitian.

Nababaliw na naman ako! Anyway, bakit ko na pinag-aaksayahang isipin ang nerd na iyon?! Wake up Kristel! This is not you! Urgh. What the heck self.

She's My Slave (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon