Prologue

71 2 0
                                    


Isang mainit na hapon ang bumungad sa akin habang naglalakad ako papunta sa Saint Louis Church kung saan andoon ang pinsan kong si Jewel. Malamang ay nababagot na iyon doon. Inaya niya akong pumunta ng Mall tutal wala naman siyang ginagawa sa bahay nila. Instead of Mall, sinabi kong magsimba na lang kami ng mabawas-bawasan din ang aming mga kasalanan. Nagreklamo pa siya nung una pero pumayag din naman.

Nang nakatanaw ako ng babaeng nakalugay ang straight na buhok ay diniretso ko ang upuan at tumabi kay Jewel. She's wearing a yellow and white stripe na dress na above the knee. Nakabusangot ang mukha nito na siya namang ikinatawa ko. This is what I'm expecting.

"Kung hindi bukal sa loob mong magsimba, better to go home Jewel." Saad ko habang pinoponytail ang buhok ko.

She pouted, "Magaan naman sa kalooban ko, Alona. Naiinis lang ako kasi ang tagal mo." Umismid pa siya.

"Oh is that so? Talaga bang ako ang dahilan--"

"Shut up." Pinagkrus niya ang kanyang braso at tumawa lang ulit ako.

Jewel and I were not only cousins but also sisters and best friends. Sinanay kasi kami ng mga magulang namin na palaging magkasama mula noon kaya hanggang ngayong parehas na kaming 18 years ng nabubuhay ay wala pa ring nagbabago sa pagsasamahan namin. Kahit minsan ay hindi ko masikmura ang kapangitan ng ugali nito, e mahal na mahal ko 'to.

Isang oras din ang ginugol namin sa pakikinig sa sermon ni Father. Kanina pa rin ang panay hikab ng katabi ko. Ano pa bang bago? For me, hindi naman talaga nakakabagot ang sermon ng pari. Minsan pa nga nakakaenjoy pang makinig especially if yung ceremony is about what's happening in real life. 'Yon bang matatamaan ka sa mga sinasabi ng pari.

"Should we now go to Mall? Kating kati na akong magshopping." Nagsitayuan na ang mga tao at lumabas. Naglakad na rin kami ni Jewel.

"Tinatamad ako." Humikab ako at bigla na lamang nagulat ng hinila ako sa isang tabi ng kasama ko. What the?

Nanggagalaiti ang mukha niya which is hindi ko napigilan ang matawa, "Ang sabi mo, magsisimba tayo pero later gagala naman tayo. Paasa ka talaga kahit kailan!"

Nagtatantrums pa ang babaita. Para siyang batang inagawan ng cotton candy.

"Wala akong sinabing gagala tayo sa Mall. I just asked you if We can go to Church instead of Mall and you didn't agree at first. Pero makulit ako kaya napapayag rin kita."

"What?! Ang duya naman! May sinabi ka talaga, e! I hate you Alona! I hate you!" Ginulo gulo pa nito ang buhok nya. Natawa lang ulit ako pero bigla na lang siyang tumakbo. Childish!

"Hoy Jewel bumalik ka nga dito!"

Pero walang bumalik na Jewel. This is what I'm saying, todo talaga ang level ng attitude niya. Wala naman akong magagawa kundi ang intindihin na lang siya. Kasi kung paiiralin ko pa ang pagiging mataray ko, as the same time as mataray din sya e walang mangyayari sa amin. I wonder how our look would be when we're fighting like pulling our hairs. That's wild! I never imagined ourvelves our myself like that.

Habang nag-hihintay ng sidecar pauwi, may tatlong batang mga pulubi yata ang nadaan sa harap ko. At ang ikinainis ko ay bigla na lang silang nag fuck you gamit ang daliri nila sa akin. What's wrong with them?!

"What the fuck!" Hahabulin ko sana sila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. I inhaled at exhaled, relax Alona! That people were non educated so just be calm.

"Kagagaling mo lang sa simabahan, nagmumura ka na? Pumasok ka ulit sa simbahan. Say sorry."

Napalingon ako sa lalaking nagsalita, nakatayo siya sa harap ng babaeng may hawak na mga sampaguita na malamang ay binebenta niya at bumibili naman siya. Simple lang ang pananamit ng lalaki na halatang kagagaling lang din sa simbahan.Medyo maputi siya at matangkad. And of coure, may kakisigan. But wait, why the hell I'm observing him?!

Reaching YouWhere stories live. Discover now