Decision Making

46 5 2
                                    

"Baby girl nakapag desisyon ka na ba?"

"Aish mom kala ko biro mo lang yun eh." Napa pout pa ako kasi seryoso yung mukha ni mom pero namiss ko talaga siya pano ba naman simula nung gumraduate kami ng college ay humiwalay na ako at minsan na lang dumalaw sa bahay tsaka duh lagi kaya silang nasa US.

"Sige anak take your time para pagisipan yan okey." Tumango lang ako. "Oh siya mauna na ako at may meeting pa ako." At tuluyan ng umalis si mom.

Nandito pa din ako sa office ni mom umuwi kasi ako kahapon sa bahay kaya  sumama na din ako dito para kunin yung allowance ko at para ibigay kay mom yung gift ko sakanya.

Since wala naman na si mom tumayo na din ako at lumabas ng office para umuwi gusto ko ng matulog ulit at makita yung anim na nilalang doon sa unit ko.

After one hour ay nakarating na din ako sa tapat ng unit ko malapit lang naman to sa company namin kaso nga lang traffic kanina.

"Babaita!" Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa pagdagan sakin ni Brielle.

"Buti naman binalak mo pang umuwi." Si Jade.

"Oo naman duh akin kaya tong unit na to." Ngumisi si Rose.

"Kala ko ibibigay mo na samin tong unit mo eh."

"May unit naman kayo ewan ko ba sainyo bakit nagtipon tipon pa tayo dito sa unit ko." At ayun nagtawanan nanaman sila.

"Teka nasan nga pala si Niece at Aira?" Dagdag ko pa.

"Ayun tulog pano ba naman ala una na umuwi galing party." Umiiling na sagot ni Brielle.

"Uhm si Meeb?"

"Ayun umalis kasama si John." Nag aalangang sagot naman ni Jade tumango na lang ako at naglakad na papuntang kwarto. Sumunod din yung tatlong nilalang sakin at nahiga na din sa kama.

"Ano sabi niya?" Tanong ni Brielle out of the blue.

"Sino?" Tanong ko pabalik.

"Sus kunyare ka pa edi si John." Si Rose.

"Nakita namin kayo noh di kami bulag tumigil kayo saglit tapos parang nagusap yung dalawang lalaki habang tahimik ka." Si Jade.

"May feelings pa kasi," biglang singit ni Niece na kagigising lang. "Good morning!" Dagdag niya pa.

"Ewan ko gaya nga ng sabi niyo yung dalawang lalaki yung nagusap so it means na sila lang yung nagkaintindihan wala na ako doon."

"Naku Lian alam na naming yang paganyan ganyan mo." Sabi naman ni Aira na kagigising lang din.

"K fine."

"Tara mall na lang tayo." Dagdag ko pa. Hindi pa man sila sumasang ayon pero tumayo na ako at pumunta ng cr para maligo na.

----

"Blue magic tayo!" Aya ni Aira. Sumang ayon naman kami kaya sabay sabay kaming naglakad papuntang blue magic.

"Ito gusto ko to libre mo ko Lian. "Napailing na lang ako pagkatapos ay tumango parang baliw nuh.

"Yehey!!" Parang bata niyang kinuha yung malaking baboy at  inilagay yun sa harapan niya para yakapin tsk parang bata talaga.

"Ako din!" Hirit naman ni Niece, tumango na lang ako bahala sila. Sa huli lahat sila nagpabili para tuloy akong nanay ng limang makukulit na bata.

Pagkatapos sa blue magic ay pumunta kami ng subway para kumain nung una ayaw nila pero nagke crave kasi ako sa foods ng subway ngayon kaya dun ko naisipang kumain at ayun nakabusangot yung lima.

"Babe dito na lang tayo."

"Sa iba na lang alam mo namang hindi ko gusto ang pagkain nila dito eh."

"Pero babe!"

"Sige."

"Omyghad!" Napatigil tuloy yung pakikinig ko dun sa mag dyowa dahil kay Niece.

"Bakit?"

"Si John."

"Huh?"

"Nasa likuran mo!" Napatingin naman ako sa likuran ko pero iniwas ko din agad ang tingin ko sakanya. Si John at err Kyla yung dalawang malandi dito sa likod ko aish.

"Tara girls sa iba na lang tayo allergic nga pala ako sa tinapay." Napatingin ako dun sa lalaki bago ako lumabas at naglakad palayo.

"Teka hindi naman diba? Sa seaf--" Hindi na natapos ang pagsasalita ni Jade sinamaan ko na agad siya ng tingin.

"Lian wait naman!" Dagdag pa niya.

"Gutom na ako!" Si Rose.

"Umorder na tayo diba!" Singit naman ni Aira.

"Lian san na tayo?" Tanong naman ni Niece.

"Easy girls okey intindihin naman natin si Lian pwede!" Napatigil naman sila sa pagsasalita ng sumigaw so Brielle panigurado agaw atensyon sila ngayon pero di ko na sila pinansin at nag dire diretso na lang ako sa paglalakad.

Siguro nga kailangan ko ng sundin ang gusto ni mom dahil hindi ko siya makakalimutan kung lagi ko siyang nakikita kung lagi ko silang nakikita.

"Tara uwi na tayo!" Bigla namang sumulpot si Brielle sa gilid ko.

"Gutom na sila eh," bumuntong hininga ako "sorry ah." Yumuko ako.

"magpa deliver na lang tayo kaya wag ka ng magalala kaya pa naman nilang tiisin yang gutom nila hahaha." Napakunot na lang yung noo ko kung bakit tumawa si brielle?

Nang makauwi kami umorder na nga sila ng pagkaingaling ata yun sa pizza hut at KFC.

"Lian kain na." Tumango na lang ako tsaka ako sumunod sakanila.

"Whoo nako ka Aira sabi sayo sagutin mo na eh!"

"Hindi nga kasi siya nanliligaw!"

"Yieee nako ikaw din naman Brielle tanggapin mo na yung sorry ni fafa Gab."

"No way manigas siya!"

"Ikaw nga dyan Rose bakit di mo pa sinasagot si Joshua?"

"Nagpapa bebe pa ang baby natin ano ba kayo!" Panay ang asaran nila habang ako dito tahimik lang na kumakain. Naisip ko din na sundin na lang si mom at isama si Meeb sa US nandon din naman parents ni Meeb eh.

"Kayo na bahala dito ah..." pambasag ko sa asaran nila.

"Huh what do you mean?" Ngumiti ako ng mapait.

"Aalis na ako at plano kong isama si Meeb. "

"Uy kami din." Singit ni Niece kaya binatukan siya ni Meeb na kadarating lang.

"Ako nga lang daw diba."

"Don't worry uuwi uwi din naman kami eh." Dagdag ko pa, pagkatapos ay nagsilapit sila sakin tsaka nila ako niyakap.

"Babalik ka naman diba?" Tumango ako sa tanong ni Rose.

"Kelan kayo aalis?" Si Jade.

"Tomorrow."

"What?"

"Agad!"

"Ang bilis naman." Kung ano ano pang side comments nila pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, kung kaya ko bang iwan ang mga nilalang na to aish.

The Art Of Letting Him Go [COMPLETED]Where stories live. Discover now