Chapter Two

35 1 0
                                    

Kinabukasan paggising ko, nadatnan kong wala na si Trent sa sofa niya. Maayos na nakasalansan ang mga unan sa sofa. Umuwi na kaya 'yun? Sayang naman at hindi ako nakapag thank you.

Napansin ko ang isang maliit na papel sa study table ko. Note pala ito ni Trent. I read it.

Good morning :) Kailangan kong umuwi ng maaga. Aalis pa kami ni Kuya Joewex. Pinagluto na kita ng breakfast mo. Baba ka na sa kitchen. :)

Si Kuya Joewex ang kanyang kuya. Dalawa lang silang magkapatid. And I must say na mas nice ang kuya niya kesa sa kanya. Realtalk 'yun.

Binasa ko ulit ang message at napangiti ako ng malawak. Leche naman Trent, huwag mo naman akong bigyan ng rason para umasa pa sayo lalo.

Siguro nga hanggang doon lang  talaga siya. Na hanggang kaibigan lang ang maiibigay sa'kin. Sweet siya minsan at minsan naman biglang nagsusungit. Ayokong bigyan ng meaning ang mga ginagawa niya at sinasabi pero... Ugh hindi ko kasi mapigilan!

Siguro nga kasi ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao. At kahit sabihin mong hindi ka aasa, aasa ka pa rin. Kasi hindi mo naman pinipilit ang sarili mong umasa. Minsan...kusa lang talaga. Okay, kagigising ko lang ang dami ko ng kuda.

Inayos ko ang higaan ko at bumaba na sa kitchen. Sa lamesa, may nakahapag na itlog, hotdog at fried rice. Inamoy ko iyon at mas lalo pa akong natakam na kumain. Here we go, foodies! I'm gonna eat you like a monster!

Naghugas na ako ng kamay at lumapang. Habang kumakain, naisip ko na naman si Trent. 'Yong mga pinagsasabi niya kagabi na halos kilabutan ako kahit wala namang meaning, 'yong pagtawa niya na first time ko lang makita, at 'yong mukha niyang ang sarap tignan pag natutulog. Bumangon kasi ako para mag-cr at syempre since bukas naman ang ilaw, natanaw ko ang mukha niya.

Isang anghel na na parang pinalayas ng langit dahil masama pala ang ugali. Charot lang.

Matapos kong kumain kinalikot ko muna ang cellphone ko at nabasa ko ulit 'yong message sa akin ni Nicolas kagabi. Hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako, e. Kung sasabihin kong hindi ako pupunta, baka may masabi pa 'yon sa akin na kesyo hindi ako maka-Diyos or whatever! Aba, hindi niya pa ako kilala kaya 'wag niya lang akong mapagsalitaan ng ganoon!

Bahala na nga. Nagtype na ako ng message at sinend iyon sa kanya. Oo, sinabi kong pupunta ako. First time kong pupunta sa ganong bible study kuno. At tsaka hindi naman ako napipilitan, slight lang. Joke lang ulit, ayos na rin 'yon para malaman or maexperience ko rin naman ang pagpunta sa mga ganong event.

Maya maya'y nakita kong tumatawag si Nicolas sa akin kaya sinagot ko 'yon. Lumunok muna ako.

"Hell-"

"Mamaya, kita na lang sa Plasa by 1pm. Bye."

Binabaan niya ako?! What the?! E, hell pa nga lang 'yung nasasabi ko e. Ano ba namang klaseng mangingimbita sa bible study 'yon?! Ang weird niya naman!

"Bwisit." Bulong ko na lamang sa sarili habang umiinom. 'Pag ako nainis, hindi talaga ako pupunta doon!

Naghintay pa ako ng ilang oras tsaka ako kumilos. Nag white dress na lang akong umalis at ngayon, papunta na ako sa Plasa.

Nakita ko si Nicolas na panay ang tingin sa orasan. Hindi pa naman ako late, a. Tinawag ko siya at lumingon naman siya na magkasalubong ang kilay.

"Ang tagal mo..." Napatingin ako sa relos ko at 1:03 pa lang.

Reaching YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora