Masamang Ugali

41 2 2
                                    

Masamang Ugali

"Ano ba yan!" sigaw ko sa patuloy na paghila sa akin ni Jenny.

Pagdating namin duon, yung kwentuhan nila natigil na parang may dumating na anghel. Nakatingin si Don Ismael at yung nag-ngangalang Mico.

Tiningnan ako nung mico mula ulo hanggang paa at magpapatalo ba ako? Ganun din ang ginawa ko. "Who is she?" tanong niya.

"Ahh kuya si ate miaca, she's beautiful right?" Nahiya naman ako at ipinagmalaki pa ni Jenny.

Pero nakakainis  dahil tumawa at umiling lang yung Mico!

"Sino ba siya?" may panghahamak sa tono niya.

"Ahhh--" nag-isip pa si Don.

"Anak po ako ng katiwala dito" diretsong sagot ko.

Tumawa na naman siya. "Ah utusan" sambit niya.

"Wtf!" sabi ko. Nanlaki yung mata ni yabang.

"Anong sabi mo?" naiinis na ata siya. "Minumura mo ako?" dagdag pa niya.

"Ano ba'ng salita yun?" tanong ni Don Isamael. Natatawa naman si Jenny.

"Hindi po. Ang ibig sabihin po nun ay way to farewell dahil aalis na po ako" Nag-bow pa ako na parang prinsesa. Magalang pa rin kahit gusto ko na siyang suntukin.

"That acronym is often used as a foul word. Don't you ever mention that in front of me" kalmado yung pagkakasabi pero may inis.

"Pasensiya na po naniniwala po kasi ako na lahat tayo may sari-sariling interpretasyon, kahuluhan at eksplanasyon sa mga bagay-bagay at isama niyo na po yung mga salita at letra. Madalas malalaman niyo lang po ang ibig sabihin ng sinabi at ginawa ng isang tao kapag tinanong mo na siya, hindi ba? Parang pagsisimangot lang yan, akala mo nababanas lang siya sa mga taong katulad mo pero 'pag tinanong mo nadudumi lang pala siya," pinaliwanag ko pa sa makitid na utak niya.

Tumahimik saglit at mukhang nag-iisip siya. Slow lang? "Ayos nababanas sa katulad ko? Hindi mo dapat pinapalitan ang kahulugan ng mga ganyan," aniya. aba tumatagalog naman pala.

"Eh sa gusto ko, may batas na ba'ng nagbabawal sa pag-iiba ng kahulugan? Wag ka mag-alala sir hindi ko naman kamag-anak si Merriam webster at hindi kami close ni Oxford kaya hindi ko permanenteng mababago ang kahulugan ng mga sinasabi ko, pansamantala lang 'to." nginitian ko siya at patalikod na ako.

"Oo nga pala sir mico kapag sinabihan kita ng guwapo, kabaligtaran yun para sa akin" gusto ko tumawa ng malakas kasi ang sama na ng itsura niya. Hindi maganda ang ugali niya kaya kahit ano'ng guwapo niya, panget pa rin siya.

Palakad na ako nang.."Miaca" naku po si Don Ismael, baka nahawaan na ni yabang.

"Hindi ako natutuwa sa pagsasagutan niyong dalawa" ani Don.

"Sorry po..Kasi--" sagot ko agad. Ngunit naputol.

"Kailangan niyong mag-kasundo" sabi ni Don. Nagtaka naman ako, bakit pa? Eh aalis naman din yan.

"Mico, maging mabait ka kay miaca. Nakapag usap na kami ng Mommy mo na sasama siya sa doon sa inyo para magkolehiyo" sunod-sunod na sinabi ni Don. Ano? Pag-aaralin ako ni Don ng college? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis habang tawa parin ng tawa si Jenny.

"Bakit doon pa po sa'min? Bakit 'di nalang siya dito? " pinagtatabuyan niya ako, halata.

"Oo nga po Don, dito na lang po," ayan tinulungan ko na siya.

"Hindi ba, pangarap mo makapag-aral sa Maynila?" saad ni Don Ismael.

"Kaartehan!" sabat ni Mico.

"Pigilan mo ako Jenny, sasampalin ko ng aparador itong kuya mo" bulong ko.

"Kapag nangarap kaartehan?so kapag ayaw mag-kamay at gustong mag-kutsara kapag kumakain kaartehan?" tugon ko. Teka tama ba sinabi ko?

"Sir Mico, inimbento po yung tanong. Magtanong ka muna bago ka mag-react" dagdag ko.

"Anong logic nun? tsaka teka sumosobra ka na yata, kung maka-sagot ka parang di ka katiwala rito? sinasanay niyo po nang ganyan yan Lo? Ayan lumalaki na yung ulo,"

Medyo nasasaktan ako sa pinag-sadabi nito.

"Tumigil na kayo!" sigaw ni Don Ismael, naku galit na ata.

Nanahimik na kami at zinipper ko na yung bibig ko.

"Humingi kayo ng tawad sa isa't-isa" ani Don.

"Tssss.. " rinig ko kay yabang kaya Inisnaban ko nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miaca Dear [On Hold]Where stories live. Discover now