Chapter 19: The Letter
Andrea's POV
I can't believe that he kissed me! Nakakarami na siya! Una, dun sa rooftop. Tapos ngayon eto! Pero yung mga halik niya sa akin.. could it mean that he also like me? Erase-erase! Bakit naman siya magkakagusto sa akin? He was forced into this marriage and so am I pero ako napo-fall na sa kanya. Ano bang meron siya? Infact hindi dapat ako makadama ng ganito sa kanya because he's so annoying. He's always making fun of me. My misery--his happiness. Niloloko niya lang ako so I guess I should forget this stupid feeling of mine for him.
Nilingon ko siya, nakatalikod siya sa akin at may hotdog na unan sa pagitan namin. Nilagay ko yun kanina. 'No crossing the lines!' I sighed. Matutulog na lang ako.
Paggising ko, wala si Hanz sa kama. Bumangon na ako. Where is he? Then I smelled something delicious. Nagluluto kaya siya? No way! Ang alam ko kasi si Kuya Tristan lang ang magaling magluto sa pamilya nila. I ran outside and to the kitchen and there he was. Nagbe-bake nga. Amoy matamis yung niluluto niya. BRRRR... biglang umangal yung sikmura ko sa naamoy ko. Then he faced me.
O___o!
I frowned tapos sinundan ko yun ng malakas na tawa.
"You're so cute! ;3" sigaw ko. why he's wearing a pink apron at light yellow na baking gloves at may puti pang bandana sa ulo. Kahit naka-pink siya, it didn't made him less manly. And I'm falling inlove every minute.
"Wag mo akong pagtawanan." he said. His face grim. Then nilabas niya sa oven yung niluto niya.
BROWNIES!
ANG BANGO!
Nilapag niya sa table yung pyrex tas nag-slice siya. Kumuha agad ako ng isa but I jerked my hand off the tray.
TT^TT!
Napaso ako.
It's freaking hot!
"Ouch! Ouch!" sigaw ko tapos hindi ko alam yung gagawin ko sa kamay ko. Hinipan ko ng hinipan tapos winasiwas ko pa yung daliri ko.
"You're such an idiot!" sigaw niya sa akin. Kahit kailan talaga Hanz, ang sama mo. Ako na nga ang nasaktan ako pa ang napagalitan. Pero... come to think of it. Katangahan ko naman kasi talaga yung may kagagawan.
"Oo na. Sorry."
He smirked then he grabbed my hand at kinaladkad ako papunta sa kitchen sink.
Namumula yung paso ko. Mahapdi pa rin hanggang ngayon.
Hinugasan ni Hanz yung kamay ko tapos kinuha niya yung toothpaste. Toothpaste? Baka pagtu-toothbrushin niya ako kasi...kasi HINDI PA PALA AKO NAGMUMUMOG. Naamoy niya kaya yun? Oh my God. That's embarassing and will be a major turn off.
"Anong...gagawin mo?" tanong ko nang simulan niyang pahiran ng toothpaste ang kamay ko.
"Pag napapaso ako, nilalagyan ni Tristan ng toothpaste ang kamay ko. It will help soothe the pain."
Totoo nga, medyo nawawala na kasi malamig.
"Uhm.. Thanks." I smiled at him pero tumingin siya sa malayo.
"Sa susunod, iwasan mo namang maging tanga."
TT^TT!
Nag-thank you na nga!
"Ewan ko sayo.." bulong ko.
"What?" he asked.
"Sabi ko, kakain ako. Penge."
Kumakain na kami ng brownies sa sala nung nagpasya akong buksan ang TV. Since ayaw namang makipag-usap ni Hanz. Parang ang awkward nga eh.
*Click*
Nag-surf ako ng channel. At nauwi ang pagsu-surf ko sa Unang Hirit. Paulit-ulit lang naman ang balita. Pero oks na yan. Kesa manuod ako ng Dora o kaya Handy Manny. Ewwww.
Nag-land yung mata ko sa orasan sa screen ng TV. 8:06! Nabulunan ako sa kinakain kong brownies and I coughed to death. Inabutan ako ni Hanz ng tubig.
"Bakit ba?" tanong niya.
"Anong date ngayon?"
"December 4." he casually said.
"Anong araw?"
"Wednesday."
"Eh may pasok tayo ngayon! SHIT!" tapos tumakbo ako papasok sa kuwarto tapos hinalungkat yung bag na kinalalagyan ng mga damit ko. Hindi na ako nakapag-unpack kagabi kasi napagod ako ng sobra.
Ang plano ko, magwi-wisik-wisik na lang ng tubig sa buhok ko tapos magbibihis na ako at papasok na. May chapter test pa naman kami ngayon.
Good Heavens! Bakit di ko naalala.
Papunta ako ng CR nang madaanan ko si Hanz sa sala. Nalahilata pa rin at feel na feel ang sofa. Parang walang pasok ah.
"Hindi ka papasok?" tanong ko sa kanya habang nagsusuot ng medyas.
"Half-day tayo ngayon."
O__O
Natigil ako sa pagmemedyas.
"Half-day? Eh wala namang sinabi yung mga teachers natin ah!"
"Basta half-day tayo."
"Eh? Hindi dahil mayaman ka, babalewalain mo na ang school laws! Dapat pumasok tayo. Lalo na at may chapter test tayo sa Math! Baka di tayo pakuhain ng special test."
"Hindi nga tayo papasok ngayon eh. Makulit ka?"
"Ikaw ang makulit! Paulet-ulet? May pasok nga kasi ngayon! Bigyan mo nga ako ng isang magandang reason para hindi tayo pumasok ngayon." utos ko. Yeah. Nag-uutos na ako ngayon. Hehe ^__^
"Kasi transferred na tayo sa St. Ignatius" he declared.
O___O!
"What?!"
Che Che's POV
"Bakit kaya hindi sila pumasok ngayon? 10 minutes na lang Math na natin. Baka bumaba ang grades nilang dalawa." sabi ko kina Jared at Jennilyn. Nakapaikot kaming tatlo at kumakain ng lunch.
"Baka naman kinasal na sila?" hula ni Jen.
"Gaga! May party kahapon tapos kasal bukas? Overfatigue yun." kontra ko sa sinabi ni Jen.
"Baka naman may ginawa silang something at parehong pagod."
"Hmmm.. pwede." Jared agreed. Napangiti ako
"Oo nga. Ganun siguro yun." Knowing Andrea, siguradong hindi yun makakatanggi kay fafa Hanz, Ay! Nakakakilig!
"Letter daw for Jared." sabi ni Niki.
O__o
"Kanino galing?" tanong ni Jared.
"Kay Mrs. Monica Monteverde." sabi ni Niki. Huh? Mommy yun ni Drew ah. Si Tita Mon. May kialaman kaya yung letter sa biglang pagkawala ng dalawa?
Binuklat ni Jared yung letter.
"Basahin mo nang malaks. Wag kang mag-solo." sabi ni Jen kay Jared.
"Jared and Andrea's friends, may pabor sana akong hihingin at kung pwede atin-atin na lang to..." basa ni Jared
Nagkatinginan kaming tatlo.

YOU ARE READING
My Wayward Husband (ongoing)
Teen FictionThe story of a girl who was arranged to be married to a man she doesn't even like. She doesn't like him because she LOVES him. XD!