Chapter 4

1.5K 44 3
                                    

~*~

*Victorina's PoV:

Nang makapasok na si Ella sa loob ng bahay, isasara ko na sana ang gate ng biglang may lumitaw na mga kalalakihan sa harap ko.

"Sabi ko nangaba its you" sabi ng isa sa kanila at nilapitan ako.

"Ba-bakit k-kayo nandito?" nauutal na tanong ko. Alam ko na pinadala niya sila dito para hanapin siya. Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi niya pa dapat malaman.

"Alam naming alam mo kung bakit kami nandito. Dutches Victorina" sabi ni Sphinx. Oo kilala ko sila

"Sabihin mo na sa amin kung nasaan sya para hindi na kami mahirapan pa sa pag hahanap sa kanya" magalang na sabi ni Cloud.

"Pasensya na Cloud pero hindi pa ito ang tamang panahon. Mapapahamak lamang siya kapag agad siyang bumalik sa mundong iyon na hindi pa sa tamang panahon" pag papaliwanag ko sa kanila.

"Ngunit paano ang aming misyon Dutches Victorina? Mapapagalitan kami kapag hindi namin iyon nagawa" mahinahong sabi ni Jiro.

"Alam ko na pagagalitan niya kayo kapag hindi nyo nagawa ang misyon nyo. Pero bumalik na kayo sa inyong akademya. Susunod ako. Ako nang bahalang mag paliwanag sakanya"mahinahong tugon ko sa kanila.

"Kung gayon, bukas na bukas din, babalik na kami dutches pero ipangako mo sa amin na ikaw na ang bahalang mag paliwanag sa kanya" sabi ni Sphinx na tinanguan ko lang.

"Umalis na kayo at baka may maka kita pa sa inyo" nag-aalalang sabi ko sa kanila.

"Paalam dutches Victorina"sabi nila at nawala na..

Pag alis nila ay isinara ko na ang gate pero bago ko iyon tuluyang maisara ay may nakita akong itim na anino.

" They found me. The darks already found me. Kailangan ko na siyang ilayo dito" naibulong ko nalang sa sarili ko bago tuluyan nang pumasok sa loob ng mansion.

~*~*~*~*~*~

*Ella's PoV:

Haay ang O.A ni mommy, ngayon ngalang ako mag o-overnight sa bahay nila ni Rose di pa ako pinayagan.

The Goddess Princess of MysticaWhere stories live. Discover now