Flashback

2.4K 66 5
                                    


*Third Person's PoV:

"Uwaaaah, uwaaaah" iyak ng isang sanggol na isinilang ni reyna Elizabeth. Isang sanggol na  makapangyarihan at magliligtas sa kanila sa kapahamakan.

"Napakaganda ng ating munting prinsesa mahal" tuwang-tuwa na sambit ng haring Bernard habang nakatitig sa kanyang munting prinsesa.

"Ano pa at naging Goddess sya mahal?" masayang sabi ng reyna. Ang sanggol na kanyang isinilang ay isang Goddess at hindi maipagkakaila na napakaganda nito at kamukhang-kamukha siya ng reyna.

"Ano ang kanyang pangalan mahal?" tanong nang hari nang maalala na wala pa silang naipapangalan sa kanilang prinsesa.

"Napag-isipan ko na Andrea Amythest Lorrof ang buong pangalan niya mahal" tuwang sabi ng reyna.

"Magan~" hindi na naituloy ng hari ang kanyang sasabihin nang may dumating na kawal.

"Ipagpaumanhin nyo po mahal na hari at mahal na reyna kung naistorbo ko ang inyong pag sasaya ngunit, nilulusob po tayo ng mga dark rebels." sabi ng kanilang tapat na kawal na hingal na hingal.

"Ano? Mahal nangyari na ang propesiya. Nangyari na ang kinakatatakutan natin" sabi ng reyna habang umiiyak.

"Wala na tayong magagawa pa mahal, dalhin mo na sya sa kung saan nararapat at kung saan sya ligtas" sabi ng hari na hinalikan muna ang kanyang munting prinsesa at umalis na upang makipaglaban.

~*~*~

Samantala, habang nag lalakbay ang reyna sa kagubatan papunta sa lagusan ay biglang umilaw ang kaliwang balikat ng kanyang anak at biglang may lumitaw na paru-paro na nakaukit sa kanyang balikat. Napagisipan ng reyna na marahil iyon ay isang palatandaan kaya pinabayaan niya nalang iyon at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makita na nang reyna ang lagusan ay agad itong pumasok doon.

Nang makarating na ang reyna sa harap ng mansion ng kanyang matalik na kaibigan na si Victorina ay agad syang nag doorbell. Lumabas naman ang kanyang kaibigan.

"Oh mahal na reyna, ano ang nag udyok sa inyo at napunta kayo dito? At sino itong napakagandang sanggol na iyong dala? Siya na ba ang prinsesa? Napakaganda niya" sunod-sunod na tanong ng kanyang kaibigan.

"Sa loob na natin iyan pag usapan Victorina, mapanganib dito sa labas"sabi ng reyna at pumasok na nga sila sa loob ng bahay.

"Oo Victorina, siya ang aking anak siya ang prinsesa at nangyari na ang ating kinatatakutan. Nangyari na ang propesiya"nag-aalalang sabi ng reyna.

" kung ganon, magsisimula na ang aking tungkulin na pangalagaan ang prinsesa"sabi ni Victorina

"Oo Victorina at simula ngayon, sayo ko na sya inaasa ipangako mo sa akin na aalagaan mo sya" sabi ng reyna habang umiiyak.

"Pangako iyan mahal na reyna" sabi ni Victorina

"Kung ganon,kampante na akong iwanan siya dito. Aalis na ako dahil kailangan na nila ako sa palasyo."sabi ng reyna na nag mamadali. Pero bago umalis ang reyna ay binigay nya muna ang kanyang kwintas sa prinsesa.

" Victorina, kapag lumabas na ang naka ukit na paru-paro sa kanyang balikat, dahil hindi lang iyan isang ordinaryong marka lamang. O di kaya'y kapag umilaw na ang kwintas na ito, bago sya tumuntong sa ika labing-walong taong gulang, ay alam mo na kung saan siya dadalhin" paliwanag niya sa kaibigan.

"Oo mahal na reyna alam ko na po iyan"pag sang ayon naman sa kanya.

Hinalikan muna ng reyna ang kanyang anak at umalis na nga ito..

************************************

A/N: 

Votes and Comments are highly appreciated :)

The Goddess Princess of MysticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon