Chapter One

33 2 0
                                    

"Why are you so silent? Naninibago ako sayo ngayon. Look at your food, hindi mo pa nagagalaw."

Kanina pa kami ni Trent naglilibot sa Mall at bigla niya akong inayang kumain. At hanggang ngayon, lutang pa rin ang isip ko. Everytime na magkasama kami, ewan ba pero nawawala ako sa sarili ko!

Ganyan ba talaga ang epekto mo sa'kin Trent?

"Siguro hindi pa rin nagsi-sink sa utak ko na kasama kita ngayon. Sorry." Nag-peace na lamang ako. Sumubo na ako ng spaghetti.

As usual, sa Jollibee ulit kami. Sarap na sarap talaga ako dito, and that's the thing na hindi daw gusto sa akin ni Trent. Tuwing kakain na lang daw kasi kami puro na lang dito.

Naloka naman ako, kailan niya pa ba ako nagustuhan?

Trent Jules Felomino. Nakilala ko siya dahil kay Jewel. Magkaklase sila nun and then nung pumunta ako sa kanila, nakita ko si Trent kasama ang iba pa nilang kaklase. Busy na busy si Trent nun na magdrawing sa bondpapers.

And with that, alam ko na sa sarili kong gusto ko siya. Wala naman kasing makapag-sasabi non kundi ako lang, e. At si Jewel ang una kong pinagsabihan nun. Suplado daw ang lalaking 'yon at tahimik lang.

Hindi ko naman alam sa sarili ko kung anong nakapag-agaw ng pansin ko sa kanya. Maybe he's seriously draws something nung time na 'yon? At isa pa, kahit may bangs siya na natakpan na ang isang mata niya e, ang sarap niya pa ring titigan. Ang peaceful ng mukha. Para siyang anghel.

Nakahalata yata siya sa pagiging lutang ko, "Seriously, Alona? What's wrong? Ang Alona na kilala ko, madaldal kapag kasama ko. Mind to share your prob?"

Nakakainis ka Trent. Nakakainis ka. Bakit ba hindi pa rin ako matigil sayo? Ano bang meron sayo at ganun na lang ka-labis ang nararamdaman ko?

Bumuntong hininga ako, "Wala. Don't mind me." I tried to smile. Pero nagseryoso lang muli siya ng mukha. Hinawakan niya ang baba ko at tinaas para magkapantay ang mga mata namin. Para na naman akong nalulunod at walang makapitan.

"Umaasa ka pa rin ba sa'kin Alona?"

Umiwas ako ng tingin. Oh, God! Here we go again. Ito na naman yung eksenang pinaka-ayoko sa lahat! Ugh, ang sakit sa bangs!

"To be honest, y-yes umaasa pa rin ako sayo. Umaasa pa rin na baka--"

"Baka magustuhan kita?" Binutawan niya ang tindor at bumuntong hininga, "Alona napag-usapan na natin 'to. My feelings for you will never change. Akala ko nga, kapag nagpakalayo-layo muna ako sayo, baka ma-realize mong hindi mo talaga ako gusto."

"W-What? So pumunta ka ng Palawan para lang don?" I can't believe him.

Anong tingin niya sa'kin? Nagbibiro lang sa nararamdaman ko sa kanya?

"Parang ganoon na nga. Na baka nabubulag ka lang sa akin. Na baka akala mo lang mahal mo talaga ako." Sumandal siya sa upuan. Napahawak ako sa bandang puso ko.

"Bulag? Ganun ba ha, Trent? Dalawang taon na kong patay na patay sayo and all of this time bulag lang pala ako? Oo nga bulag nga ako! Bulag ako sa katotohanang wala kang gusto sa akin! Na hindi ka magkakaroon ng kahit konting pagtingin lang! Bulag ako kasi dapat tumigil na ako sayo pero hindi ko pa magawa!"

Ilang beses na niya akong kinausap na wala talaga. Walang mangyayari sa ginagawa ko. Pero bakit hindi ko pa rin magawang tumigil?

Ang sabi ng isip ko, tumigil na ako. But my heart says no. Ipagpatuloy ko lang.

Reaching YouWhere stories live. Discover now