Falling for you

257 9 2
                                    

Lian's POV

"Let's go Lian." Aya sakin ni John kasabay ng paghila niya sa kamay ko habang kami'y tumatakbo. Nagpatangay na lang ako sakanya kasi wala rin namang nangyayari kung magrereklamo pa ako.

"Are you happy?" Tanong niya ulit habang hawak pa rin ang kamay ko but this time ay tumigil na kami sa pagtakbo.

"Ofcourse, y-yes." Gosh Lian bakit ka ba nauutal sakanya? Argh.

"Buti naman." Si John, pagkatapos ay nginitian niya lang ako then suddenly Brielle, Rose and Niece came out of nowhere.

"Hi ate." Bati sakin ni Rose, nginitian ko namaj siya tsaka ko kinurot ang pisngi niya ang cute nga niya dahil naniningkit ang mga mata niya pag ngumingiti siya.

"ehem ehem nakaka istorbo ba kami?" Singit na tanong naman ni Niece na kasalukuyang nagpapabalik balik ang tingin saakin at sa oh wait sa kamay namin ni John. Napabitaw naman ako agad sa kamay ni John at ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Yieee Lian ikaw ah may HD ka pala kay John." Napairap naman ako ng pabiro sakanya.

Well, oo aminin ko nafafall na ako sakanya hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang isang araw pag gising ko ganito na yung nararamdaman ko para sakanya.

Hindi dahil sa looks niya hindi din dahil sa fashion niya kundi dahil sa scent niya, okey okey i know na medyo weird pero yun argh never mind.

"Ate? Tulaley ka na." Tsaka lang ako nabalik sa wisyo ng kurutin ni Rose ang pisngi ko. Napa 'huh' na lang ako tsaka naman sila tumawa.

"Una na kami ate ah kita na lang tayo sa bahay." Humalik muna ako sa pisngi nilang tatlo tsaka na sila tuluyang umalis.

"Hmm buti naman natapos na kayo." Sarkastikong sabi ni John tsaka ko lang naalala na kasama ko nga pala siya.

"A-ay sorry, s-sorry." Argh Lian why so argh. Wag kang mautal sa isang John Kevin Alcantara. Siya lang yan at lalaki lang yan wag magpadala ng emosyon.

"It's okey so san naman tayo?"

"Sakay tayo ng rides." Aya ko, nauna na akong maglakad sakanya dahil feeling ko magiging awkward talaga ang atmosphere pag nagsabay pa kaming maglakad.

"Anchors Away?" Nakangisi niyang turan, napalunok na lang ako tsaka napatango. Ayoko namang masira ang moment ng kaligayahan niya kaya sinakyan ko na din ang trio niya.

Di naman masyadong mahaba ang pila kaya mabilis kaming naka sakay, pinili niyang umupo sa pinaka dulo kaya sumunod na lang din ako, tutal katabi ko naman siya eh. Wait what? Katabi ko siya and feeling ko safe ako with him that's it.

Actually hindi ako fan ng mga ganitong rides pero nang dahil sakanya ay napilitan akong sumakay ayokong magpaka Kj ngayon dahil ayoko, ayoko talaga.

Nang magsimula ng dumuyan itong sinasakyan namin ay nag panic agad ako kahit na napakabagal pa lang naman ng pagandar nito.

"Ayos ka lang Lian?" Tumango na lang ako dahil ayokong maging pabebe. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko kaya napahawak na lang din ako sa kamay niya. Habang pataas ng pataas ang pagduyan nitong rides ay pahigpit din ng paghigpit ang kapit ko sa kamay niya.

Narinig ko naman ang pagngisi niya kaya medyo nainis ako pero deep inside ay halos mamatay matay na ako sa sobrang lula ko sa rides na to.

Nang matapos ang rides isinunod naman namin ang Flying Fiesta, jungle log, xtreme tower na halos iyakan ko na, roller skaters, at ang isa pang iniyakan ko ang space shuttle, nakaubos din ng 500 tong lalaking kasama ko dahil sa gusto niyang makuha yung malaking unicorn na gusto ko.

Bandang huli ako ako rin ang nakakuha nung gusto kong premyo, well tinry ko lang naman na mag shoot ng tatlong bola dun sa napakataas na ring then yun naka shoot naman kahit na kinapos ako sa height ay nakuha ko din yung gusto ko. Tinatawanan nga ako ni John dahil para daw akong bata sa mga ikinikilos ko medyo nahiya naman tuloy ako at ramdam ko ang pagkapula ng pisngi ko.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong niya sakin, tumango na lang ako bilang sagot.

"Ferris wheel tayo?" Umiling siya.

"Last na please." Halos malaglag na ang nguso ko sa sahig sa sobra kong pag pout. Ngumisi naman siya tsaka tumango.

"Sige na nga littkr girl tara na." Sabi niya at ginulo gulo niya pa ang buhok ko bago niya ako hilahin papuntang pila ng ferris wheel.

Habang nakapila kami ramdam ko ang excitement kahit na takot ako sa matataas. Gaya nga ng sabi ko ayokong magpaka Kj.

Habang nasa pila kami ay hindi ko maiwasang hindi tumingin kay John. Yung mga mata niya at mga labi, yung kilay at perpektong pagka buo ng kaniyang ilong, kanyang broad shoulder, at kita ko din mula sa aking isip ang kaniyang mga tinapay sa tiyan at ang kanyang 9 in-- argh. Erase bad girl! Napailing na lang ako sa mga naiisip kong bagay bagay.

Nang makasakay na kami ay unti unti na kaming itinataas ay manghang mangha ako sa mga nakikita ko kahit na mag se seventeen na ako ay ganon na lang ang pagkamangha ko.

"Lian." Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko nanaman naalala na may kasama nga pala ako tsaka ko lang siya napansin ng tawagin niya ako.

"H-huh?"

"I said I think im falling inlove with you." Napa nganga ako sa sinabj niya at di agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Omg Lian narinig mo ba yun? Narinig mo yun pero kalma wag mong ipahalatang mutual kayo ng nararamdaman, w-wait? Mutual hindi hindi crush ko lang argh oo na gosh.

"What?" Tanong ko na parang di ko narinig ang sinabi niya.

"I said I think im falling inlove with you Lian, sasaluhin mo ba ako?" Lalo aking napanganga at lalong nagwala ang puso ko ang mga paro paro sa tiyan ko ay naging mga dragon na. Kalma Lian kalma girl.

"John---" natigil ang sasabihin ko ng biglang tumigil ang ferris wheel at kasabay nun ang pagbukas ng pinto sa gilid niya.

"Let's go. " nauna siyang bumaba para alalayan ako. Naglakad na kami palayo ng ferris wheel papunta naman kami ngayong sa food hall ng enchanted, umupo kami sa vacant seat at swear napaka awkward ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kung hindi pa ako nagsalita ay mananatili ang awkward silence dito.

"Uhm bibili lang ako ng p-pagkain ha a-anong gusto mo?" Tanong ko pero nagkibit balikat kang siya.

"W-wait lang h-ha." Dagdag ko pa.

"Lian, wait Lian look uhm about sa sinabi ko kanina..." huminga siya ng napakalalim bago niya itinuloy ang oagsasalita niya, "just forget abo---"

"Yes." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Huh?"

"Yes, John sasaluhin kita-- because i think nafall na din ako sayo." Napayuko na lang ako sa kahihiyan feeling ko kasi ay nakakatunaw ang nga titig niya sakin ngayon.

I know na nakatitig siya dalawang minuto na din kaming nasa ganitong posisyon noh.

Napapikit na lang ako at pinakiramdaman ang mga susunod na mangyayari then suddenly bigla nanaman lumabas sina Rose out of nowhere but this time ay kasama na niya ang barkada.

The Art Of Letting Him Go [COMPLETED]Where stories live. Discover now