Chapter 33: Run Run Run!

573 23 0
                                    

[Althea]

Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nagaganap ngayon.Nandito si Terenz para iligtas ako. At hindi lang iyon, dahil nandito rin ang stepbrother niya na si Dylan Ezcadler.

Si Dylan na isang Gangster King.
Isang lalakeng mahilig sa away at laging nasasangkot sa gulo. I can't believed na tutulungan niya ako. Eh wala namang pakialam sa amin iyon.

Nakagapos pa rin ako sa silyang ito at oo hirap na ako sa posisyon ko na nakatali. Pawis-pawisan na ako dahil sa mainit sa loob ng silid na ito. Ang gulo gulo na ng buhok ko dahil sa pagpapalag ko kanina. Medyo malanit pa rin ang mukha ko dahil sa mga sampal na natamo ko. Malanit na rin ang anit ko dahil sa pagsabunot ni Rey sa buhok ko.

Nakatayo pa rin si Rey sa tapat ko at nasa magkabilang side naman niya sina Renz at Dylan na may hawak na baril at nakatutok sa kaniya. Bakas ko sa mukha niya ang takot na harapin ang kaniyang kamatayan.

"Hahahahahaha!"Pagtawa ni Rey na parang nasisiraan na ng bait.

"May nakakatawa!" Galit na tanong ni Renz habang nakatutok ang baril.
Tumawa pa itong lalo kahit wala namang nakakatawa. Mukhang napikon si Dylan at sa inis nito ay sinikmuran ito ng malakas.

"Aahh!" Daing nito habang namimilipit sa sakit. Napaluhod na lang ito sa sahig hawak-hawak ang kaniyang tiyan at namimilipit sa sakit.

"Hawakan niyo ang walanghiyang iyan at saka igapos!" Madiing utos ni Renz sa mga miyembro ng Ezcamafia.
Nagsikilos naman agad ang mga ito.
Kinuha nila si Rey at inilayo sa kinaroroonan namin.

Nandito pa rin sila sa loob ng silid na ito subalit mas malayo na sila.
Iginapos nila si Rey sa isang silya at sinimulan ng pahirapan nina Dylan kasama ng buong Gang at Mafia Clan.

Kahit malayo ay dinig ko ang mga daing niya. Mga daing ng isang taong labis na nasasaktan at naghihintay na lang ng kamatayan. Kinalag ni Renz ang mga lubid na nakatali sa katawan ko. Inuna niyang kalagin ang tali sa paa ko, sinunod naman ang tali sa katawan ko na nakatali sa sandalan ng silya, at pagkatapos ay sinunod naman ang tali sa mga kamay ko.
Matapos niya kong kalagan ay doon na tumulo ang luha ko. Lalo na nang maalala ko ang nangyari kanina.

Nakaupo pa rin ako sa sofa at si Renz naman ay nakaluhod sa sahig kaya magkapantay lang kami ngayon.
Doon na ako umiyak ng tuluyan.

"Sshhh...tahan na Thea. Nandito na ko okey? Wala ka ng dapat ikatakot."sabi niya habang pinapahid njya habang pinapahid ang luha ko na walang tigil sa pag-agos.

Iyak pa rin ako ng iyak sa tuwing bumabalik sa alaala ko iyong nangyari kanina kung paano nila pinahirapan ang isang mahal ko sa buhay. Si Drake na itinuring kong parang nakababatang kapatid.
Naalala ko rin iyong mga nangyari dati. Five years ago, na mas nagpatindi sa emosyon na nararamdaman ko.

"Shh...dont cry I'm here...sshhh...huwag ka nang matakot. Tahan na. Okey?"Pagpapatahan niya sa akin habang nakayakap ako sa kanya at hinahagod niya ang likod at buhok ko.Matapos ang ilang sandali ay nakakalma na rin ako. Tumayo na kami at lumapit sa kinaroroonan nila.
Nakita ko doon ang duguang si Rey. Na hirap na hirap na.

"Nasaan si Drake? Saan niyo siya dinala?"Galit kong tanong.

"Hindi ko sasabihin sa inyo."tugon niya.

"Ah...hindi pala huh."Inis na sabi ni Renz at saka tinandyakan sa tiyan si Rey. Namilipit naman agad ito sa sakit.

"Nasan sabi! Nasaan ang leader niyo na si Henrico?"Galit na tanong ni Renz. Bakas ko sa mukha ni Renz na galit na talaga siya. Naku naman sana lang maging maayos ang lahat.

"Hindi ko sasabihin sa in-ahh!"

"Nasaan sabi? Sabihin mo na kung nasaan ang demonyo niyong pinuno! Nasan si Henrico!"Galit kong tanong.

"Ayaw mong magsalita huh? Itong sayo!"sabi ni Dylan at saka tinadyakan si Rey. Kita kong hirap na hirap na ito pero hindi ako dapat maawa sa kanya.

"Hahahahaha! Alam niyo nagsasayang lang kayo ng pagod at laway. Dahil kahit anong gawin niyo hindi ko sasabihin sa
inyo!"Nakakaloko nitong sabi.

Sinimulan na naman siyang pahirapan at puro daing niya lang ang naririnig ko.

"Ahh!...Array!...ang Sakit!....Tama na! Hindi ko sasabihin sa in-Ahray!.. huuu.. tama na! Aray! Ang sakit na!..Aahh!" Mga daing ni Rey na namimilipit at halos mamatay na sa sakit. Pero para naman itong magandang musika sa aking tenga.

*BANG!BANG!BANG!*

Nagulantang kaming lahat ng makarinig ng mga putok ng baril.
Biglang nagsulputan ang mga miyembro ng ElblackO kasama na rin ang leader nilang walanghiyang si Henrico.

May mga hawak silang baril na nakatutok sa aming lahat.
Nagtutukan na ng baril ang lahat. At ang lahat ay naghihintay na may kumilos. Unang nagpaputok ang mga ElblackO at doon na nagsimulang magkagulo. Nagbabarilan na lahat at sobrang nagkakagulo na.

"Renz umalis na kayo ni Thea. Kami ng bahala dito."Utos ni Dylan.

"Pero?"-Renz

"Wala ng pero pero! Itakas mo na si Thea. Umalis na kayo dito. Kami ng bahala sisiguraduhin ko na magbabayad sila. Kaya sige na umalis na kayo."Utos nito.

At dahil doon ay umalis na kami ni Renz. Nanakbo na kami habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
Sinamantala na namin ang pagkakataon habang nagkakagulo pa. I know dadanak na ang dugo.
Ligtas kaming nakalabas ng silid na iyon. Malayo-layo na rin ang natatakbo namin.

Lakad takbo naming tinatahak ang kahabaan ng hallway. Malayo-layo na rin ang aming naaabot. Habang patagal ng patagal ang takbo namin palalim din ng palalim ang bawat hinga ko. Napapagod ako. Pero natigil kami ng makarinig kami ng putok ng baril.

*Bang!Bang!Bang!*

Patay nasundan kami ni Henrico at ngayon ay hinahabol niya na kami.
Nagpalitan ng putok sina Renz at Henrico. Hindi naman makakilos ng maayos si Renz dahil kasama niya ako at hawak-hawak niya ang kamay ko.

*Bang! Bang!*

Nagpalitan sila ng putok habang patuloy kaming tumatakbo. Nang makahanap kami ng tyempo ay lumiko agad kami at nagtago sa isang sulok. Nakita namin si Henrico na palinga-linga sa paligid at sa wakas ay lumiko na ito sa kabilang direksyon.
Sa wakas nakahinga na rin ako ng maluwag.

Nang masiguro namin na wala na si Henrico ay lumabas na kami. At nagsimula ng manakbo. Isa lang ang nais naming mangyari ang makaalis dito.

Sa pananakbo namin ay nadaanan namin ang mga miyembro ng ElblackO na nakahandusay sa bawat madaanan namin. Alam kong si Dylan ang may kagagawan nito. Imposible naman na si Renz eh hindi naman marunong manakit iyon.

Ewan ko nga lang...

Nagpasikot-sikot kami sa bawat sulok ng gusaling ito.

*Bang!*

"Ahh!"Napasigaw ako ng makarinig ako ng putok ng baril.

Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla ng makita ko si Renz na hawak-hawak na ang kanyang kaliwang braso na nagdurugo na.

Patay natamaan siya. Itinulak na kasi ako bigla kaya siya ang natamaan.

"Renz?"Alala kong tanong.

Napaupo kaming dalawa sa sahig.
Madami ng dugo ang nawawala kay Renz.

"Ahh..."Daing niya habang nakahawak sa braso niyang nagdurugo. Tumulo na ang luha ko.
Lalo na ng makita ko si Henrico...
Na nakatayo sa harap namin at nakatutok sa amin ang baril.
Nakangiti siya sa amin at batid kong tatapusin na niya kami.

Total: 1, 224 Words

Felicitous InheritressWhere stories live. Discover now