Chapter 1

17.7K 330 32
                                    

Noong unang panahon,may isang baklang nag-ihi sa kanyang kama.Te...teka !Ano ba yan?Ako ba yan?Atsaka parang ang tanda tanda ko na ha para gamitin ang UNANG PANAHON !Teka,ulitin ko ha.Ano ba yan,simula pa lang ng story ko,palpak na agad,sorry.Teka mga readers,just give me a time para ulitin ito.Sensya na,bakla lang nagkakamali din.Ehem,ehem.Lunok laway.Ehem,ehem.Lunok plema.Hinga ng malalim.Baho ah !Amoy Baygon ang hininga ko,ano ba yan nakalimutan ko atang magtoothbrush.Nakakahiya naman masyado.Okay na nga,tama na ang dakdak,game na !

Nagsimula ang aking storya sa isang park.Tandang tanda ko pa,kasama ko noon ang bestfriend kong si Kenneth.(A/N:Bestfriend daw?Weh?D nga?)Haay !Okay fine.Crush ko siya.Haha !Talandi much talaga akech.

Sabay kaming nag-iislide.Sabay din kaming kumakain ng banana-que.Basta,ang saya saya namin dati.Akala ko nga dati,kami na para sa isa't-isa,pero yun pala hindi.Kasi lumipat na sila ng Manila.Doon na daw kasi siya mag-aaral.Nakakabwiset kasi yung mama niya,doon na daw magtatrabaho kaya napilitan din siyang sumama.Nakakainis si maderrr !Ang sarap plantsahin ang mukha.Grrrr !

At ngayong matanda na ako,naaalala ko pa din yung mga happy memories namin ni Kenneth.Nung namamato kami ng bintana ng kapitbahay,nung sinisilipan ko siya habang umiihi..haha kilig much,nung nagkiss kami....teka ilusyon ko na pala yung nagkiss kami.Haha !Gawa gawaan kumbaga.

Hanggang ngayong Fourth Year na ako,siya pa din ang laman ng isip at puso ko.Ayy cheezy ko ha !Kahit na sino pa ang makilala ko,siya pa din talaga eh.Wala nang iba pa !

"Patricio !Patricio !Gising na !!!!!Maglinis ka na ng bahay."Ano ba yan.Ang bwiset naman ni mudra.Hindi niya ba alam na inaalala ko pa yung mga happy memories namin dati ni Kenneth?

"Bakit po ba?Problema niyo?"tanong ko sa kanya.Nakakabadtrip naman si mudra eh !Yan tuloy,wala na.Hindi ko na ulit magbabalikan ang panaginip ko.

"Maglinis ka na !Yung brief mo,nakakalat pa dun sa may hagdanan."sigaw ni mader

"Nakakainis naman kayo eh.Magkikiss na sana kami ni Kenneth sa panaginip ko,bigla niyo naman akong ginising."pagmamaktol ko sa kanya

"Tama na ang kalandian Patricio !Tumayo ka na dyan at madami ka pang lilinisin."utos ni mader

"Pwede ba nay,huwag niyo nga akong tawaging Patricio.So baduy like yuckkk !Patricia na lang po.Nahiya pa kayo eh."sabi ko kay inay at sabay hawi ng buhok ko.Haba ng hair !Nagrejoice ka ba girl?

"Osige Pa...pa...Patricia,maglinis ka na."nabubulunang sabi ni inay.Ito talagang si inay ang sarap din minsang sakalin eh.Yun na nga lang ang sasabihin,madidiri pa.

"What if hindi ko kayo sundin?Anong gagawin niyo?"tanong ko kay inay sabay taas ng kilay.Akala ni inay ha,na susunod ako sa kanya.

"Kung hindi ka susunod sa mga inuutos ko,hindi kita isasama sa Manila."Whaaat ?Manila?Omay G !Sama ako nay.

"What?Totoo po ba talaga yan inay?Hindi po kayo nagjojoke o nangbibwiset man lang?"masaya kong tanong kay inay

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon