Chapter 1: Me, Myself and Him

471 9 0
                                    

~*~

NILIBUT ko ng isa pang beses yung mga mata ko para maghanap ng pwedeng labasan nung parang lumakas ang kutob kong nakita ko na to, di ko alam kung sa panaginip lang ba or actual ko nang napuntahan na building. Basta may nararamdaman akong nakita ko na tong lugar nung bigla nalang ako nakaramdam ng hilo at tuluyang napahiga ulit hanggang lumabo na lahat at pumikit na ng tuluyan ang aking mga mata.

MAYA MAYA. Napansin ko nalang na nasa isang abandonadong building parin ako ngunit dito ay nakatayo na ako at malinis, malayo sa sitwasyon ko kanina.

I roam my eyes, same settings parin, maliban nalang sa nakita ko na ang sarili ko, di kalayuan sa kinatatayuan na umiiyak habang nakahiga dahil sa sobrang panghihina. Sobrang dalamhati yung naramdaman ko nung makita ko yung sarili kong iyak ng iyak ngunit wala akong marinig na hagolgol galing sa kanya, kahit napansin kong gumagalaw yung labi niya ay wala parin akong marinig na kahit ano pero pinagpatuloy ko parin ang panonood sa sarili kong nakagapos, parehas din sa kaninang estado ko.

Nakagapos, madumi, may pasa dito, duguan doon. Di ko maintindihan kung anong nangyayari, nagising nalang akong ganoon ang nangyari and with just snap with a finger I just saw myself bruised, captivated with chains and dirty as hell.

Nakaramdam naman ako ng isang likidong tumulo sa pisngi ko. Agad ko itong pinunas gamit ang kamay at napagtantong umiiyak pala ako. Kumunot ang nuo ko dahil don. Hindi naman ako umiiyak pero nakakaramdam ako ng lungkot at bigat sa dibdib.

Then realized that we have the same emotions. Yung isang ako at ako ngayon dito ay iisa parin ang isip at puso namin. Kaya nararamdaman ko ang nararamdaman niya ngayon at all I can feel is negativity.

Hindi ko alam kung bakit di ako makagalaw saking kinatatayuan. I tried moving my feet but it seems like nakaglue ang aking mga paa saking kinatatayuan. Kaya di ko manlang matulongan ang sarili kong makawala sa sitwasyon niya.

Until I saw myself talking to this man, who is standing right infront of me then suddenly lowered himself down para magkapantay kami dahil nakaluhod na ngayon ang isang ako. Ramdam kong umiiyak siya, may puot sa kanyang puso kasabay ng aking paghagolgol nung bigla itong tumayo ulit at may binunot sa likod niya at mabilis na tinutok sakin.

Baril.

At habang nanood sa mabilis na pangyayari, nakaramdam ako ng sindak. Kaya sinubukan kong sumigaw, nagbabakasakaling maagaw ko ang kanilang atensyon ngunit patuloy lang ang lalake at isa kong sarili sa pag uusap na para bang di nila ako naririnig o
napansin manlang.

STUCK IN PAIN (UNEDITED)Where stories live. Discover now