Chapter 7

21.1K 718 12
                                    

KINAGABIHAN habang magkatabing nakahiga sina Sam at Elijah ay tahimik na naghihintay ang dalaga na magsalita si Elijah. Napakamot naman si Elijah sabay hinga niya ng malalim. Tiyak masasapak talaga siya ni Mark after this.

“Okay.” Anito. Ngunit tinaasan lang siya ni Sam ng kilay. “Uhm. Ako at ang kuya mo ay partner in crime ng hindi mo alam. I like you since the day I saw you. Kaya inalam ko kung sino ka, saan ka nakatira, everything about you. And then I found out that you are one of my friends sister. Kaya kinausap ko si Mark about my feeling for you. Hindi naman siya nagalit pero binantaan niya akong kapag sinaktan daw kita ay magkakalimutan kami.” Pagkwekwento ni Elijah kay Sam.

“After that tinangka kung maparamdam sayo. Pero naisip ko baka masira ang pag-aaral mo. Mataas pa naman ang expectation sa kursong kinuha mo. Kaya hindi ko itinuloy. Sinabi ko sa kuya mong saka na kita liligawan kapag nakagraduate kana ng college. At natuwa si Mark sa naging decision ko. Kaya tinutulungan niya akong mambakod sayo.” Saad nitong napakamot ng ulo.

“Laging pinapakialaman ng kuya mo ang phone mo. Kaya alam namin kung kanino ka makikipagdate at kung saan ang meeting place niyo. Napansin mo ba na tuwing may date ka ay hindi dumarating? Dahil iyon sa papunta pa lang ang kadate mo ay naharangan na namin.” Dagdag kwento nito kay Sam.

“What?”

Hindi makapaniwala si Sam sa narinig. Ang magaling niyang kuya kakuntsaba pala ng magaling na lalaking kasama niya ngayon.

“Natatandaan mo minsan na meron kayong dinner date ni Travis and then hindi siya dumating. At that time ay nandoon din ako sa restaurant kung saan sana kayo magkikita ng gagong iyon?” Anito kay Sam na nanlaki ang mga mata. Sino ba naman ang makakalimot noon. Ang makikipagkita lang naman sa kanya ay ang one of varsity player sa university nila. Pero hindi ito dumating sa meeting place nila. At si Elijah ang sumagip sa kanya sa paghihintay dito.

****NAKARAAN****

ABALA si Sam sa paghahanap ng maari niyang isuot para sana sa dinner date niya kay Travis ng pumasok sa kwarto niya ang kuya Mark niya. Si Travis ay isa ito sa mga varsity player sa university nila.

“Saan ka pupunta?” Kunot nuong tanong sa kanya ni Mark. “May dinner date ako kay Travis.” Sagot nito. Hindi nito pinagkaabalahang tingnan ang kuya niya dahil abala siya sa paghahanap ng maari niyang isuot. Kaya naman habang busy siya sa ginagawa ay hindi niya nakikita ang ginagawa ni Mark sa cell phone niya.

Matapus makita ni Mark ang cell phone ni Sam ay agad din niya itong iniwan. Ang hindi alam ni Sam ay pagkaalis ng kuya niya ay may tinawagan ito agad.

“Bro, meron date ang kapatid ko. Be ready. I’ll send the place kung saan sila magkikita. Si Travis Arellano the asshole ang kadate niya.” Anito sa kabilang linya. “Copy bro.” Nakangising sagot ng kausap niya bago ito nawala sa linya.

Makalipas ang halos isang oras ay nakita na ni Mark si Sam na pababa ng hagdan. Bihis na bihis na ito. Ngunit nagkunwari siyang hindi niya nakikita ang kapatid.

“Ehmm.” Bahagyang tumikim si Sam ng tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan ng kuya niya. Agad naman itong nag-angat ng mukha. Ngunit agad din niyang ibinalik ang mga mata sa pinapanood niyang TV.

“Oh! Aalis kana?” Tanong dito ni Mark na ang mata ay nakatutuk sa TV. “Oo, kuya.” Sagot dito ni Sam.

“Okay. Gusto mong ihatid?” Anito. Napaisip naman si Sam. “Uhm. Kung okay lang sayo kuya.” Sagot nito.

“Nhaaa. It’s fine. Tara ihatid na kita.” Ani Mark sabay kuha niya ng jacket bago niya pinatay ang TV. Ng maglakad itong palabas ng bahay ay agad namang sumunod dito si Sam.

The Assassin(Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt